Sa buhay ng tao may mga bagay na natural na nangyayari. Ang pagtanda ay yaong isang bagay na hindi natin maiiwasan. Bawat taon na dumadagdag sa kalendaryo ng ating buhay ay reyalisasyon kung ano at nasaan na ba tayo.
Bilang ikaw ang may-ari ng iyong buhay. Ikaw ang nagiisang tao na pwedeng pumili kung ano ang landas na iyong tatahakin. Minsan nasasabi natin na humihingi tayo ng payo sa ibang tao, pero pansinin mo na sa bandang huli, ikaw at ikaw pa din ang nasusunod.
Sa aking buhay, may mga bagay na hindi ako naging Masaya sa aking desisyon. Wala na kong magagawa dun, nangyari na yon. Kung maibabalik ko lang ang pagtiktak ng orasan. Panigurado ginawa ko na yon.
Habang tumatanda ako, lalo akong nagiging marupok (wapak). Parang napapansin ko padalos dalos nalang ako sa aking mga desisyon sa buhay. Kumabaga, hindi ko iniisip kung ano ang kahihinatnan ng aking gagawin.
Taon-taon parang wlang pinagbabago. Tumatanda sa edad, pero isip bata parin.
Ngayong taong ito, may mga bagay na medyo tumimo sa utak ko at kung susumahin, medyo parang wala akong pinagkatandaan. Sa taon na ito:
- unang bagong taon na wala ako sa pinas
- nakatapak sa limang bansa
- nakiapid ulet
- natuto magblog
- nakakila ng mga bagong kaibigan
- first time humithit ng yosi
- at iba pa na kahit simpleng bagay, nagpabago ng tingin ko sa buhay.
Marami pa siguro kong kwento kung naging mabunga lang sana ang taong ito para sa akin. Pero sa tingin ko, naging easy easy lang ang trato ko sa buhay. May pag sisisi pero, ganun talaga, ang buhay ng tao parang chess lang, tats muv.