21 com

Flooding already leh… so what to do?


Sobrang lakas ng ulan kaninang umaga. Hirap mag hanap ng taxi. Yon, nalate tuloy sa ofis.
Dahil sa malakas at patuloy na pag ulan, bumaha daw ulet sa Singapore. Anlaking usapin ‘to dito. Hindi naman daw kasi talaga bumabaha dito sa first world country na ‘to. Sows, pakiramdam ko ako ang may kasalanan. Hinahabol siguro ako ng baha.

 
*** credits to the owner of the pictures.

Moral lesson dyan, Kahit Hari o Presidente ka man ng bansa, wala kang magagawa, uutot at uutot ka pa din. wapaks

16 com

some chinese characters


Isang bes sa pantry ng opisina, habang ako ay nagiinit ng pagkain, isang bagong salta sa kumpanya ang lumapit sa akin at nagtanong.
ANAPS: May I know what does it mean? (sabay turo sa nakasulat sa larawan)
AKO: Halal Food Only.



Hindi ako intsik para ipatranslate sa kin ang mga katagang yan. Ewan ko ba kung bakit sa libo libong babaeng nandoon wala pang isang minuto nahulog na ang loob ko sayo palagi nalang ako napagkakamalang intsik. Nung isang araw lang, bumili ko sa grocery, kinakausap ko na sya ng English, intsik pa din ang sinasagot sakin ni Auntie. Pero sa tingin ko, minsan meron din naman tong magandang naidudulot, 1 time kasi, nasa MRT ako… may dalawang magkabarkada ang naguusap ng malakas na may kahalong tawanan. Intsik ang usapan. Siempre hindi ko to maiintindihan. Pero nung tumabi ako sa kanila, biglang humina ang usapan nila, yung tipong pabulong na. Na parang may pinaguusapan silang secret, na ayaw nilang paalam sa iba. Hanggang sa natigil ang kwentuhan nila. Sa isip isip ko, kung sakaling may dumi pala sa mukha ko ng mga panahong iyon, hindi nila ko magagawang pagusapan at pagtawanan, kasi naisip nila na maiintindihan ko. Hindi nila ko pwedeng laitin at alipustahin dahil sa normal na kasuotan ko na tsinelas, salawal at tshirt na pamundok.
Pero hindi talaga ito ang gusto kong bigyang diin sa blog ko. Ang sa akin lang, bakit may mga bagay na andyan na tinatanong mo pa. Yung tipong gusto lang magpapansin. Yung tipong makaepal lang.
Tingnan ang nasa larawan sa baba.

Hindi man akong marunong mag intsik eh parang common sense naman na kung ano yung ibig sabihin ng nasa larawan. Hindi ko alam kung tama yung sagot ko, hindi ko na vinerify sa mga kakilala kong intsik kung tama nga pagkakaintindi ko. Kung mali man ako, patawad. Mahilig lang ako mag assume.
Ako yung tipo ng tao na madaling makulitan. Ayaw ko ng paulit ulit na tanong. Ayaw ko ng obvious na, tapos tatanong mo pa. Katulad nga ng pagtatanong sa akin ng tungkol sa nakasulat sa oven. Parang nakakabadtrip lang!
May mga tao talaga na sadyang pabibo lang. Sabi nga sa mga blog na nababasa ko, iba iba tayo ng katangian at kelangan lang respetohin ang isa’t isa. Subalit datapwat, marupok lang ako (pang pokpok talaga ang term.. lol). Talagang di ko lang maisip na may mga epal na tao. Masyadong maingay. Masyadong papansin.
Pikon na ko kung pikon. Ganun talaga ang layf.
Wala lang. medyo hindi lang siguro ko sanay sa ibang normal na kalakaran ng buhay. At hindi ko na mababago yun… ako ay si ako.

