29 com

Sleep Can Wait…

 

… beat the sunrise.

 

eto yung slogan ng sundown marathon na tinakbuhan ko nung sabado ng gabi. mula sa full marathon (42KM) na aking tinakbuhan last time ay half marathon (21KM) nalang ang sinalihan ko dito. uncle already mah. ganun ata pag tumatanda, bumabagal at humihina ang tuhod.

plinano ko talaga mag bidyo blog para dito, kaso napagtanto ko na ang hirap pala to gawin lalo na pag ikaw ang nagbibidyo sa sarili mo habang tumatakbo ka. kaya ang resulta ng aking bidyo blog. FAIL.

walang kakwenta kwentang bidyo ang kinalabasan, at puro sa bahay lang ang nakuhanan. sorry naman. next time kukuha na ko ng bidyographer. lol. joke only.

 

28 com

Pinoy Bloggers sa Singapore

wala akong magawa.

gusto ko lang magblog.

may ganito ng entry si roanne dati, gaya gaya lang ako.

gusto ko lang pakilala sa inyo yung ibang mga nakilala ko sa mundo ng blogging dito sa singapore.

sadyang pinalitan ko ang mga pangalan baka kase may iba na gustong magpaka anonymous. baka lang naman. bahala na kayo mag-isip kung sino ang sino.

 

arnold

sya ang unang blogger na nakilala ko dito sa sg. pinakadikit ko sa lahat ng blogger na lalaki kaso mahirap tantyahin minsan kung may galit ba o wala. Lol.

atan

sa storya nya dito sa sg ako natuwa, kumbaga sya ung unang blogger na nasaksihan ng mga tropang blogger sa sg ang buong detalye. Mabait at nakakataba ng puso na nagcoconsult sya sa amin.

aiyan

isang beses ko palang to din nakita, pero sa nakikita ko sa blog nya, makwela din syang tao

beth

dahil mahilig ako magbasa ng photoblog ay nagawi ako sa blog nya. Napagalaman ko lang na nasa sg sya.

buknoy

isa sa naging kakulitan ko sa blogging kahit nasa pinas palang sya. Naging kakulitan lalo nung nandito na sya sa sg. Subalit hindi sya madalas sumama sa amin, namimili ng kaibigan. Lol.

carlo

tropa ni arnold na photoblogger pero bihira mag update ng blog

cj

nakakalito. Mukhang masamang tao. Piz. Pero pagnakilala mo, mabuting tao naman. Mukhang tahimik pero paglasing ang daldal. At matsismis. Haha

goyo

isa sa idol ko sa mga photobloggers pagdating sa pagkuha ng larawan at pag PP

inoy

isa sa tatlong toledo na nakilala ko at lalong nagpatunay na ang mga toledo ay malabo kausap.

jenny

sya naman ang pinakadikit ko sa blogger na babae dito sa sg. Hindi ako naniniwala sa sabi sabi na sya ay tahimik na tao. Kadaldal kaya.

lani

yown oh. Nakakaaliw yung blog nya tungkol sa opisina nila. Isa sya dun sa mga nakakakulitan ko na blogger kahit di ko pa nakilala dati.

marian

nakakatawa ang mga banat nya. Hindi ko alam kung san nya pinaghuhugot ang mga katagang namumutawi sa kanyang bibig.

ramon

una ko pa lang sya nakita, alam ko ng magkakasundo kame neto. Makwento syang tao.

rosa

minsan syang naging rosas ng buhay ko. -end-

ryan

hindi ko gaano kilala. 1 time ko palang nakita at di pa nakausap pero sa tingin ko mayaman sya.

 

may bonus video sa baba. lol. natatawa lang ako sa pinag gagawa namin dito sa singapore.

     
panoorin kung gusto mabaliw
25 com

Maskara

 

sa blogging, madami kang makakasalamuha at makikilala.

may palagiang mong makakausap at masasabihan ng problema.

mayroon din naman na iyong kaiinisan at magiging kaaway.

may makikilala mo ng personal at makakagaanan ng loob.

may pagkakataon din na di maiiwasang mahulug at tuluyang umibig.

