31 com

i wish i could see her....

naked again. :'(

I am hoping that the feeling is still mutual.


*****
ilang tulog nalang jollibee na naman. :) sayted na ako. sa mga kikitain ko sa pinas. kitakits sa mata.
30 com

Picture speaks louder than words.


ilang araw din akong parang bagong tuli maglakad.
20 com

Get well soon \m/

Parang isang buong bwan na ang nakalipas mula nung linggo. Ang daming pangyayari na hindi ko inaasahan.

Linggo. Nagplano kami na magpunta ng batam para mag wake boarding. Sabado pala ang tunay na plano. Pero fully booked na. At bilang mapilit na gusto pa din magwake board ay nilipat nalang namin sya ng linggo.

Natuloy ang plano.
Masaya.
Nag-epal sa batam.









Masaya naman talaga hanggang sa…


Namali ng bagsak ang tropa ko.
Nabali ang femur nya. Sabi ni Mr. Google, yun daw ung pinaka matibay at malaking buto natin. At isang malakas na impact lang daw ang sadyang makakapagpabali dito. Awts.



Ayun. Naoperahan tuloy sya nung isang araw.
Ngayon nasa ospital pa din sya at nagpapagaling. Tulog ng tulog. Sabi ko sa mga bisita nya, pag tulog sya sa time ng dalaw pisilin lang yung hita nya sigurado magigising yun. Hindi ko alam kung may gumawa na, pero sa tingin ko epektib yun.


Pare. Pagaling ka agad! Magwewake board pa ulet tayo! Lol. Joke lang. food trip nalang tayo…


10 com

Isang malaking tenk-yu


“… For dinner, I went out with Sven, Frank, and Jeremy who are all Swiss. Sven and Frank are from the German-speaking part of Switzerland while Jeremy is from the French part. We decided to eat in an Italian restaurant near Zytglogge which is just one stop from the hotel. The guys suggested we walk on the bridge instead of riding the tram, as we always do even though it's freezing cold. More snowflakes were falling from the sky, settling on our coats and umbrellas. I asked them, "I'm wondering, why is it that it's not as cold when it's snowing." Jeremy said, "Because it warms your heart."....Awwww, I guess he's right. (">)
Excerpt from my friend’s blog entitled First Snow in Switzerland


Walang snow dito sa gapore. Wala ding Turkey na handa sa hapunan. Hindi mo kailangang gumising ng maaga para pumila at makipagsiksikan para lang makakuha ka ng good deal tuwing black Friday.

Asa? E wala namang thanksgiving celebration dito.

Maswerte na din akong maituturing dahil kahit 1 time lang ay naranasan ko ang mga bagay na yan. Snow. Turkey. Black Friday sale.

Ito yung isa sa pangyayari sa buhay ko na pinagpapasalamat ko.



Nakakatuwa na may mga bagay na hindi naman natin ineexpect na dumating sa buhay natin, pero kaboom. Ayan na. kinakatok na tayo.



Marami akong dapat ipagpasalamat ngayong taon na to.

Na kahit matanda na ko ay gwapo pa din ako.

Na kahit mataba ako ay madami pa ding nahuhumaling sa katawan ko.

Na nadagdagan ang mga bansa na napuntahan ko.

Na may trabaho pa din ako.

Na bawat pag mulat ng mata ko ay kaya ko pa din tumayo at makipag talastasan sa aking mga kaopisina, kakilala at tropa.

Na kahit madaming pagsubok sa buhay ay nalalampasan naman.



Yon naman ang importante sa lahat… na bawat pasakit sa buhay may ligaya pa ding natatamo.

Sa bawat pagsubok, may karamay na lagging nandyan sa tabi mo.

At sa bawat pag-inog ng mundo, patuloy pa din ang paghinga.




Sa lahat ng kakilala, kaibigan, katropa, kapamilya at iniirog, Happy Thanksgiving sa inyong lahat.



