17 com

Kopi Break atbp.

Kopi Break.

5 minutes? 10 minutes? Madalas ganyan lang kaiksi ang kopi break sa opisina. Sinusulit na nga to ng karamihan, precious time kumbaga. Yaong iba nga sinasamahan ng hithit-buga. Lalo na pag toxic ang trabaho mo, kelangan mo talaga ng kahit panandaliang break para makapag relaks relaks.

Ibahin nio ko. 30 minutes, 45 minutes at minsan pa nga e 1hour ang kopi break ko. Routine ko na to pag 11am. Hindi naman sa wala akong ginagawa sa opisina. Nagtatrabaho pa din naman ako madalas pag nagkokopi break, sumasagot ng email, nagsusuport sa tawag ng user at nagrurun ng mga background jobs para pag balik ko galing kopi break ay tapos na.

Nagsimula lang naman to nung nagfile ng resignation yung isang tropa ko dito sa opisina. Halos wala na ata sya magawa nun, kelangan nya lang iserve yung 2months notice. Kaya yon, sinasamahan ko sya sa mahabang kopi break para magkwentuhan lang ng mga kung anu anong bagay. Minsan e tungkol pa nga sa trabaho yung usapan namin, kaya considered as work related pa din (makapagdahilan lang). lol

Kaya ngayon, ayon na ang nakasanayan ko gawin. 

Kaso mo, maiiba na naman lifestyle ko neto. Last day na ng tropa ko nung Friday. Nagpadespedida pa nga sya kagabi. Dami food. Yown. Lalong tabatsyuy na naman ako.

Ayun tuloy, kaninang alas-once… dito lang ako sa cubicle ko. walang kape kape. Work mode lang. kalongkot din pala pag nabago ang nakasanayan mo.


====
Ubo Ubo.

Sobrang ubo ko ngayon. Puyat at pagod pa ko galing sa party kagabe. Ako na ang aso, kahol ng kahol. Ang sama ng pakiramdam ko ngayon araw. Gusto ko umuwe ng bahay ng maaga.


====
Scavenger mode. 

Takte, di ko alam na hanggang sa feb 28 nalang pala ang contract namin sa bahay na tinutuluyan namin. Kahapon ko lang nalaman. Hindi pa ko nakakahanap ng lilipatan. So how? Saang kangkungan kaya ako pupulutin?

Dami ding nangyari sa bahay na yon. Mamimiss ko din yon. Huhuhu. Ako na ang emo. :P
14 com

Suko na 'ko


Isang usapan natin, nasabi ko sa’yo na tayo ang nakatakda. Natawa ka, sabi mo hindi ka naniniwala na may nakatakda talaga.

Ang sabi mo, Tao ang pumipili ng kanyang kapalawan. Walang nakatada. Sya ang pipili ng daan at Sya din ang huhubog neto. 

Okay suko na ko. Tama ka na. Taas na kamay ko sa’yo. Hindi uso yang nakatakda-takda na yan. Hindi tunay at walang basehan.

Sige, ako ang dapat pumili ng kapalaran ko. 

May napili na kong daan. 

Ang daan patungo sayo, daan para makilala ka ng husto. Hindi man ito nakatakda, eto ang daang gusto kong tahakin…
20 com

Liham Para Sa’yo

Soulmate,

Kamusta ka naman dyan?  Alam ko mahilig ka magbasa kaya malamang nagbabasa ka ngayon. Siguro binabasa mo ngayon yung mga paborito mong akda. O hindi kaya nagbloblog hop ka. Possible ding itong liham ko ang binabasa mo.

Gusto ko lang naman sanang magpasalamat sa’yo na dumating ka sa panahon na nalulumbay na ko dito sa Singapore. Hindi ka naman naging payaso para pasayahin ako, pramis! Siguro, kelangan ko lang din ng soulmate at dumating ka. 

Patawad na din pala sa pag-gamit ko ng term na soulmate. Hindi ka naman kase nagrereak pag binabanggit ko to, bagkus e tumatawa ka lang. Bilang mapag-feeling, Inassume ko na baka okay lang naman sa’yo na tawagin kitang ganito. Kung ayaw mo, e palitan nalang natin… sabihan mo lang ako. Naisip ko nga, Jodi nalang kaya ang itawag ko sa’yo? Naks! Napansin ko kase may pagkahawig kayo ni Angelina Jodi este Jodi Sta. Maria pala. At malamang di naman ako nagkamali, kase nung tinanong ko sa’yo kung may nakapagsabi na neto sa’yo, sabi mo meron naman. 

Ano nga ba yung panama ko sa may kamukhang artista? Wala malamang! Pero dahil feeling ako. Sige na nga, papatulan ko na yan. May kamukha din naman akong artista ah… Si idol bearwin meily. Yahoong yahoo. Hehe.

Nga pala, di pala ko mahilig magbadminton. Di nga ako marunong non (yata) pero sige pag nag-aya ka, sasama ko. Pwede naman siguro maging audience lang don dba? Sa tingin ko kase mas enjoy kung bumili nalang tayo ng isang gallon na ice cream, magkwentuhan sa mga bagay-bagay, pagtawanan yung mga nabasa nating nakakatawa at maging madrama sa mga emo na sulatin. Tapos, hindi natin namamalayan ubos na pala yung isang gallon ng ice cream na kinakain natin. Hangtakaw lang.

Okay din siguro na tumakbo nalang tayo. Tingnan natin kung matatapos mo yung 5K. bonding na din yon di ba? Tapos pag di mo na kaya, edi bubuhatin nalang kita. Ang sweet kaya non. Nilalagam na nga ako ngayon sa pwesto ko habang sinusulat ko to. Sorry, Adik lang.

Sige hanggang dito nalang muna siguro. Baka masyado ka ng mahabaan sa sulat ko, ang sabi mo pa naman sakin natatamad ka magbasa ng masyadong mahaba. Baka tamarin ka at di mo pa mabasa to. Kaya ayown.

Ingat parati. Miss you.


Ang iyong feeling Soulmate,
bulakbolero sa singapore
21 com

rosas

Para sa’yo…


Happy Valentine’s day!
21 com

Balentayms

Parang egsayted lang ako mag celebrate ng valentines ngayon.

Wala namang especial.

Wala namang bago.

Pero parang kakaiba lang ang Feb.14 ngayong 2011.
30 com

Ang lungkot pala magbyahe ng mag-isa.

11:40 ng hating gabi. (adbans ata ung relos nung tinutuluyan ko)

Halos kauuwe ko lang galing lakwatsa. Walang pasok sa Singapore ngayon, kaya naisipan ko na gumala muna sa KL, Malaysia.

Kung dati ay nasa Malaysia ko para magtrabaho, ngayon ay ako na ang turista.

Kakainip din ang byahe sa bas from SG to MY. Halos six hours - traffic pa kanina. Syete!




Wala lang, gusto ko lang mag post ng picture ko ngayong araw.