35 com

Random facts about bulakbolero

Marahil kung isa kayo sa dalawang masugid na taga subabay ko sa blog ko, ay medyo alam nio na kung sinu ba ako. Pero dahil uso ang random facts about you sa kung san sang site, ay gagayahin ko na din sila. Bilang inggetero lang. simulan ko na:

pakipindot ang *** at ilagay ang password para maview ang mga encrypted text.

 

1. Kinder ako, kala ko gf ko yung kaklase kong babae na maganda kaya hinalikan ko sya. Tuloy pag pinagsasagot ako ng slumbook dati, di blanko yung who is your first kiss.

2. Bata palang ako mahilig na ko mang-away ng titser. Naalala ko inaway ko yung PE titser ko dahil ang kupal nya. namimilit sya bumili ng NBA cards, e panget naman yung mga players na binebenta nya kaya hindi ako bumili. Dahil sa takot kong bumagsak sa subject nya, kinabisado ko ang history ng basketball.

3. Nung nagaaral ako, pinaka ayaw ko na subject ang english at math naman ang paborito ko.

4. Naging favorite ko din ang chemistry at nachallenge ako sa pag balance ng electron.

5. Ilang beses ako nawalan ng wallet nung bata ako. buti nalang bilang pobre. laging walang laman yung wallet na nawawala.

6. Nakakaubos ako ng isang latang sardinas at hindi ko alam kung ilang gatang na kanin nung bata ako pag iniiwan ako sa bahay magisa.

7. Ayaw ko ng pagkain na may curry at may gata. Sa tingin ko eh nasa isip ko lang yon, kase naging paborito ko dati yung bikol express pero nung nalaman ko na may gata eto ay hindi ko na kinain.

8. Grade 4 ata ako natuto uminom. subrang payat ko kase dati. may nakapagsabi sakin na pampapataba daw ang pag inom ng alak at naniwala naman ako. sa tingin ko naman e epektib.

9. Hanggang ngayon, nalilito ako sa kanan at kaliwa. Ang palatandaan ko lang ng kaliwa ay yung bakuna sa braso ko. pag may bakuna ay kaliwa at yung kabilang side na walang bakuna ay kanan.

10. FHM collector ako dati. lahat ng issue ay kinukulect ko kahit yung mga special edition. natigil ito nung nangibang bansa ako.

11. Halos dalawa lang ang kulay ng damit ko, kundi itim ay pula.

12. Nag ECE ako hindi dahil gusto ko ang course na to, nag ECE ako dahil gusto kong magyabang dati sa mga tropa ko na kaya ko makapasok sa quota course na ECE.

13. Nag enjoy ako sa pagiging college dahil may kotse ang tropa ko at lagi kaming nagroroad trip kung kelan maisipan.

14. Nakapasa ako sa thesis kahit hindi ako umattend ng defense namin. kapalit ang *** sa panel namin na bading.

15. Nag-OJT ako sa abs-cbn bilang audio man. Dahil sa pagtayo tayo ko dun hawak ang aking test mic test mic 123. nadiscover ako bilang extra sa isang palabas. Yung tipong lalakad ka sa screen at magpapanggap na doctor.

16. Sabi ko after grade 6, hindi na ko iiyak kahit kailan. Pero napaiyak ako ilang ulet ng isang babae dahil sa magulo naming relasyon 3-4 years ago. Ganoon ako magmahal.

17. Dakilang torpe ako. madalas e nanliligaw ako sa di formal na paraan.

18. Nung bata-bata pa ako, mahilig ako umihi habang naglalakad. one time habang ginagawa ko ang routine na to (2nd year HS na ata ako neto). di ko namalayan na may handaan pala sa kapitbahay. wtf…  ako na ang sikat.

19. Hindi ako mahilig manood ng sine. lagi akong nakakatulog sa unang part palang ng palabas. Kaya medyo boring akong tao.

20. Dahil matakaw ako, gusto ko matuto magluto pero laging pumapalpak pag nagtatry ako.

21. Sanay ako maglakad lakad sa bahay ng walang saplot o di kaya ay boxers/briefs lang pag walang tao sa bahay. tinatamad kase ko magdamit lalo na pag bagong gising o bagong dating galing eskwela o opisina.