====
Salamat at IT show dito sa gapore. Sana, makapag upgrade ako ng cam. Sana kayanin ng aking nangungulilang pitaka.
24 com

Hinagpis

 Ring ring… Ring ring… Ring ring…


Isang tawag mula kay Bok. Bok ang tawagan ng mga sundalo sa isa’t isa. Parang brader na din kung tutuusin.

“Bok, maghanda ka na” aniya

Hindi ko alam kung ano ang paghahandaan ko. Dahil sanggang dikit naman kami ni Bok, hindi ko na muna inalam kung ano yung dapat paghandaan. Magkikita naman kase kami at pede naming pag usapan ng personal. Basta sumang-ayon lang ako.

“sige bok” tanging nasambit ko

Ilang oras ang nakalipas.

Nagkaroon ng giyera. Hindi ko ito inaasahan. Wala akong kalaban laban. Hindi ako handa.

Pinipilit kong isipin kung ano ang hakbang na aking gagawin, pero wala akong maisip.

Natapos ang giyera na nakatanghod lang ako.

Wala akong ginawa. Hinayaan ko lang mangyari ang bawat pangyayari.

Walang kwenta.

Walang silbi.


Lumipas ang magdamag. Isang bagong araw na naman.

Bigla kong napagtanto ang mga katagang sinabi sakin ni Bok.

Ito pala ang bagay na dapat kong paghandaan.

Wala na… huli na ang lahat.

Tapos na.


Minsan… may mga pahiwatig na hindi natin binibigyang pansin. Binabalewala lang natin. 

Darating na wala tayong sandatang dala.

Wala tayong magagawa kundi sumunod nalang sa agos.

Pagtapos na, saka tayo magsisisi.

Kung kelan possibleng hindi mo na maibabalik ang nakalipas.




----
Hango sa nangyari  sa buhay ko nung kamakailan lang. Sadyang binago ang istorya para ikubli ang tauhan at tunay na pangyayari.


19 com

Blogbolero

Hindi ko na alam kung ilang araw o buwan na ba kong namamalagi dito sa bahay ko sa blogworld.

Sa pagiging anonymous blogger, unti unti na din akong nagpakilala kung sino ba talaga si bulakbol dahil na din sa paglalagay ni Jepoy ng larawan ko sa blog nya.


Nalahad ko na din dito kung paano ako namolestya sa Indonesia.

Kung paano ako nakipaglandian este nagpacute sa mga kaopisina kong babae.

Nakwento ko na din ang nakakabagot na storya ng buhay ko.

Kung gaano ko kaayaw kumain ng pizza pie at kung paano ko nakakatulog sa loob ng sinehan.

Naging bida na din sa blog ko ang ilang tropa at ang ex-munchkins ko.

Kung gaano ako naliligayahan na matulog ng walang saplot at makipag cam to cam. (adik mowd on)

Naging emo na din kahit inde bagay.

Pati kung ilang bansa na ba ang napuntahan ko.

At marami pang iba…


Nameet ko na din si Gasul, Jepoy at Roanne sa personal. Muntik ko na makita si Jethro sa Korea pero ayaw nya magpakita sa akin. Haha.

Hindi ko din inaakala na si Ahmer ay kaibigan ng mga Kababata ko sa bulacan. Ang liit talaga ng mundo.

Ang dami kong natutunan sa blogworld. Dami kong nilakbay na photoblogs. Aliw ang pagbasa ng mga nakakatuwang blog. Yung mga blog na lumalablayp ay masaya ding basahin, parang nagbasa lang ako ng sekretong diary.

Nakasaksi na din ako ng umamin sa blog.

Nagkaroon na din ako ng tatlong award mula nung nagsimula ako mag blog. Salamat ke Claum, LordCM at Eddyboy.

Nung una, natutuwa ako na pagkagising ko ay iniisip ko agad kung ano ang ilalathala ko dito. Aysows. Bonus pa kung makikita mo na sa previous entries mo ay madaming nag comment at may nagfollow na bago.

Pero ganun na nga, may mga panahon talaga na kahit anong piga ang gawin mo e wala ng lalabas na katas. Sa halip kase na sa utak pinapalabas ang katas e sa ibang parte ng katawan. Wapak.