19 com

Blogistang bulok


Limitado.
Noong una, akala ko ang blog ang magiging dahilan para isulat ko ang lahat ng aking saloobin.
Noong una, akala ko maibubulaslas ko dito kahit anong bagay na ninais kong ipahiwatig sa mundo.
Ganoon din pala.
May mga bagay na hindi mo pwedeng sabihin dahil na din may ibang makakabasa na alam mong hindi nya dapat ito pwedeng malaman.
May mga salitang di pwedeng bitawan kasi may masasaktan.
May mga pangyayaring hindi pwedeng ibunyag kasi walang madudulot na mabuti.
Limitado pa din ang mga bagay-bagay.
Minsan dapat mo itong pangalagaan at protektahan.
Hindi dapat mabunyag at hindi dapat malaman pa ng iba.
Hindi lahat ng nadidinig mo, kelangan mo sabihin sa ibang tao.
Hindi lahat ng nakikita mo, kelangan malaman ng nakararami.
Hindi lahat ng bagay, pampubliko.
Minsan, kelangan natin matutong itikum ang bibig at tumahimik nalang.
Katulad ng punyal, matalim ang dila.
Bawat salitang kanyang binibitawan ay kelangan pagplanuhan.
Minsan hindi mo alam nakakasakit ka na pala.
Yaong minsan na ito, hindi mo na mababawi, nakatarak na sa taong sinabihan mo.
Wala ka ng magagawa, checkmate na.

Dahil dito, parang nakikita ko, limitado pa din ang aking mga nailalathala.
Walang kwenta!


14 com

1 is enough 2 is two months


Umiikot ang mundo at patuloy ito sa kanyang pag-inog.
Sa loob ng dalawang buwan madami akong nakilala sa blogworld. Kinarir ang bawat post at nagpatambling tambing sa bahay ng kapwa blogger.
Kung dati ay silent reader lang ako, ngayon e paunte unte ay nagcocomment na ko sa mga entry ng aking mga idolo.
Sa simula ay ninais kong maging mysteryoso sa mundong ito, ninais ko na pawang mga personal na kakilala ko lang na mambabasa ang nakakaalam ng tunay na ako. Para sa di ko kakilala, naisip ko na hindi pa naman nagkrukus ang aming mga landas kaya walang dahilan para makilala ako ng personal.
Hindi ko akalain na sa bawat pag tiktak ng orasan ay may mga piraso na unti unting nagdurugtong para makatawid sa bahay ng isang mambloblog [sorry di ko alam ang tamang tawag sa blogger].
Unti unti, may nakakadiskubre kung sino ba talaga si bulakbol.
Ngayon, madami dami na din akong nakakaututang dila na blogger. Masaya na hindi lang sa comment page ko sila nakakausap. Masaya na kahit papaano e, natututo ako sa kanila.

Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng sinimulan ko sa wala ang aking blog. Walang pagbabago, kapos pa din sa mga ideolohiya. Hindi pa din masabing naging kapaki-pakinabang ang mga nalathala. Blanko pa din sa dahilan kung bakit patuloy na nagsusulat…
Subalit hanggang hindi ako kumikita sa nuffnang ng 50 dollars… hindi ko ihihinto ang pagtitipa sa aking keyboard para punan ang aking blangkong papel [seryoso to walang basagan ng trip].
Maraming salamat pala sa patuloy na pagsubaybay sa aking pagbubulakbol. Naging busy ako ng mga nakaraang araw kaya panandaliang nanahimik ang aking magulong bahay. Mahal ko kayo lahat [sabay flying kiss left and right]. \m/
23 com

Cuti Cuti Melaka


Warning: This blog entry will cause you headache because of the writer’s English.
It was a tiring but rewarding Saturday. My friends and I went to Melaka, Malaysia for a photo-shoot. I woke up early that morning. I was excited and I even cooked breakfast so that we’ll not be hungry along the way. My feeling was I’ll be attending a school fieldtrip on that day.
5:30am was the call time. The gang was already at the Sembawang bus stop waiting for Mr. Kubota-san. This good Japanese friend volunteered that he’ll be our driver for the entire Melaka trip. He was also the one initiated this out of town. I don’t know what was the exact time he arrived at the bus stop, only thing I remembered was that I was already laughing on how the GPS device pronounced the Marsiling Road.  The GPS pronounced it in a conyo way. Laugh trip!
We reached the Singapore and Malaysia immigration without much hassle. The long trip was just started after the Malaysia border. {At the border}According to the GPS, we need to travel 205 kilometers to get to the Melaka town proper.  Aiyoo…  Should I sleep now? Hehe… As I about to sleep, one buddy crack a joke, so I decided not to take that cherished sleep and just listen to what he was saying. What we did in the entire car ride was giving jokes, sharing sentiments to the company and telling some non-sense stories. It was a nice and UNfruitful  conversation. LOL.
Yey! We got lost for the first time. We missed the GPS instruction because of our loud conversations. It was the first and the last lost we encountered until we reached the Melaka town proper.GPS was still reliable.

