11 com

Bawal Magkasakit


I was on MC yesterday. Hindi ko din alam kung bakit MC ang tawag sa SL dito. Nakikiuso lang din ako, siguro dahil MC = Medical certificate.
Naka 30dollars agad ako kahapon, biruin mo yon. Ilang chicken rice na makakain ko nun kung hindi ako humingi ng MC kahapon.

Sadyang bawal magkasakit sa panahon ngayon, dahil magastos magkasakit. Pero mas magastos magsakit-sakitan. :P

11 com

Made in China (sasali sana ko sa PEBA)


Ako si Bruce… isang ofw dito sa bayan ng mga singkit. Wala akong mahanap na trabaho sa pinas kaya nung kinontak ako ng tropa na may opening sa pabrika nila, sinunggaban ko na agad ang pagkakataon. Ngayon, isa akong taga repak ng mga milk kendi dito.

Nakakatawa, sadyang hindi ko makalimutan ang unang araw ko sa bansang ito. Takte kase sa dinami dami ng makakalimutan ko, ang pag-ihi pa ang nakalimutan kong gawin bago sumakay ng eroplano. Maiihi na ko pero pilit ko itong pinipigilan. Ilang oras lang naman kase ang byahe kaya matitiis ko pa. Ikinakatakot ko kasi na baka pag tumayo ako sa eroplano at pumuta sa CR ay maligaw ako at hindi ko na alam kung san uupo. Aba e, pagkalake ga ng eroplano, mas malaki pa sa bas na sinasakyan ko pauwe ng aming probinsa. Nakakahiya kaya na magtanong tanong kung san ako nakapwesto. Nakahinga ako ng malalim ng lumapag na ang eroplano. Konting tiis nalang at makakaihi na ako. Subalit, nagkamali ako, ilang oras din ang nakalipas bago ko nakita ang CR. Bihira lang pala ang marunong mag English sa bansang ‘to. Konti pa naman ang baon kong English. Kaya ayon, ilang tao din ang napagtanungan ko bago ko nahanap ang kubeta. Madali ko namang nakita ang aking tropa na si John sa labas ng airport. May dala dala kasi syang placard na nakasulat “welcome mr. biglang-awa”. Ang sabi ko, bakit nya pa ginawa yon e magkakilala naman kami. Sagot nya ay, mas mainam na daw na may ganoon para mabilis kaming magkakitaan.

Ang bilis talaga ng panahon, parang kelan lang ang mga pangyayaring yan. Ngayon magdadalawang taon na ako dito. Ayos naman. Hindi na ako naliligaw sa paghananap ng palikuran tuwing lumalabas. Natutunan ko na rin kasi ang kanilang lenggwahe at kung sasali ako sa spelling bee, malamang ay hindi na rin ako papahuli. Yun nga lang, may mga panahong nahihiya akong gumamit ng banyo lalo na kapag nakakatikim ako ng bagong putahe ng mga intsik. Medyo naging maselan yata ang tiyan ko simula ng makatapak sa ibang lugar. Buti na lang kamo, hindi ako nag-iisa. Kaya nga tuwing nagkakasalo-salo kami ng mga tropa kong Pinoy dito sa Tsina, parang huling hapunan na namin sa dami ng putahe na aming inihahanda.

Isang bagay na talagang bilib ako sa bansang ito ay ang kanilang pagiging makabayan. Kada pupunta kasi ako ng mall at titingnan ng etiketa ng mga produkto lahat made in china. Kumbaga sila ang magandang halimbawa ng tag line na “Buy Pinoy” sa ating bansa. Balak ko nga bumuli nung isang araw ng celfon, kaso mahinang klase daw ang mga galing tsina, humahanap ako ng made in finland pero wala. Ewan ko ba bakit naging mindset na nating mga Pinoy na kapag Made in China mahina. Samantalang parang Pilipinas din naman sila. Sa atin ang labor at mass production pero kapag inalabas na sa merkado, made in saan mang sikat na bansa ang nakalagay sa etiketa.

Minsan tuloy naiisip ko kung ang tao may etiketa din paano na kaya ako? Tatangkilikin pa kaya ako ng mga Pinay sa ating bansa kung malaman nilang made in china din ako? Makakadate ko pa kaya ang mga trip kong chix? Matitikman ko kaya ang mga natitikman kong putahe ngayon? Mga katanungang bumabanaag sa isipan ko dahil baka kasi isipin nilang mahinang klase ang lalaking tulad ko.  Hindi niyo kasi naitatanong, ang aking ama’t ina ay dating ofw dito sa china. Nagkakilala sila at ako ang naging bunga. Dito ako sa tsina nabuo at umuwi lang ang aking ina nung nasa ikalimang buwan na ako sa kanyang sinapupunan. Kaya maituturing na ako ay isa ding made in china.

Ako nga pala ulet si Bruce, Bruce Biglang-awa. Nakuha ng aking ama ang aking pangalan sa kanyang paboritong aktor na intsik. Si Bruce Lee.