Kanina lang, isang tunay na kaibigan ang nagtanong sa akin. Please refer to the screen shot below (parang formal email lang).



Sa totoo lang, hirap talaga ko mag blog. Accidental blogger lang naman ako. Sa tingin ko ay mas may laman pa ang mga comment ng mga blogger kesa sa mga entries ko.

E ano magagawa ko? E adik ako magsulat ng kung anu-anong bagay? Hindi ko din naman ineexpect na dumami pa lalo ang magbabasa ng blog ko. Okay lang din sa akin na may makalimut na dumalaw dito. Ang sa akin lang e, sana yung mga tunay kong kaibigan ay nandyan pa din at handang basahin ang aking boring layf. Lol. (may ganun?)

Yaan nio next time, pag nagkaroon ng kurso tungkol sa paano maging effective blogger, papasukan ko yun.

Nga pala, sa mga mangilan ngilan na dumadalaw sa blog ko… paclick naman ng nuffnang ads ko… wahaha. Salamat.


21 com

Nadine Lustre

Proud tito ang tropa ko ng mga nakaraang araw. Bumisita kase ang pamangkin nya na nagsisimulang pumasok sa mundo ng showbiz. 

Bago pa man dumating dito ang pamangkin nya, binibida nya na ito sa amin. Sabi nya regular itong nakikita sa Party Pilipinas ng GMA7 at lumabas din sya sa pelikula na Petrang Kabayo. Madami pang credentials ang sinabi nya tungkol sa pamangkin nya.

At dahil dyan… Sinamantala namin ang pagkakataon at humingi kame ng konting panahon para makuhanan sya ng larawan.

Manager ang dating ni tito. Sya na! Kelangan e iscreen muna ang bawat pag pitik namin ng camera.
 
Hindi ito ang unang experience ko na mag model shoot, at napansin ko na mahusay itong batang to. Hindi na kelangan iguide at kahit saang angulo e maganda sya.

Natapos ang photoshoot at nakausap namin ang Modelo – si Nadine. Pagkabait na bata. Sanay makihalubilo sa tao at higit sa lahat artistahin talaga ang tindig.



Bilang tropa ng tito nya, hangad ko din na sana ay makilala sya sa mundo na kanyang tinahak. At bilang friend na din kami ni Nadine sa facebook. LOL. Oo, kami na ang close. Haha.

Mga kabloggers. Nood kayo lagi ng party pilipinas at suportahan ang grupo ni Nadine na pop girls. Saka may album sila. Bili na din.

22 com

miss na kita

sobra...
28 com

malapit na ko umuwe ng pinas, yahoo....


May nagtanong sakin kung miss ko na daw ba ang pinas.

… sa totoo lang, hindi ang pinas ang namimiss ko kung hindi ang mga nasa Pinas.
16 com

Asa?!

Pang tatlong entry ko na to na may kaugnayan sa pagtanda ko. Este kaarawan ko. (sana wag kayo magsawa) Ngayong taon ang pinakakaibang pagdiriwang ng kaarawan ko. Hindi na bago na wala ako sa pinas ng beerday ko. Pero ang bago e parang sa halip na isipin ko ang selebrasyon e pagtanda ang naiisip ko. Ang weird. 

Egsayted ako bago palang dumating ang kaarawan ko. 

May mga mangilan ngilan na din na bumati sa akin. Hindi ko alam kung dahil di nila alam talaga ang bday ko at nag advance greeting na para manigurado o talagang how thoughtful how goldilocks lang sila.

Si eks munchkins nga, ginaya ang stayl ko. Nagcountdown din sya ng beerday ko. Araw araw mula pagpatak palang ng Oktubre ay binabati na ako. E ganun kaya gawain ko sa kanya dati. Wala talagang originality yon. Wahaha. Piz naman.

Masaya na sana, pero hindi ko alam bakit lagi kong naririnig sa background ang kantang tindahan ni aling nena…

Bumalik tayo sa kwentuhan.