 

walang impossible sa mundo ng pagbloblog.

kasama yan sa buhay na ating ginagalawan.

sa bawat pagtipa mo ng letra sa iyong tiklado (tagalog daw to ng keyboard sabi ni mr. google) ay ang senyales na unti unti mong hinububad ang iyong pagkatao sa iba.

ito ang daan upang ipakita mo kung sino ka at kung ano ka.

 

maharil ito na nga iyon. bagong mundo pero hindi ibang mundo.

ang mga karakter: mga tunay na tao at mga nakamaskara.

malabo pero malinaw.

ang gulo. gets mo?

kundi man, oks lang yon.

 

ang sa akin lang, sana hindi ikaw yung isa sa mga nakamaskara. kase kung ikaw yon, hindi pa pala kita tunay na nakikilala. nakakalungkot.

27 com

Ang Babae At Ang Blog

hindi mawawala sa isipan ko yung sagot sakin ng isang babaeng tinanong ko kung ano ang naramdaman nya nung kaunaunahang may pumasok sa pinakamamahal nyang hiyas.

intro. maihahalintulad ko ang pagbloblog sa ugali, katangian at pangyayari sa buhay ng isang babae. ang pagbloblog, katulad ng panliligaw, mahirap simulan. kelangan mo magisip ng magandang atake para mapansin. at pag napansin ka na, dun magsisimula ang lahat.

birhen. lahat ay mangmang sa simula. may takot. hindi mo alam kung ibigay mo ang lahat lahat sa pagsusulat o hahayaan mo nalang ito sa isipan mo at ilabas sa tamang pagkakataon at panahon.

unang pagniniig. hindi mawawala sa isipan ko yung sagot sakin ng isang babaeng tinanong ko kung ano ang naramdaman nya nung kaunaunahang may pumasok sa pinakamamahal nyang hiyas. sambit nya “parang isa akong de-lata na binubuksan ng isang mapurol na can opener”. syet, mukhang masakit habang iniimagin ko. ganun din siguro sa blogging, pag sinimulan mo magsulat, unti unti mong binubuksan ang sarili mo sa iba. inde sya smooth na pagbubukas ng sarili. hindi naman lahat makakaappreciate ng mga sinusulat mo. may mga panahon din na sa pagsusulat mo bigla nalang bumabalik yung hindi masyadong magandang nangyari sa buhay mo dati. ganun talaga, pag ginusto mo, kahit masakit handa kang panindigan. nabuksan na yan… wala ka ng magagawa. tats muv already.

pampatay oras. darating ang panahon na anu’t anong stayl man ang gawin mo. mag eksperimento ka man ng mga posisyon. lumipat ka man ng pwesto. mabobored at mobobored ka pa rin sa pagsusulat at pati na ang mambabasa mo ay tatamlayin. pag nagblog ka pa, tipong pampatay oras lang. may magawa lang. minsan dumadating pa nga sa panahon na tigang ka na (ZERO). mas gugustuhin mo pang matulog nalang kesa matuyo lalo ang nalalabing katas ng katawan mo.

conclusion. anu’t ano pa man ang mga naging experience natin sa buhay at sa pagbloblog.  naging masaya ka man o hindi sa ginawa mo. natututo ka man ng aral dito. hinubad mo man ang buo mong pagkatao. nagkaroon ng mga kakilala sa daang tinahak, darating ang araw na lahat may katapusan. importante ay kahit minsan naging bahagi ka ng umiikot na mundo. masalimuot. imperpekto. madrama.