22. Pinapaligo ko ang pabango. Gusto ko na lagi akong amoy artista.

23. Hindi ako sanay na nasa bahay buong araw at nagkokompyuter lang lalo na pag weekends. Kailangan ko lagi gumala at magbulakbol.

24. Dati, nung kabataan ko mahilig ako mag ***. lol

25. Sobrang tamad ko. lalo na sa paglalaba, pagsampay ng damit, pagkuha ng sampay, pamamalantya. at kung anu ano pang gawaing bahay na kelangang gawin ng isang OFW.

26. Ngayong month ko lang naappreciate ang music. Hindi ko nilalagyan ng mp3s ang telepono ko dati.

27. Ganito na ko katanda.

 

eto na muna. sobrang dami ko naiisip pero baka tamarin na kayo magbasa. tingnan ko kung magkakapart two to. salamat sa pagbabasa.

20 com

Not Really

Ang dami kong napag-alaman sa isang gabi lang.


1. Na hindi pa ko ready makipag-usap sa isang party na kadamihan ay spokening in english… nanonoseblood ako. takte.

2. Na wala talagang ‘default’ na itsura ang mga filipino kase madaming pinoy na hindi mukhang pinoy. (labo) may mukhang intsik, mukhang malay, mukhang koreano, mukhang hapon, mukhang kano, mukhang latina, mukhang indiano at iba pa…

3. Na masyadong madumi ang kwarto ko at kelangan ko na ‘tong linisin.

4. Na mahirap talaga espelengin ang babae.

5. Na masarap pala ang ‘Putow’

6. Na 10 minutes lang pala ang byahe ko mula bahay patungo pasir ris at 6 minutes lang papuntang ikea tampines.

7. Na wag mong kakalimutan na pag nagmahal ka handa ka masaktan at mapagusapan.

8. Na mahirap pala laruin ang 7-up

9. Na hirap pa din ako sabihin ang ef at phi at bhi at vi. lol

10. Na gwapo pa din ako kahit matanda na


naganap lahat ng ito nung beerday party ni @gasolinedude
17 com

What the F@#%

Usapang kubeta tayo. May tatlong cubicle sa CR ng lalaki dito sa opisina.

Last week napansin ko na nasira yung cover ng dispenser ng tissue sa gitnang cubicle. sabi ko, pootek… gaano ba kalakas humila ng tissue yung nakasira neto. kung taeng tae ka na, mas may dahilan para magmadale. pero kung tapos ka na tumae at kukunin mo nalang yung tissue, pede naman hinay hinay lang. dahan dahan mong hihilahin yung tissue. dahan dahan mong iikot sa kamay mo. dahan dahan mong ihahaplos sa puwet mong may tae. at hahagurin ito hanggang malinis ng todo.

Okay. wala naman talaga kong pakealam kung masira man yan o ano. Hindi rin naman ako tumatae sa ofis, kase di ako sanay at ayaw ko na tissue lang ang panlinis ng puwet ko.

IMG_0454

 

Pero kahapon lang, nakita ko na ang pangatlong cubicle natanggal ang cover ng kubeta. takte. siguro sa taeng tae na pwersahan nya na binuksan ang kubeta.

IMG_0452

 

Gaano ba kaagresibo ang mga tao dito sa pag gamit ng kubeta?Parang unti unting nasisira lahat ng mga bagay bagay sa CR. Ano kaya ang masisira sa unang cubicle? Iniisip ko baka mayupi yung kubeta, kaso kelangan kasing bigat ka ng hippotamus bago mo mayupi at mawasak yung kubeta. Unless masyadong explosive yung inilabas mo at kusa syang sumabog. what the f@#%…

22 com

for official use only

13 com

Boys don’t cry men do

Ang emosyon ng tao, walang gender preference. Lahat pede sumaya, matakot, magalit, malungkot at umiyak. Takte, sinu mang magsabi na bawal umiyak ang lalake, nania.

Hindi ako umiiyak ngayon o umiyak nung mga nakaraang araw. Naging topic lang ‘to nung nakikipagkwentuhan ako sa isang kaibigan.

