13 com

Bulakbolero @ TokyoTV

Nakakatuwa na isang espesyal na okasyon sa buhay ko e nacovered ito ng TokyoTV. Hehe.

video

15 com

Older but not Wiser

Sa buhay ng tao may mga bagay na natural na nangyayari. Ang pagtanda ay yaong isang bagay na hindi natin maiiwasan. Bawat taon na dumadagdag sa kalendaryo ng ating buhay ay reyalisasyon kung ano at nasaan na ba tayo.

Bilang ikaw ang may-ari ng iyong buhay. Ikaw ang nagiisang tao na pwedeng pumili kung ano ang landas na iyong tatahakin. Minsan nasasabi natin na humihingi tayo ng payo sa ibang tao, pero pansinin mo na sa bandang huli, ikaw at ikaw pa din ang nasusunod.

Sa aking buhay, may mga bagay na hindi ako naging Masaya sa aking desisyon. Wala na kong magagawa dun, nangyari na yon. Kung maibabalik ko lang ang pagtiktak ng orasan. Panigurado ginawa ko na yon.

Habang tumatanda ako, lalo akong nagiging marupok (wapak). Parang napapansin ko padalos dalos nalang ako sa aking mga desisyon sa buhay. Kumabaga, hindi ko iniisip kung ano ang kahihinatnan ng aking gagawin.

Taon-taon parang wlang pinagbabago. Tumatanda sa edad, pero isip bata parin.

Ngayong taong ito, may mga bagay na medyo tumimo sa utak ko at kung susumahin, medyo parang wala akong pinagkatandaan. Sa taon na ito:
- unang bagong taon na wala ako sa pinas
- nakatapak sa limang bansa
- nakiapid ulet
- natuto magblog
- nakakila ng mga bagong kaibigan
- first time humithit ng yosi
- at iba pa na kahit simpleng bagay, nagpabago ng tingin ko sa buhay.

Marami pa siguro kong kwento kung naging mabunga lang sana ang taong ito para sa akin. Pero sa tingin ko, naging easy easy lang ang trato ko sa buhay. May pag sisisi pero, ganun talaga, ang buhay ng tao parang chess lang, tats muv.
23 com

Bulakbolero@sg - ang pagwawakas

Isang mabilisang post lang, kelangan ko lang isiwalat ang bumabagabag sa isipan ko nung isang araw pa.


Ilang linggo nalang ay matatapos na ang kontrata ko sa kumpanya na aking pinagtatrabahuhan sa bansang Singapore. Malabo pa din ang ekstensyon ko. Mas Malabo pa sa uling na kinulayan ng pinturang itim. Dalawang beses na ko nag email sa HR namin pero hindi pa din ako binabalikan. Nakakalungkot na baka hanggang dito nalang ang pagbubulakbol ni bulakbolero sa sg.

Nanghihinayang ako sa blogspot link. Papalitan ko na ba to ng bulakbolero sa manila?

Aysows. Di pa din ako mapalagay. Malongkot. Sayang…

Sana may tumawag na kumpanya pa dito sa sg.
16 com

Update

Ilang umaga at gabi na din ang nakalipas na walang update ang blog ko. Sobrang dami kasing trabaho ang kelangan matapos dito sa kimchi land. Bawat sandali na nakikita ko ang laptop ko, ninanais ko na magsimula gumawa ng draft para may maipaskil dito pero lagi nalang akong bigo. Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang egsayted ko magkwento kung ano ang nangyayari sa akin dito ay di ko alam kung paano ito sisimulan o dahil ba kahit nasa bahay ako e trabaho pa din ang nasa isip ko.




Karma.