{At Melaka} At last we arrived to our destination. We reached about an hour before lunch time. The time was still nice to take some photos before the much awaited Lunch. A very hot weather welcomed us. I felt lazy because of the weather so after few shots, I just watched my friends on what they were doing. After the first photo-shoot, we went straight to the chicken ball rice shop. There we took our lunch. It was a so-so lunch. 

{The photo-shoot} We followed the iterinary that our Malaysian officemate gave to us. We were trying not to miss the important landmarks that he jotted in his list. Again, I felt really tired because of the climate that was why I didn’t take much photo. 

{Getting lost} During our photo-session, one uncle approached us and told some teachings about Quran. Somehow it got my attention. But, the main purpose of our trip was to take some good shots, so one of my friends asked uncle on where we can shoot a good sunset. Uncle instructed us to go to the Sungai Baru shore. He said that it was about 26kilometers from where we were at the moment. It was getting late so we decided to push to Sungai Baru. Along the way, the GPS didn’t show any location on where we were. It looked like we were floating on the sea. Whoah. Luckily there were road signs to follow. We travelled almost an hour to reach the shore. We took pictures of the sunset and the scenery. We also decided to take dinner in that area because it was already eating time. After a refreshing dinner along the shore, we decided to go back to Melaka central. The GPS was programmed to take us back to the central. It was already dark outside. The road signs were not noticeable; we just followed the GPS instructions. Along the way, we encountered checkpoint. The man in a camouflage shirt talked, ‘Mister this is an Army camp and a private area, you are not allowed to go inside’. So the gang started to laugh. That bullshit GPS will put us to jail. We just asked the officer on how to go to central. I think he instructed us the wrong way, because when we followed what he said, we reached a creepy dead end (looks like a place where you will put a dead body). Arg. So we asked again for an instruction to a villager, a not so helpful instruction but we managed to find the way going out. =)

At last, we already reached the highway going back to Singapore. Still couldn’t sleep. Our friend driver was very tired already. We need to wake him up with our stories. We were nearly got to bump the gutter twice. Luckily we arrived home safely.

Yeah… it was a very adventurous experience. \m/ Until the next bulakbol…

nosebleed...
31 com

Sweet and Spicy


Madalas tayo mag bigay ng bansag sa mga tao. Nagbabansag tayo dahil minsan gusto natin na pasikreto natin silang pinaguusapan.
Dito sa opisina, nagbansag ang tropa sa isang kaopisina. Pinangalanan namin syang… Chilli Padi.
Si Ms. Chilli Padi ay isang tyaynis, isa sya sa piling piling pwede dito sa opisina. Sya ay maputi, may katangkaran, balingkinitan ang katawan at may paka madaldal.
Bagamat dapat ang bansag ay sinesekreto lamang, alam ni Chilli padi na tawag namin ito talaga sa kanya. Medyo hindi nga lang sya sang-ayon dito.
Alam kong nag aagam agam sa inyong isipan kung ano ang chilli padi (paki basa ang nasa baba).
Chilli padi
From Wikipedia, the free encyclopedia
Chilli padi (Malay: cili padi) are tiny little fiery chillis normally in red or green color, also known as bird's eye chilli in English. This type of chilli can be found in Malaysia and Indonesia but most commonly in Thailand, where they are known as phrik khii nuu (พริกขี้หน), which translates literally as "mouse shit chiili". Although small in size compared to other types of chilli, the chilli padi is relatively strong at 50,000 to 100,000 Scoville. Malaysia consumes about RM140 million worth of chillies each year.[citation needed]
See also: African birdseye