27 com

Simple Pero Rock

ako yung tipo na mas madalas magbasa kaysa magsulat ng blog. hindi naman kase ako manunulat.

silent reader kung tutuusin. yung tipong wala akong iniiwanang bakas maliban sa naiiwan ang IP ko sa livefeed ng mga blogs na binabasa ko.

kung magcocomment naman ako, hindi consistent. may panahon na parang nobela na yung comment ko at meron namang subrang iksi lang.

nice post, great shots at dami kong tawa. madalas din ako gumamit neto pagnagcocomment sa mga binabasa kong blogs. eto siguro yung daan ko para ipakita na nagustuhan ko kung anung man yung nailatha dun sa entry na yon.

ang sa akin lang, hindi ko alam kung may need pa para ipaliwanag sa may akda kung bakit ko nagustuhan o ano ang nagustuhan ko sa entry nya.

naisip ko lang, sa isang photoblog na nagustuhan ko ang portrait shot nya, pag nagsabi ako ng great shot o nice set, akala ko sapat na yun (at hanggang ngayon e ayun ang alam ko). hindi ko alam kung kelangan ko pa i-elaborate. halimbawa, ganda ng kuha mo, gusto ko ng ilaw, ang ganda ng nunal sa dibdib, etc... lalo na kung hindi naman ako ganun ka teknikal sa potograpiya, hindi ko na alam panu i-elaborate pa yung pag hangga ko sa larawan. kaya ang paghangga lang sa pinaskil na yon ang tangging maibabahagi ko.

para sakin may mga bagay na mas simple pero mas rock. katulad din ng may mga comment na pag lalo mo hinabaan ay mas magulo at lalong nakakalito (aminado ko na hindi naman to applicable sa lahat). sa aking pananaw lang naman yung mga nasabi ko.

...hindi tayo laging tama at hindi rin naman parating mali. may kanya kanya tayong opinyon na kelangan pakinggan at respetohin.

wala lang. may maiblog lang.

18 com

Kabanata V: Unang Gabi

 

Kabanata I: Babala

Kabanata II: Senyales

Kabanata III: Pag-iwas

Kabanata IV: Patalastas

 

ikalimang kabanata na, gusto mo pa bang mabasa? ingat, baka masuka ka…

16 com

KABANATA IV: PATALASTAS

 

mabilisan lang.

10 com

Kabanata III: Pag-Iwas

 

Kabanata I: Babala

Kabanata II: Senyales

 

32 com

Balik Bayan

 

umuwi ako sa lupang sinilangan nung isang linggo. isa na yata ito sa pinakamasayang bakasyon ko sa pinas. maiksi pero masaya padin. bakit? kase payapa ang bakasyon ko ngayon. hindi ako masyadong lumuwas sa manila. sa probinsya lang ako madalas para iwas pagod sa byahe at dagdag sa pahinga ko.

IMG_0499

pagkalapag na pagkalapag ng paa ko sa amin ay inuman agad ang aking hinarap. lufet ng mga insan ko, walang patawad. yown tuloy, nablackout ako. hindi ko na alam paano ako nakauwe ng bahay kinabukasan.

IMG_0501

hindi pa dyan natatapos ang lahat. pangalawang araw ko sa pinas, at pagkagising ko mula sa pagkablack out. ginising ako ng mga pinsan ko dala ang 2ng case na grande. ako na ang manginginom. ang kasiyahan nga lang pag umuuwe ako ng probinsya ay hindi ako ang taya sa inom. pinapainom nila ko ng todo todo hanggang sa malango ako. ganyan nila ko ka-miss. at pagkatapos ng mahaba-habang inuman. ano pa ba ang ineexpect ko? edi siempre wala na naman ako sa ulirat. buti nalang sa bahay lang namin ang venue. kaya ayus lang magpakalasheng lasheng. napaisip tuloy ako ng buong bakasyon ko ba sa pinas ay kelangan ko mablack out tuwing gabe? hanlufet lang. kamusta naman si atay ko?

pangatlong araw. pinangako ko sa sarili ko na pass na muna ko. ayaw ko muna masayaran ng alak ang aking lalamunan. Kaso mo. binisita aGEDC3990ko ng mga tropa ko sa probinsya at may bisitang pandangal pa kame ng gabing yon. kaya nakakahiya ng tumanggi sa inuman. hayst. napurnada na ang pahinga ni atay.sakto naguwi ako ng vodka kaya ayun ang aming nilagok. naubos ang uwi ko at bitin pa din, kaya tinungga na din namin ang whisky na nakastock sa bar ni erpat. habang nagiinuman nga pala kami ay naglalaro din kami ng kinect. walang makatalo sa bisitang pandangal namin. chinallenge namin sya sa halos lahat ng pede sayawin sa dance central pero wala taob kame. sya na!

