31 com

Kasalanan bang humingi ako sa Langit ng isang Himala?

 

kagabi sumama ko sa kainan at kulitan ng ilang bloggers dito sa singapore. may nagluto, may nanlibre ng chips at drinks at mayroong mga nagkwento. dahil ang ilan ay di pa masyadong kakilala ang isa’t isa, naitanong ang walang kamatayang tanong pag unang pagkikita…”ano ang unang impression mo sa akin?”. wtf at pare-parehas sila ng sagot sa akin, ako na daw ang tulala sa isang tabi at di mapakali (kantahin hanggang verse2). yung tipong bigla na lang daw tatahimik na parang ewan. lol. sige ako na, pero aktuwali, naniniwala ako sa kanila kase yun talaga ako, kumbaga di ako sanay na nakikipag-kolaborasyon sa usapan. okay na akong follower kesa leader, parang ganun. malabo di ko mapaliwanag. basta. tapos, madami pang diskusyon at usapan ang naganap ng gabing yaon.

sembawang

ang litrato ay kuha ni alex

 

umuwe ako sa bahay ng hating gabi na dalawang balita ang sumalubong sa akin. isang pasitib at isang negatib.

 

pasitib. nanalo ako sa patimpalak ni bino. ang pangarap kong lalong umangas ay matutupad na. si bulakbolero ay dadatcom na. aktuwali, binayaran ko talaga si pareng bino para sa datcom, kunwari nanalo lang ako pero ako yung nagbabayad ng domain. haha. joke lang nag aadik lang. ayown nga. laking pasasalamat ko ke bino at di ko inaasahan na magiging datcom na ang bahay ni bulakbolero. at maligayang pangatlong taong pagbloblog pareng bino.

 

negatib. sinikreto ko to kahit kanino. ni isa wala akong sinabihan. dahil sa sikreto kong to, kailangan ko tingan gabi gabi ang letter box. inaasahan ko kase na june o july sya darating. walang palya yon, at kagabi nga dumating ang liham na aking pinaka-iintay intay. sabi nila… malalaman mo daw kaagad ang resulta sa kapal ng sulat na matatanggap mo. pag manipis, sablay. pag makapal, jackpot. pagbukas ko ng letter box pag uwe ko kagabi, naramdaman ko na agad na ito yung sulat na iniintay ko. gustuhin ko man salatin kung gaano ito kakapal, damdamin kung gaano ito kabigat, itsura palang tila isang pahina lang ang nakapaloob sa liham. nalungkot ako bigla. hindi ko na nais pang buksan ang liham, pero wala akong magagawa binuksan ko pa din sya para mabasa ang nasasaad dito. ayun nga, pinatunayan nya lang ang aking hinala. bigo ako.

IMG_0774

 

eto ata yung tinatawag nilang mixed emotions. hindi mo masagad yung emosyong nararamadaman mo sa bawat pangyayari sa buhay mo dahil ang isang bagay na nararansan mo ay kabalintunaan ng isa. gusto mo mang matuwa, di lubos. tapos, malungkot ka man, may unteng pambawi. hay ang gulo.

 

di ba talaga pwede nating makuha ang lahat? talaga bang kasalanan na humingi sa langit ng isang himala?

17 com

walang masama umasa


Habang may buhay daw may pag-asa. Isa to sa pinanghahawakan ko, kaya hanggang ngayon ay patuloy pa din akong nangangarap. Bagamat kailangan sumugal bago makamit ang mga pangarap, wala namang masama kung ito ay iyong susubukan.

At dahil dyan, nais kong sumugal, wala namang taya. Sasali ako sa pakulo ni pareng bino. Malay mo, bukas o sa makalawa dumadatcom na si bulakbolero? Ediba ang angas nun?

Kaya kung sinuman ang gusto din maging maangas at dumatcom, Sali na din sa patimpalak ni Bino. Lahat ng detalye ay matatagpuan dito.


Bulakbolero eto ka --> ASA!
9 com

Pinoy Bloggers sa SG kainan sa Mang Kiko

 

pagkatapos namin mag bijoke nung sunday ay nagkaroon kame ng early dinner sa mang kiko.

sulyapan ang ilang pangyayari sa naganap na hapunan.

 

kung bakit nagtatago ng mukha ang mga tao.

 

at kung bakit ako lalong nahilo, nung gabing yon. LOL. with interview portion ke jepoy tungkol sa pransya. sya na!

 

~gone with the wind.

special thanks sa camera ni Antoni at sa bijo (yung unang bijo) ni jaki.

23 com

Bijoke ng Pinoy Bloggers sa SG

 

Masyadong busy si bulakbol nung nagdaaang weekend. Dalawang madaling araw na halos 6am na natulog.

Kahapon, nagkita-kita ang mga pinoy bloggers dito sa SG at nagtagisang gilas sa pagkanta. SILA na. Sumama ako bagamat hindi ako nakilahok sa pag-awit.

at wala nang mahaba pang intro, eto yung ilang kaganapan kahapon. pasensya na at medyo unte lang ang aking nakuhanan. nakatulog kase ako sa bijoke sa sobrang bangag. LOL!