Tinawag naming syang chilli padi kasi maanghang sya, mainit pala, ay hot pala… basta yun na un. Bagamat hindi naman ganun kalakihan ang kanyang alam nio na yon hinaharap, mayroon sa kanyang pagkatao na para bagang mahuhumaling ka. Kumbaga sa Hayskul layf eh, kras ng bayan ang dating.
At dahil normal na nilalang lang naman ako siempre kabilang ako sa hilera na humahanga sa kanya.
Kahapon may pinagawa sya dito sa ofis, pagkatapos ko ito tapusin, nagemail sya sa akin ng ganito ‘thanks! Told you you are the best! Hahaha’ nabiro ko sya na bakit ba lagi nya kong inuuto.  At eto ang sagot nya ‘No la… I never bluff you. Really!’ Edi si ako, turn ko naman para magpacute, sabi ko sige kung best pala ko, dalhan mo ako ng cookies dito sa opisina pang merienda. Weakness ko kasi talaga ang cookies at mababaw lang talaga akong tao. Lol. Bigla ko tuloy namiss ang binebake ni eksmunchkins. Sabi nya sige daw, anong klase daw ba. Sabi ko. Nibibiro ko lang sya, tinetest ko lang kung mabait sya. At doon natapos ang paguusap namin.
Kanina, pagpasok na pagpasok ko palang sa pintu, tinatawag nya ko. Medyo hindi ko sya agad napansin kasi may hawak akong kape at kelangan ko itong ipatong sa cube ko. Normal routine ko kasi sa umaga e dumaan muna sa vendo machine bago pumunta sa cube. So yun na nga, punta muna ko sa cube ko para ibaba ang kape at iboot ang PC ko. Mga siguro 1 second to be exact, nagulat ako nasa likod ko na sya… may dalang isang lata ng chocolate chip cookies. Waaaah… bigla akong natunaw. Hindi ko akalain na seseryosohin nya. E ako pa naman ang tao na pakiramdam ko lagi na teenager ako. Nyahahaha… So yun na. Nalaman ko na sweet pala sya. Sinabi ko to sa kanya… at ang sabi nya…
Now then you know I’m sweet…
=p

Hayst… ngayon ko lang nalaman ang tunay na kahulugan ng sweet and spicy… Pootek. Para talaga kong HS. Ganito pala ang tama ng pagiging blogger. Nahihigh ako sa ka kesohan. \m/

***salamat ke google sa imahe na nasa taas.
11 com

Sleepy when wet

 
Isang weekend. Walang pasok.
Alam kong matagal mo na itong iniintay. Pagkakataon mo na.
Sige lang pakabasa ka, namnamin ang bawat sirit na dumadampi sa iyong katawan. Pabayaang gumapang ito hanggang maramdaman ng buo mong pagkatao.
Pagkatapos nito,  alam kong nanaisin mo dumerecho sa paliguan na may maligamgam na tubig. Nanaisin mong hugasan ka ng tumutulong gripo at damhin ang maiinit na patak neto.
Mapapagod ka sa sarap at maiisip mong mahiga sa kama para matulog. Balutin ang buo mong katawan ng makapal na kumot.
Babangon ka na ng tanghali at maghahangad ng mainit na sabaw. Hihipuin ito na may tunog pa.
Titingin sa bintana.
Magmumuni-muni.
Mapapabuntung hininga at sasabihing ‘sana maulit muli ang nangyari kahapon…’
‘sana, bumuhos ulet ang malakas na ulan’
‘sana, muling maranasan ang pakiramdam ng isang bata, yung simple lang, yung nasa gitna ng kalsada, tumatakbo, nakikipaglaro, at nagtatawanan habang bumubuhos ang malakas na ulan’
‘sana, muling maranasan ang matulog ng mahaba at gumising ng tanghali na walang iniisip na trabaho’
‘sana, kung ganito lang kadali ang buhay’

Nag-uulan na daw ngayon sa Pinas. Ayos naman. Kasi dati parang problemado ang bansa dahil natutuyot na ang ating mga dam dahil sa sobrang init. Sana lang walang malaking baha na mangyari katulad dati tuwing umuulan.
Hayst… pagkasarap sarap matulog pag ganyan ang panahon.
At dahil tag-ulan na nga, uso na din ang mga sakit tulad ng mga lagnat, sipon, ubo at mga katulad pa neto. Sabi nga prevention is better than cure… kaya mga katoto, para makaiwas sa anumang sakit, uminom na ng mga vitamins at magkaroon ng healthy living. May isa din daw na magaling sa pang iwas ng sakit – immune booster kumbaga. Nakita ko lang to sa isang babasahin at ishare ko lang sa inyo:
Sex Can Boost The Immune System
At last some good news: sex is good for you, at least in moderation. Psychologists in Pennsylvania have shown that the immune systems of people who have sex once or twice a week are boosted.
Basahin ang buong artikulo DITO.

Ayown lang. wag masyado pakabasa sa ulan ;)