Sa japan ako nagdiwang ng kaarawan ko. Naswerte ako na walang trabaho yung tropa ko na nasa japan. Nasamahan nya ko magliwaliw at mag celebrate ng bday ko. Lalo akong naging maswerte dahil nalibre ako ng bahay sa buong stay ko sa japan. Ambait tlaga ng mga tao. At ang may Kapal. (naks mukhang kikidlat maya maya).

Besperas ng kaarawan ko, sakto. Opening day ng Hooters Tokyo. Kinantahan ako ng mga hooters girl at siempre ako sinayawan ko naman sila ng kung anong sayaw ang makakaya ko. May bumili din sakin ng alak sa kabilang table, regalo nya daw sa akin. Kakataba ng puso. Isa pang bonus, di ko akalain na mapapanood ko ang sarili ko sa TVtokyo via youtube. Lufet.  ako pa ang napili sa dinami dami ng tao dun… nyahaha.

Sa araw ng beerday ko. Nakakatuwa na nagisip talaga yung tropa ko kung san kakaiba at san okay na icelebrate ang beeday ko. Pumunta kami sa Alcatraz. Kulungan ang concept nya. Asteeg. Parang gusto ko magtayo sa pinas ng ganitong resto. 

Hindi ganito ang normal na selebrasyon ng bday ko. Pero masaya. Konti ang kasalo pero madami ang pagkain. Wala sa bahay pero at home naman ang pakiramdam. Walang beerday cake pero may mga beerday greetings naman.

Nagtapos ang kaarawan ko para sa taon na ito. Pero pootek na background music yan. Tindahan ni aling nena pa din ang tumutugtog sa utak ko.

ASA PA KO AMPOOTAH! Umuwe ako ng Singapore na akala ko ay ipaghahanda ako ng mga tropa ko sa bahay. Wahaha. Nabigo ako. Walang handaan, walang bisita, walang kahit ano. ASAPAKO?

Nobyembre a-uno yun. Isang bwan na ang nakalipas matapos ang aking kaarawan (Oktubre bente sais). Inaya ako sa Clarke quay ng Tropa ko sa dati kong trabaho. Its party time…. Ayon, inuman, kainan, kwentuhan. Nang biglang…. May dalang cake ang isang hooters girl. Nasurprise ako ng bahagya. Natats naman ako. Talagang may mga tunay na kaibigan na nagpapahalaga sa’yo. Salamat sa inyo.

Yung mga tropa ko dito sa opisina. Amfufu… libre ko lang talaga ang iniintay. Ganun ba talaga ang beerdayan? Pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako na susurpraysin nila ko. Nyahahahaha… ASA?!

Muli… salamat sa nagpasaya ng kaarawan ko.

Xerex, salamat sa pag pasyal mo sakin sa Japan japan at pagplaplano kung ano yung dapat gawin dyan. Salamat sa microfiber cloth, ineenjoy ko na to ngayon.
Nel at Retz, salamat sa pagpapatuloy nio sakin sa bahay nio sa japan japan. Sa regalong sake, tsokolate at chips. Subra subra ang naitulong nio sakin.
Mickey Mouse at Donald Duck, salamat at nag feeling bata na naman ako nung dalawin ko kayo sa Disneyland.
Mga Moe Moe Maid, salamat sa piktyur piktyur sa at pagturo sakin ng moe moe kyu… lol
Japanese (unknown), salamat sa regalo mong zima na alak.
Hooters Tokyo, salamat sa pagcover ng beerday ko. Aliw.
Gea, Mian, Maki, salamat sa pagplaplano ng surprise surprise.
Lahat ng bumati sakin sa ym, email, fb, text, salamat sa inyong lahat.


Sobrang enjoy... Ngunit ang tanging ninanais ko di nabibili ng pera….
13 com

Bulakbolero @ TokyoTV

Nakakatuwa na isang espesyal na okasyon sa buhay ko e nacovered ito ng TokyoTV. Hehe.


15 com

Older but not Wiser

Sa buhay ng tao may mga bagay na natural na nangyayari. Ang pagtanda ay yaong isang bagay na hindi natin maiiwasan. Bawat taon na dumadagdag sa kalendaryo ng ating buhay ay reyalisasyon kung ano at nasaan na ba tayo.