Dati naniniwala ako na kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ay yaon din ang gagawin ng kapwa mo sa’yo. Ito ay ang law of equivalent trade ayon sa full metal alchemist. Ika nga: “What a man sows. He harvests. What a man gives. Same equal shall he receive.” Nagbago ang papanaw ko dito bago ako pumunta dito sa bansa ng mga kimchi. Meron kasi kong tropa na nakikitulog minsan sa bahay. Sa mga panahon na yon. Hinahayaan ko lang syang gawin ang gusto nyang gawin. Hindi ako ma-estima na tao, kaya kumbaga, bahala na sya sa buhay nya. Kumain, uminom, maligo, matulog, anuman gusto nya gawin, sya na bahala. Walang pakealaman, magfeel at home nalang sya.


Isang araw, kinailangan ko makitulog sa kanila dahil 5minutes lang mula sa bahay nila e airport na at sobrang aga ng flight ko papunta dito. Nahiya ako ng konti. Punong abala sya nung nakitulog ako don. Pati pagbitbit ng maleta ko na kaya ko namang hilahin e inoffer nya na sya na gagawa. Nakng pootek. Nakakaguilty. Pinakain nya pa pala ko ng hapunan at pinainom ng wine.




Korean fever.


Ano ang seyo?


Kung di nio pa alam, nandito ako sa bansa ng mga kimchi para magliwaliw este para magtrabaho at makatikim ng koreana kimchi (anupaba?). mag dadalawang linggo na din ako dito at medyo madami na ding mga bagay na tumatak sa isipan ko tungkol sa bansang ito.


1. Bakit nga ba maraming Korean sa korea? Walang halong biro. Parang bihira lang nakikita kong banyaga dito. Siguro sa 1milyong Korean, 1milyon dun Korean din. Haha.


2. Unang araw ko palang dito, naging emosyonal na ko. Aba e pagkaanghang ng kinain naming pagkain. Tulo lahat ng tutulo. Welcome Korea ika nga.


3. Napansin ko, naiiba ako sa kanila, wala pa kong nakikitang kalbo bukod sa pag tumitingin ako sa salamin sa apartment.


4. Nakakatawa din na kahit mukhang indian na indian na ang isang tao, pilit pa din ikaw sasalitain ng korea. Yung isang kasama ko ditong pana, sinasabi nya na “I can’t understand you” pero puro “anong sayo” pa din ang sinasabi ng mga tao, maparestaurant, taxi, mall, bus pa man yan.


5. Parang hindi rin nagpapalit ng damit ang karamihan dito. O siguro mayroon lang silang 10000 na ganung klaseng damit kaya parang ayun lang ang suot nila lagi?


6. Natuto na kong kumain ng seaweeds at kimchi. 3x a day na mayroong kimchi sa lahat ng pagkain nila. Di kaya sila nagsasawa sa lasa neto?


7. Hindi na ko nagpapauto sa panlabas na anyo. Madaming pagkain dito na masarap tingnan pero pag kinain mo na. wapak. Parang papel na binababad sa sabon. Lol


8. Sa opisina, first time ko na nakaranas na mas marami pa ang CR ng lalaki kesa sa CR ng babae, usually magkatulad ng bilang. Dito, 2 ang CR ng lalaki, 1 lang ang sa babae.


9. Sa bahay, natuwa ako nung mayroon akong 100+ na channels na nasasagap sa cable tv. Kaso mo, sa 100+ na channel na yon, 4 lang ang English. Lahat Korean channel. Akalain mo yon. Pagkadami dami ng local channels nila?


10. Sa simula e ayaw ko talagang pumunta dito, dahil tambak nga ng trabaho. Pero ngayon, medyo nag eenjoy na din ako sa pag stay ko dito. Masarap pala ang Korean sa Korea.


Madami pa sigurong iba na nakalimutan ko na dahil minsanan ko lang na naranasan. Next time pag naalala ko e iuupdate ko nalang dito sa blog ko.


Karangalan.

Salamat din pala ke LordCM sa nagbabagang blog award. akalain mo yon. anim na bwan palang ako sa blogospero eh nagkaaward na ko. \m/ salamat ser. sa uulitin. asan nga pala yung cash prize? haha. juk unle.




Hanggang sa muli. Takas lang etong update ko. [Trabaho mode on.]