22 com

next destination....


kitakits sa finals...
22 com

basta blogger, sweet lover.

Wala lang. lol. Next time na ang update.
31 com

kapalmuks

Ang pinakamahirap lalo na sa katulad kong panggap na blogger ay ang magisip ng kung anong topic ang ilalagay sa entry na makikiliti ang mga mambabasa. 

Unfair talaga ang buhay, bakit yaong iba, sobrang dali makaisip ng topic at sakto pagkagawa nila ng entry, pagkaganda pa ng pagkasulat?

Bakit ang mga babae, katawan ko lang ang habol? pagkatapos ko sila paligayahin, iiwanan nalang ako sa isang tabi, walang saplot, parang namolestya lang.


Bakit kung kelan balak ko na magpakasal, rineady ko na ang lahat, saka sya kakalas at hahanap ng iba? uha uha...

Bakit nauso pa ang deodorant e ang dami namang anaps na may putok, edi dapat wag nalang nagdeodorant para fair sa lahat?

Bakit ako, gwapo, na matalino pa? kung pede lang sana ishare sa iba ang kagandahang lalaki ginawa ko na dati pa.

Bakit ikaw nagtatrabaho tapos yung iba inde, pero parehas lang kayo ng sweldo?

Bakit nalaos ang Friendster nung dumating ang facebook?

Bakit naadik ako sa mafia wars dati?

Bakit pinanganak akong dukha?

Bakit napagkakamalan ako ng iba na artista? nakakasama naman ng loob yon.

Bakit hanggang ngayon nahihirapan padin ako magisip ng topic na pede kong iblog?


Sige na nga, wala talaga eh, next time nalang ako maguupdate ng aking blog. Pasensya na zero ngayon.
43 com

hu me?


Dahil mag aanim na buwan na ako dito sa blogospero, sa tingin ko panahon na para pakilala ko ng unte kung sino ba tatalaga si bulakbolero. May mga ibang detalye na nasaad ko na sa mga previous entry ko dito, kaya medyo hindi na bago. Sino nga ba ko?

Suplado sa mga di kakilala at di trip kausap pero sobrang pakyut at papansin sa mga kilala.
Maiksi ang pasensya.
Madali uminit ang ulo.
Kuripot pero magastos (ang labo).
Mukha daw akong intsik, kaya sa halos lahat ng bansa na pinupuntahan ko kinakausap ako ng intsik.
Hindi mapakali pag nasa bahay lang.
Mahilig mag try ng kung anu anong bagay at pagkain.
Mataba pero hindi naman ganun kalakasan kumain.
Hindi kumakain ng pagkaing may gata at may curry kung hindi naman required at may choice naman na ibang putahe.
Mahilig sa tsokolate kahit mataas ang blood sugar.
Walang kahilig hilig sa pizza.
Fresh milk lang ang klase ng gatas na iniinum ko. Yung galeng sa dodo ng…………. cow.
Hindi matutunan ang lutong adobo kahit 100x ko na itong itrinay gawin.
Pangarap manirahan sa United States of America.
Pagbubulakbol lang ang hilig sa buhay.
Kaladkaring lalake. Madali akong imbitahan. Sama lang ng sama kung kanikanino.
Antukin, lalo na kung nasa movie house.
Pinapaligo ang pabango sa katawan pag umaga. Pakiramdam ko kase magiging artista ako pag mabango ako. Diesel at nautical voyage lang ang trip kong amoy. Pero dahil mura sa Mustafa at walang ganitong tatak, hugo boss ang amoy ko ngayon.
Ayaw ko gumawa ng gawaing bahay, lalo na ang magsampay ng labada, magtanggal ng sinampay na labada, mag plantsa, mag tiklop ng damit at maghugas ng plato.
Dakilang torpe pero alam ko sweet ako. =P
Handang ibigay ang lahat lahat sa taong minamahal. (may ganito?) pati ang puri at danggal ko.
Kras kong artistang pinay ay sila Myles hernandez, Diana Zubiri, Katrina Halili at Michelle Madrigal.
Paborito kong movie ay ang rules of engagement ni Samuel L Jackson.
At ang mga paborito kong ekspresyon ay, yown oh, ayus, nakng, takte, pootek, tadu, namu, nyahahaha at iba pa.

Ilan lang ang mga nasa taas na pede kong idescribe sa sarili ko. Siguro yung iba hindi napapansin pero ganun ako, kaya yung sila lang makakapagdescribe sa akin. Yung iba siguro nakalimutan ko lang, idagdag ko nalang pag naalala ko.
Sige hanggang dito nalang ulet. Lunch time na. \m/
23 com

I’m bored therefore I blog.