Bilang ikaw ang may-ari ng iyong buhay. Ikaw ang nagiisang tao na pwedeng pumili kung ano ang landas na iyong tatahakin. Minsan nasasabi natin na humihingi tayo ng payo sa ibang tao, pero pansinin mo na sa bandang huli, ikaw at ikaw pa din ang nasusunod.

Sa aking buhay, may mga bagay na hindi ako naging Masaya sa aking desisyon. Wala na kong magagawa dun, nangyari na yon. Kung maibabalik ko lang ang pagtiktak ng orasan. Panigurado ginawa ko na yon.

Habang tumatanda ako, lalo akong nagiging marupok (wapak). Parang napapansin ko padalos dalos nalang ako sa aking mga desisyon sa buhay. Kumabaga, hindi ko iniisip kung ano ang kahihinatnan ng aking gagawin.

Taon-taon parang wlang pinagbabago. Tumatanda sa edad, pero isip bata parin.

Ngayong taong ito, may mga bagay na medyo tumimo sa utak ko at kung susumahin, medyo parang wala akong pinagkatandaan. Sa taon na ito:
- unang bagong taon na wala ako sa pinas
- nakatapak sa limang bansa
- nakiapid ulet
- natuto magblog
- nakakila ng mga bagong kaibigan
- first time humithit ng yosi
- at iba pa na kahit simpleng bagay, nagpabago ng tingin ko sa buhay.

Marami pa siguro kong kwento kung naging mabunga lang sana ang taong ito para sa akin. Pero sa tingin ko, naging easy easy lang ang trato ko sa buhay. May pag sisisi pero, ganun talaga, ang buhay ng tao parang chess lang, tats muv.
23 com

Bulakbolero@sg - ang pagwawakas

Isang mabilisang post lang, kelangan ko lang isiwalat ang bumabagabag sa isipan ko nung isang araw pa.


Ilang linggo nalang ay matatapos na ang kontrata ko sa kumpanya na aking pinagtatrabahuhan sa bansang Singapore. Malabo pa din ang ekstensyon ko. Mas Malabo pa sa uling na kinulayan ng pinturang itim. Dalawang beses na ko nag email sa HR namin pero hindi pa din ako binabalikan. Nakakalungkot na baka hanggang dito nalang ang pagbubulakbol ni bulakbolero sa sg.

Nanghihinayang ako sa blogspot link. Papalitan ko na ba to ng bulakbolero sa manila?

Aysows. Di pa din ako mapalagay. Malongkot. Sayang…

Sana may tumawag na kumpanya pa dito sa sg.
16 com

Update

Ilang umaga at gabi na din ang nakalipas na walang update ang blog ko. Sobrang dami kasing trabaho ang kelangan matapos dito sa kimchi land. Bawat sandali na nakikita ko ang laptop ko, ninanais ko na magsimula gumawa ng draft para may maipaskil dito pero lagi nalang akong bigo. Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang egsayted ko magkwento kung ano ang nangyayari sa akin dito ay di ko alam kung paano ito sisimulan o dahil ba kahit nasa bahay ako e trabaho pa din ang nasa isip ko.




Karma.


Dati naniniwala ako na kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ay yaon din ang gagawin ng kapwa mo sa’yo. Ito ay ang law of equivalent trade ayon sa full metal alchemist. Ika nga: “What a man sows. He harvests. What a man gives. Same equal shall he receive.” Nagbago ang papanaw ko dito bago ako pumunta dito sa bansa ng mga kimchi. Meron kasi kong tropa na nakikitulog minsan sa bahay. Sa mga panahon na yon. Hinahayaan ko lang syang gawin ang gusto nyang gawin. Hindi ako ma-estima na tao, kaya kumbaga, bahala na sya sa buhay nya. Kumain, uminom, maligo, matulog, anuman gusto nya gawin, sya na bahala. Walang pakealaman, magfeel at home nalang sya.