 ====
maraming salamat kay Madz sa pag edit sa ilang bahagi ng aking akda.

15 com

Homesick


Hindi ko alam na darating ako sa ganitong sitwasyon. Alam ko kase na sanay na ko. Gala na ako, bata palang. Hindi ako naglalagi ng matagal sa bahay. Noong nasa mababang baitang ako, nakikitulog na ko sa bahay ng kaibigan o pinsan. Sa isang linggo mga 4 na araw lang ako naglalagi sa sarili naming bahay. Buong weekend sa galaan. Lalo akong nasanay na wala sa bahay nung pagdating ng College, bumukod na talaga ako… sa pagiging probinsyano, nakipagsapalaran ako sa buhay maynila. Kahit taga-bulacan lang ako, may pagkakataon na hindi ako umuuwe kahit weekends. Hanggang sa magtrabaho ako, Ganito ang naging set-up. Kumuha ko ng sarili kong apartment at doon na nagtira. Dumadalaw nalang ang pamilya ko pag naisipan nila.
One time. Pinadala ako ng kumpaya sa tate, egsayted ako kahit sinasabi ng karamihan na mahohomesick lang ako. Una kong beses naranasan na may sumundo sa akin ng naka-placard at nakalagay ang aking pangalan. Ang sarap ng pakiramdam. Parang isang pelikula. Magisa lang akong pinoy dun sa kumpanya namin, kaya medyo mahirap. Kaso lalo akong natuwa sa set-up, natuto ko tumingin kung panu pumunta sa iba’t ibang lugar gamit si mr. internet. Nakapag New York ako mag-isa na nagbus lang. Hindi naglaon, Nakauwe ulet ako ng pinas na parang naglaro lang ako sa tate. Parang gusto ko pa bumalik dun ng pagkatagal tagal.
Mga ilang buwan pagkabalik ko ng pinas. Nagresign na din ako sa dati kong trabaho dahil na din may offer sa akin sa Malaysia. Lalong nabahala sila sa akin, dahil eto, tunay na lilisanin ko na ang pinas at dun na talaga nakabase. Doon sila nagkamali, lalo akong nag-enjoy sa Malaysia… dahil sa implementation project ako, nagawa kong libutin ang Malaysia, nakapunta ko ng sabah, penang, perak, klang, damansara, kl, pj at kung san san pa. Lalo akong nasiyahan dahil sa madaming bundok sa Malaysia at ang bilang panggap na mountaineer, pag weekend na wala akong ginagawa, naakyat ako ng bundok. Hindi nagtagal, umuwe din ako sa pinas dahil may offer na di ko matanggihan.
Nasa pinas ako… parang kulang ang pakiramdam. Gusto ko ulet magtrabaho sa ibang bansa at maging OFW ulet. Laking pasasalamat ko nung tumawag etong si Singapore.
Pangarap na jackpot, hindi ko akalain na makakapagtrabaho ako dito sa Singapore,matagal ko na din kasing hindi sineseryoso ang pagpapasa ng resume sa bansang to. Lalo akong naging at home sa Singapore dahil marami akong kakilala na dito na nagtatrabaho. Ayus din na madaming pinoy dito sa kumpanya ko. Isa pa, mas masarap ang mga pagkain dito kesa sa dalawang bansang napuntahan ko.
Kahapon, pumunta ko sa Lucky plaza kung saan pwede ka magpadala ng pera sa pinas. Ang dami kong kababayan na nakita. Ang haba ng pila sa padalahan ng pera. Ang ingay ng lugar parang eksena sa palengke. Habang nakapila ko, nakaramdam ako ng pagkatigang (hanep ang drama). Parang biglang naisip ko, sana naging mayaman nalang ako para hindi ko na kelangan magtrabaho sa ibang bansa at magpadala ng pera saking mga minamahal. Hindi ko alam kung bakit kakaiba yung nararamdaman ko nung mga nakalipas na araw.
Nagsisimula na ba ko mahomesick?
6 com

cubao overpass


Alam ko kung kelan ka may problema. Alam mo kung bakit? Dahil pag may problema ka bigla mo nlang akong kakausapin o tatawagan, mga ilang minuto pa lang ang ating paguusap at bigla ka nalang mahihinto, di magsasalita, di magpaparamdam hanggang sasabihin ko nalang, “umiiyak ka ba?” Hindi ka pa din magsasalita. At malalaman kong umiiyak ka nga. Minsan naman trip ko lang lokohin ka ng “ui umiiyak ka?”, ginagawa ko to kasi alam ko sobrang iyakin mo… nantritrip lang naman ako nun. Pero bakit bigla ka nalang ulet hihikbi. Kaya gustong gusto kitang biruin, masyado mong sineseryoso ang mga bagay bagay.
Isa pang gusto kong pambibiro sa’yo ay yaong pagnagbebake ka ng cookies na walang korte. Nadalas ka ata magbake dati dahil sa pagrerequest ko. Sa tingin ko ako ang dahilan bakit nahasa ang baking skills mo.
Makailang ulet ko din sinabi na ang taba taba mo na. At yun nga, tulad ng inaasahan, seseryosohin mo eto. yun tuloy, para ka nang kambing dahil sa puro dahon na lang ang kinakain mo. Sa totoo lang, paano ka tataba e sobrang active mo sa lahat ng bagay. Medyo natutuwa naman ako, dahil lahat ng pagkain mo, sa akin mo pinapakain.. diet dietan ka kase at ako ay matakaw.
 Simula ngayon, hindi na kita lolokohin… alam ko naman na lahat ng sinasabi ko kahit pabiro pa ito ay sineseryoso mo. Eto ang regalo ko sa’yo ngayong kaarawan mo – ang di pang aasar sa’yo.
Woi Jean. Ang tanda mo na! nyakakaka…