 

 

 

salamat sa panonood. sa uulitin. \m/

17 com

Sugat

 

“minsan, akala mo okay na, pero biglang may susuntok nalang sa'yo at doon mo marerealize na may sugat ka pa pala na di pa naghihilom.”

 

====

hindi dapat ako magbloblog hanggang hindi natatapos ang patimpalak ni kulisap. gusto ko sana kase makalikum ng isang daang kumento. pero mukhang bigo ako.

94 com

KM2: Tsismis

 

Opisyal na lahok sa Kamalayaang Malaya II

Pamagat: Tsismis

May-akda: Bulakbolero@sg

Pinaskil: ika-8 ng Hunyo 2011

 

 

Tila isang panaginip. Nakahiga sa aking harapan si Rosario, ang babaeng pinagnanasahan ko noon pa man. Dahil hindi nagmula sa pamilyang maharlika, napilitan siyang magtrabaho sa isang bahay-aliwan. Ito ang dahilan kaya sa tuwing makikita ko siya ay laging nakamaiksing damit at kita na ang kuyukot. Nangangalumata na ako sa gabi-gabing pagpupuyat kakapanood ng kanyang palabas. Sadyang napakainit niya sa aking paningin. Ang adhika ko noon pa ma’y maipasok ko ang aking pagkalalaki sa kanyang yungib. Kinumpara ko pa nga siya sa isang dikya na manananggal ng lakas kahit puro imahinasyon ko lamang ang aming pagtatalik. Sariling sikap lagi ako.


Alingawngaw ng katahimikan ang mga sumunod na pangyayari. Kabog lang ng dibdib at malalim na hinga ang maririnig. Bagamat lugami sa kawalang reaksyon ni Rosario, itinuloy ko pa din ang aking plano. Unti-unti kong hinubad ang kanyang damit pantaas hanggang sumilip ang kanyang malulusog na hinaharap. Pansin ko ang hugis pusong peklat sa kaliwang parte nito. Hindi ko na inalam pa ang detalye, sinimulan ko nang haplusin ang kanyang nag-uumpugang mga bundok. Kahit walang halinghing na isinusukli si Rosario ay nagpatuloy pa rin ako. Dahan-dahang kumilos ang aking mga kamay sa bawat parte ng kanyang magandang hubog. Walang anu-ano ay naramdaman ko na lamang na umiindayog na ang aking katawan habang nakasampa kay Rosario. Tagaktak ang pawis, patuloy ang aking pagbayo sa walang malay na dalaga. Bawat pasok at bawat hugot ng aking sandata sa kanyang hiyas ay tila pulot-pukyutan sa tamis ang pakiramdan. Sa sarap na nararanasan ko ay halos lahat ng pangalan ng mga banal na kilala ay akin nang nasambit. Ilang minuto din ang nakalipas nang luwalhati kong nairaos ang init ng aking katawan.

 

Walang pagsidlan ang ligayang aking tinatamasa ng mga oras na yaon. Hindi ko ininda ang mga kaganapan. Dali-dali kong ibinalik ang suot ni Rosario. Kahapon lang ay nadinig ko sa mga matatabil ang dila na sumama sa isang mayamang lalaki si Rosario. Marahil ay dahil sa panibugho ng kanyang kinakasamang si Lando kaya siya nasa piling ko ngayon. Hindi ko akalain na ang trabaho ko bilang embalsamador ang makakatupad ng aking pangarap.

 

Technorati Tags: ,,
27 com

Nang Ikaw Ay Muli Kong Balikan

 

minsan din akong nahumaling sa iyo.

ikaw yata ang isa sa unang naging dahilan kung bakit lagi akong egsayted magbukas ng kompyuter pagkatapos ng klase.

naging tulay ka din upang makatagpo ko ulet ang mga kakilalang hindi madalas makita.

kaya nung natalo ka ni Mr. Facebook medyo nalungkot ako. pero  wala akong magagawa. lahat tumatanda at lumilipas.

ganun at ganun pa man, salamat sa mga naidulot mong alaala sa akin.

 

eto nga at muli kong binalikan ang mga testimonials na binigay sa akin sa pamamagitan mo.

pumili ako ng ilan na nais kong ibahagi sa blog ko.

 

 

imageimage

 

 

 

 

 

 

 

image

 

 

 

image

 

 

 

 

 

 

image

 

 

 

 

image

 

 

image

image

 

 

image

 

 

 

image

 

 

imageimage

 

 

 

 

 

 

 

 

 

image

 

 

 

 

 

 

image

 

 

image

image

 

 

 

image

image

 

 

 

 

 

image

 

 

image

 

 

image

 

 

image

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

at saka etong pagkalupet lupet na spam. muntik na akong madala. LOL!

image