Isang araw, kinailangan ko makitulog sa kanila dahil 5minutes lang mula sa bahay nila e airport na at sobrang aga ng flight ko papunta dito. Nahiya ako ng konti. Punong abala sya nung nakitulog ako don. Pati pagbitbit ng maleta ko na kaya ko namang hilahin e inoffer nya na sya na gagawa. Nakng pootek. Nakakaguilty. Pinakain nya pa pala ko ng hapunan at pinainom ng wine.




Korean fever.


Ano ang seyo?


Kung di nio pa alam, nandito ako sa bansa ng mga kimchi para magliwaliw este para magtrabaho at makatikim ng koreana kimchi (anupaba?). mag dadalawang linggo na din ako dito at medyo madami na ding mga bagay na tumatak sa isipan ko tungkol sa bansang ito.


1. Bakit nga ba maraming Korean sa korea? Walang halong biro. Parang bihira lang nakikita kong banyaga dito. Siguro sa 1milyong Korean, 1milyon dun Korean din. Haha.


2. Unang araw ko palang dito, naging emosyonal na ko. Aba e pagkaanghang ng kinain naming pagkain. Tulo lahat ng tutulo. Welcome Korea ika nga.


3. Napansin ko, naiiba ako sa kanila, wala pa kong nakikitang kalbo bukod sa pag tumitingin ako sa salamin sa apartment.


4. Nakakatawa din na kahit mukhang indian na indian na ang isang tao, pilit pa din ikaw sasalitain ng korea. Yung isang kasama ko ditong pana, sinasabi nya na “I can’t understand you” pero puro “anong sayo” pa din ang sinasabi ng mga tao, maparestaurant, taxi, mall, bus pa man yan.


5. Parang hindi rin nagpapalit ng damit ang karamihan dito. O siguro mayroon lang silang 10000 na ganung klaseng damit kaya parang ayun lang ang suot nila lagi?


6. Natuto na kong kumain ng seaweeds at kimchi. 3x a day na mayroong kimchi sa lahat ng pagkain nila. Di kaya sila nagsasawa sa lasa neto?


7. Hindi na ko nagpapauto sa panlabas na anyo. Madaming pagkain dito na masarap tingnan pero pag kinain mo na. wapak. Parang papel na binababad sa sabon. Lol


8. Sa opisina, first time ko na nakaranas na mas marami pa ang CR ng lalaki kesa sa CR ng babae, usually magkatulad ng bilang. Dito, 2 ang CR ng lalaki, 1 lang ang sa babae.


9. Sa bahay, natuwa ako nung mayroon akong 100+ na channels na nasasagap sa cable tv. Kaso mo, sa 100+ na channel na yon, 4 lang ang English. Lahat Korean channel. Akalain mo yon. Pagkadami dami ng local channels nila?


10. Sa simula e ayaw ko talagang pumunta dito, dahil tambak nga ng trabaho. Pero ngayon, medyo nag eenjoy na din ako sa pag stay ko dito. Masarap pala ang Korean sa Korea.


Madami pa sigurong iba na nakalimutan ko na dahil minsanan ko lang na naranasan. Next time pag naalala ko e iuupdate ko nalang dito sa blog ko.


Karangalan.

Salamat din pala ke LordCM sa nagbabagang blog award. akalain mo yon. anim na bwan palang ako sa blogospero eh nagkaaward na ko. \m/ salamat ser. sa uulitin. asan nga pala yung cash prize? haha. juk unle.




Hanggang sa muli. Takas lang etong update ko. [Trabaho mode on.]

22 com

next destination....


kitakits sa finals...
22 com

basta blogger, sweet lover.

Wala lang. lol. Next time na ang update.
31 com

kapalmuks

Ang pinakamahirap lalo na sa katulad kong panggap na blogger ay ang magisip ng kung anong topic ang ilalagay sa entry na makikiliti ang mga mambabasa. 

Unfair talaga ang buhay, bakit yaong iba, sobrang dali makaisip ng topic at sakto pagkagawa nila ng entry, pagkaganda pa ng pagkasulat?