Patay – sindi. Parang ilaw lang ng bahay aliwan na nangaakit kung papasok ka ba sa loob o hindi. Ganyan ko maituturing ang buhay ko bilang isang nagpapanggap na blogista.  Madaming beses ko na ding tinangka na huwag ng sundan ang bawat huling entry na inalalathala ko dito. Bukod sa hirap na kong makaisip kung ano ba ang magandang isulat, napapansin ko rin na parang umaandap andap na din ang ilaw ng aking bahay. Nakakalungkot mang aminin habang lumilipas ang mga araw, nababawasan ang dumadalaw dito. Napaisip tuloy ako kung bakit ba talaga ako nagbloblog.
Mababaw lang kasi ang kaligayahan ko. Mabilis mo lang akong mapapasaya. Nasa baba ang ilang halimbawa kung papano.
-          Natutuwa ako pag may mga bagong blogger na napadaan at nagcomment sa blog ko.
-          Pag may nag follow sa akin na hindi ko pa nabibisita yung blog nya.
-          Pag biglang nagmessage sakin yung mga talagang kakilala ko na alam naman nila ang storyahan ko sa buhay, pero interesado pa din silang basahin ang blog ko.
-          Pag may masaya at nakakaaliw na pangyayaring ngyari sa akin. Pinost ko sa blog. At nagenjoy ang mga mambabasa.
Isa rin sigurong dahilan kung bakit patuloy padin ako sa pagbloblog ay yung pag may mga pangyayari naman sa buhay ko na nakakabadtrip na kelangan ko talagang isiwalat kahit kanino. Yung tipong gusto ko lang talaga syang ibulaslas para gumaan lang ang dalahin dito ko ito sinusulat. Swak naman minsan, may nakakaintindi. At masarap na din sa pakiramdam na parang may dumamay sayo na ka-blog mo.
Nakakilala din pala ko ng mga bagong kaibigan sa blogspero ewan ko lang kung kaibigan din turing nila sakin. Haha.
Eto lang ay ilan sa mga dahilan kung bakit kahit parang gusto ng magpaalam ng bulakbulerosasg dahil wala ng pambayad sa kuryente ay kahit papaano ay nairaraos pa din. Marami pa talagang dahilan. Kasi para sakin, kung may ginagawa kang isang bagay, hindi pedeng isa lang dahilan mo kung bakit mo yung ginagawa. Dahil pag sinabi kong mahal kita. Hindi sapat yun. Kelangan 100 reasons bakit kita mahal. Una. Masarap kang pagmasdam pag umaga. Pangalawa. Natutuwa ako pag nagsasalita ka. Pangatlo, natutunaw ako sa titig mo. Pangapat. Naaliw ako pag inaaway kita. Panglima. Nababaliw ako pag nababaliw ka. At madaming madaming iba pa….

Ayown. Putol na naman yung blog entry ko ngayon. Biglang may dumating na user. Kinukulet na ko. Work mode ulet. Paalam.
9 com

All I want for Christmas


September 1 na ngayon, kaya ibig sabihin… magpapasko na. yahoo! Kahit alam kong matanda na ko, aminado akong isip bata pa din. Iniintay intay ko pa din lagi ang kapaskuhan. Lalo na ang bagong taon dahil putukan na !!!(basahin ng may pagkasabik na tono)
At dahil dyan, naisip ko gumawa ng mga trip kong bilhin o matanggap ngayong pasko. Pero mas oks kung bago magpasko ay meron na ko ng mga eto.
Una. Dalawang pares ng converse na sapatos.
Pangalawa. Olympus Pen na camera. Para madali dalhin kahit saan. Halos kasing powerful na sya ng dslr, pero hindi kalakihan kaya pede ibulsa.
Pangatlo. Nikon D300s o Nikon D700. Kahit alin dito masaya na ko. Gusto ko magupgrade ng DSLR dahil sobrang mahal ng mga lenses na pedeng gamiting sa camera ko ngayon.
Pangapat. Prime lens, para masiyahan naman ako sa mga pinagkukuhanan kong portrait pics. Minsan nafrufrustrate ako sa mga kuha ko. Nakakailang pitik na ko, wala pa rin akong trip na kuha.
Panglima. The north face na double track na maleta. Para asteeg yung maleta ko pauwe ng pinas. Hehe.
Panganim.  The north face na day pack na bag. Sobrang luma na kasi ng TNF bag ko. Gusto ko muna sya pahingahin.
Pangpito. Polo shirt (simpleng polo lang, hindi yung polo na brand). Wala lang. puro basahan lang kasi sinusuot ko dito sa opisina. Alam nio yung mga souvenir pag pasko. Yung Boysen shirt, Yung Mang tomas hardware store, Yung ABCD grocery – mga ganyan lang sinusuot ko sa ofis. E kelangan ko naman minsan pumorma.
Pangwalo. Iphone 4.0.
Pangsyam. LED TV, PS3 o Wii o XBOX. Para walang lonely nights pag gabing nagsosolo sa kwarto.
Pangsampu. Ticket pauwe ng pinas.

Ayown… sampu nalang. Kasi malamang sa alamang e di naman matutupad yung iba dyan. Pero sana, kadamihan e magkaroon ako on or before Christmas.

Pero ang talagang ninanais ko di nabibili ng pera….  ='(    (kantahin sa tono ng tindahan ni aleng nena)