Maligayang kaarawan… dahil sa’yo namulat ako kung ano ang nangyayari sa overpass ng cubao paghating gabi. :P
10 com

S-O-L-O


Isang random post lang.
Biernes, egsayted na ko para sa long weekend. Hindi dahil sa may gimik kundi parang nakakasawa na din yung palagian kang nasa ofis. Sana may available pa na slot sa Bangka pagpunta ng Turtle Island. Wala pa din ako naiisip na dalhin na pagkain para sa share ko.
Dapat nasa korea ako ng mga panahon na to. Pinag asikaso ko ng kumpanya ng visa kaso di din naman pala matutuloy, pinaasa lang ako. Pero ayus lang di ko na trip lumabas ng bansa.
Parang ayaw ko na mag inom ng alak. Pag konti. Haha. Pero, tunay, etong biernes lang nato parang di ko trip mag-inom.
Umaandar na ata yung pagkamiss ko sa mga bagay bagay at buhay buhay sa pinas. Hayst.
Wala ako talaga ganang magtrabaho ngayon, kung ano yung kina-busy ko kahapon… yun naman yung kinatamad ko ngayon.
Natutuwa ako sa bago kong pwesto sa opisina, dati manager yung nasa likod ko. Ngayon opisina naman ng HR. haha. Mukhang ayaw nila ko pagawain ng masama sa araw ng trabaho ah.
Di ko pa din naayos yung resume ko. Gusto ko na ulet mag job hunt. Next destination Australia? Sana sana…
7 com

basta mamayang gabi...


Paguwe ng bahay….
Ilalapag ko ang gamit sa kwarto…
Iinom ng madaming tubig…
Tatakbo ng 1ng oras…
Konting exercise…
Kakain ng hapunan…
Iinom ng alak…
Konting internet…
Matutulog…

At sana pagkagising ko walang problema at okay na ang lahat. Isang malalim na buntong hininga.
5 com

mga linyang tumimo ke bulakbolero


Lumang kasabihan
Sabi nga nila: “ang buhay ng tao parang gulong, minsan nasa ibabaw minsan nasa ilalim.” E panu kung flat ang gulong? iikot pa ba ito?
Galing ke pareng Bob ong
Wika nya: “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una." May tama sya diba? Kaya nga nung pinaskil ko to sa status ng ym ko… ang daming nagreact at nasapul…
Anime mowd
Naalala ko na naman ang aking paboritong quote galing sa FMA. Ang law of equivalent trade. "Humankind cannot gain anything without first giving something in return. To obtain, something of equal value must be lost." Ibig sabihin neto, d talaga madali ang buhay… may masasacrifice at masasacrifice kang isang bagay para makuha mo ang gusto mong mangyari.
Bible
Magpakabanal naman tayo kahit minsan…. Ani ng bibliya… “Go on and multiply.”
Mathematics
“If you toss a coin, it will come up a head or a tail. So there is a probability of one that either of these will happen. A probability of zero means that an event is impossible. If you toss a coin, you cannot get both a head and a tail at the same time, so this has zero probability.” Para lang tong buhay eh… we only have two choices… yes or no lang.. tats muv na… d na tayo makakabalik pag napili na natin ang isang bagay… e panu nga pala kung sa pag hagis mo ng coin… bigla syang naipit ng patayo sa isang uwang ng flooring? Edi inde impossible ung probability of zero?
Science
Newton third law of motion states that "Every action has an equal and opposite reaction." Kaya kelangan talaga, bawat hakbang na tatahakin natin… pagisipan mabuti. matakot ka sa karma... lol... joke joke.
Californication Season 1
Yung last episode nung season1 ng californication, may binitawang salita si Hank (ang bida ng storya) "All those things that weren't supposed to happen... they happened. What will happen next is up to you..."  asteeg tong linya na to para sa akin... kasi totoong may mga bagay bagay na d naman natin gustong mangyari, pero nangyayari... eto siguro kasi ung nakatadhanang mangyari.. pero possible din namang para mangyari ang mga gusto nating mga bagay... kelangan gumawa tayo ng move para makasakatuparan ito... :D
On finding the right one
Don't worry on finding the right girl; concentrate on becoming the right man.