Bakit ang mga babae, katawan ko lang ang habol? pagkatapos ko sila paligayahin, iiwanan nalang ako sa isang tabi, walang saplot, parang namolestya lang.


Bakit kung kelan balak ko na magpakasal, rineady ko na ang lahat, saka sya kakalas at hahanap ng iba? uha uha...

Bakit nauso pa ang deodorant e ang dami namang anaps na may putok, edi dapat wag nalang nagdeodorant para fair sa lahat?

Bakit ako, gwapo, na matalino pa? kung pede lang sana ishare sa iba ang kagandahang lalaki ginawa ko na dati pa.

Bakit ikaw nagtatrabaho tapos yung iba inde, pero parehas lang kayo ng sweldo?

Bakit nalaos ang Friendster nung dumating ang facebook?

Bakit naadik ako sa mafia wars dati?

Bakit pinanganak akong dukha?

Bakit napagkakamalan ako ng iba na artista? nakakasama naman ng loob yon.

Bakit hanggang ngayon nahihirapan padin ako magisip ng topic na pede kong iblog?


Sige na nga, wala talaga eh, next time nalang ako maguupdate ng aking blog. Pasensya na zero ngayon.
43 com

hu me?


Dahil mag aanim na buwan na ako dito sa blogospero, sa tingin ko panahon na para pakilala ko ng unte kung sino ba tatalaga si bulakbolero. May mga ibang detalye na nasaad ko na sa mga previous entry ko dito, kaya medyo hindi na bago. Sino nga ba ko?

Suplado sa mga di kakilala at di trip kausap pero sobrang pakyut at papansin sa mga kilala.
Maiksi ang pasensya.
Madali uminit ang ulo.
Kuripot pero magastos (ang labo).
Mukha daw akong intsik, kaya sa halos lahat ng bansa na pinupuntahan ko kinakausap ako ng intsik.
Hindi mapakali pag nasa bahay lang.
Mahilig mag try ng kung anu anong bagay at pagkain.
Mataba pero hindi naman ganun kalakasan kumain.
Hindi kumakain ng pagkaing may gata at may curry kung hindi naman required at may choice naman na ibang putahe.
Mahilig sa tsokolate kahit mataas ang blood sugar.
Walang kahilig hilig sa pizza.
Fresh milk lang ang klase ng gatas na iniinum ko. Yung galeng sa dodo ng…………. cow.
Hindi matutunan ang lutong adobo kahit 100x ko na itong itrinay gawin.
Pangarap manirahan sa United States of America.
Pagbubulakbol lang ang hilig sa buhay.
Kaladkaring lalake. Madali akong imbitahan. Sama lang ng sama kung kanikanino.
Antukin, lalo na kung nasa movie house.
Pinapaligo ang pabango sa katawan pag umaga. Pakiramdam ko kase magiging artista ako pag mabango ako. Diesel at nautical voyage lang ang trip kong amoy. Pero dahil mura sa Mustafa at walang ganitong tatak, hugo boss ang amoy ko ngayon.
Ayaw ko gumawa ng gawaing bahay, lalo na ang magsampay ng labada, magtanggal ng sinampay na labada, mag plantsa, mag tiklop ng damit at maghugas ng plato.
Dakilang torpe pero alam ko sweet ako. =P
Handang ibigay ang lahat lahat sa taong minamahal. (may ganito?) pati ang puri at danggal ko.
Kras kong artistang pinay ay sila Myles hernandez, Diana Zubiri, Katrina Halili at Michelle Madrigal.
Paborito kong movie ay ang rules of engagement ni Samuel L Jackson.
At ang mga paborito kong ekspresyon ay, yown oh, ayus, nakng, takte, pootek, tadu, namu, nyahahaha at iba pa.

Ilan lang ang mga nasa taas na pede kong idescribe sa sarili ko. Siguro yung iba hindi napapansin pero ganun ako, kaya yung sila lang makakapagdescribe sa akin. Yung iba siguro nakalimutan ko lang, idagdag ko nalang pag naalala ko.
Sige hanggang dito nalang ulet. Lunch time na. \m/