Lunes. ang aking pang-apat na araw na pamamalagi sa pinas. napaninga si atay. dumalaw lang kase kami sa pinsan ko na may sakit. kumain sa labas at namalengke.IMG_0512

Martes. Soloista ako sa bahay. iniwanan ako ni ermat ng recipe na lutuin ko daw para sa hapunan namin at tanghalian ko na din nung araw na yon. nagpakafeeling cook ako ng mga panahong yaon. lol. wala akong ginawa sa bahay kundi mag tweet gamit ang celfon. manood ng local channels lalo na channel 7 na namiss ko dahil wala sa bahay sa singapore.

Mierkules at Huwebes. pinilit ko ng lumuwas ng manila. naIMG_0516kipagkita sa mga taong pinagkakautangan ko. Nakakahiya mang sabihin, tumaggap din ako ng pasalubong kahit ako ang nasa ibang bansa. LOL. nagbanchetto sila at ako ay nagchowking. hindi ko naman kase alam na kainan pala yung banchetto. sorry naman ignorante lang. pagkatapos nung kainan, dumeretso kami sa madison square sa pioneer para mag inuman. dito nakatikim ako ng alak na may choco syrup. LOL. weird lang.may isa pa ko dapat session after ng inuman na to. at dahil napasarap ang pagsama ko sa unang session ay na-indian ko na ang pangalawang set ng inuman. sorry naman. next na uwe ko nalang ulet.

Biernes. Syet ang inet amoy singet. so what to do? edi mGEDC4093iming time na. yahoong yahoo.. simpleng pool lang ang pinaliguan namin. walang waves at anu pa man. pinili lang namin yung malapit sa bahay para hindi hassle at para masulit ang languyan. mababadbad lang ang katawan sa tubig kumbaga. Empi lights naman ang ininum namin ng mga panahong eto.

Sabado. sa bahay lang ako. nanood ng bday party ni Vic Sotto. LOL! natulog ng natulog. kumain ng pagkarami rami at nag tweet gamit ang celfon? nagbuhay palamunin ako ng mga panahon na yon. lol. may bisita din daw na pupunta dapat at magdadala ng tekila. e ampootah mo, sobrang labo kausap. ayon. buti na din at panibagong pahinga sa atay ang naganap.

Linggo. Fiesta ng Krus sa baranggay namin at hermano ang aking pinsan. Umaga e iniintay ko sana kung susundo ba ko sa terminal o hindi. malabo pa din ang kausap, kaya dumerecho na ko sa fiestahan. kumain ng marami at uminom ng walang humpay. kamusta naman ang aking mga kainuman. mga batikan. mga lolo ko na ata. lolz.

IMG_0551IMG_0552IMG_0557

walang anu-ano may malabong kausap na dumating. may dumating na bisita. sakto, makakatakas na din ako sa matataas na tagay sa lamesang aking kinauupuan. Alam kong inuman ulet ang kahihinatnan ng aking pagtakas pero pasalamat na din at hindi na ganun kabatikan ang aking haharapin.

IMG_0571GEDC4276

nagprusisyon muna bago ang sabak sa inuman. nagreklamo tuloy ang bisita. sumakit daw katawan nya kalalakad. uncle already mah. lol.

Lunes. pahinga na at pabalik na ulet sa sg…

 

dami kong namiss sa pilipinas.

namiss ko ang pagkain sa jabee.

namiss ko ang panonood ng mga palabas sa syete tulad ng eatbulaga, dragon ballz at ghost fighter.

namiss ko ang simpleng buhay.

at madameng madame pa.

 

ngayon pakikipagsapalaran ulet sa buhay dito sa SG ang kinakaegsayt ko lang sa pagbalik ko dito, yaong makikita ko ang mga tropa ko ulet na nandito. yon lang at wala ng iba.