Ganun daw yun eh. Ang pinagkaiba ng tunay na Lalake sa pagiging Totoy ay yung pagpapakita na umiiyak sya o nasasaktan sya. Yaon bang pagtanggap sa mga bagay bagay. Yung possibleng matalo ka sa gyera pero sa likod ng pagkatalo ay may aral ka na napupulot.

Immature daw yung nagmamatigas. Yung tipong alam nya na mali sya pero ayaw nya pa aminin.

Sa opinion ko, ang pagpatak ng luha ay hindi simbolo ng kahinaan. Para sa akin, ito ay pagpapakita ng katapangan. Na hindi ka bato na may puso ka. Na handa kang harapin ang mga pagsubok sa buhay. Yon ang pagiging matapang.

 

Sa kabilang banda. Sa mas matured na usapan, pag natuto ka magpaiyak ng isang ulo mo… binata ka na. lol. wala lang, naisip ko lang idagdag para hindi masyado seryoso ang usapan.

27 com

marunong din humirit si bulakbol


"kung ikaw ang magsisilbing kandila ko sa dilim, di kita sisindihan. bakit? mas gugustuhin ko pang maglakad at madapa kasama ka kaysa makita kang natutunaw at tuluyang mawala."


“nahihirapan ka na bang maging ikaw? try mo kayang maging tayo.”



Mga linyang nabasa kung saan saan lang at bahagyang napangiti si bulakbol.
27 com

Ang alamat ng Photography

Field trip. Intramurals. Graduation. Pasko. Birthday. Ilan lang sa mga okasyon na nagdaan na wala akong larawan na kuha sa kamera na pag mamay-ari ng pamilya ko. Lumaki akong walang kamera sa bahay. Sabi ni erpat at ermat, sayang lang ang pera kung ipambibili lang ito ng kamera. Dahil dyan, kahit alam kong masama ang mainggit, nainggit ako sa mga kakilala ko na may kamera. Noon pa man, gusto ko nang kumuha ng mga larawan na nakikita ko sa paligid.

November 2006. Nagkaroon ako ng unang kamera. Canon Powershot A630, galing sa sweldo ko ang pinambili. Unang kamera din yon sa bahay namin. Nung dinala ko yon sa bahay, mas egsayted pa si erpat. Sa kanya nalang daw yon at bili nalang ako ng bago para sa sarili ko. Buti nalang madamot ako, hindi ko binigay sa kanya yon. Magmula noon, laging nasa bulsa ko yung kamera. Kuha lang ako ng kuha ng kung anu anong bagay. Bahala na si batman sa mga shots, yung mga tingin kong panget, delete agad. Blurry kadamihan ng mga shots ko, pasmado kase ako, pero masaya pa din ako kahit ganoon. Dati, mas gusto ko kase yung detalye o yung kahulugan ng larawan kesa kung ano itsura neto. Parang may ibang pakiramdam pag kumukuha ako ng larawan. Portrait at outdoor activities na din ang target ko noon.

Walang anu-ano nasira yung kamera ko. Siguro dahil napagod na din sya. Bihira lang kase sya mapahinga. Dinala ko sya sa canon center kaso yung presyo ng pagawa ay halos kapresyo ng bagong kamera kaya napagdesisyunan ko na bili nalang ako ng bago. Hindi agad ako nakabili ng kapalit nya kahit gustong gusto kong bumili. Madami pa kase akong kelangan ipriority kesa sa kamera.

Nangangati na ang kamay ko. Gusto ko na mapalitan yung kamera ko. Hindi ko na mapigilan. February 2010 noon at malapit na mag IT show. Masusing pagiisip at pagdadasal ang ginawa ko, hindi ko alam kung anong kamera ang bibilhin ko. Uso na daw nun ung mga bulky na kamera. DSLR daw tawag dun. Parang gusto ko nun, sabi ko sa isip ko. Sabi ko kung bibili ako ng kapalit ng kamera ko, yung medyo powerful na. Hindi dahil sa gusto ko maging “Photographer” kundi nakakakita na ko ng mga larawan sa facebook na kuha gamit ang DSLR. Asteeg, napapahanga ako. Sabi ko, malay mo pag nagkaroon ako ng ganon ay kahit paano ay mag improve yung mga kuha ko. May pinsan ako na may DSLR, kaya humingi ako ng opinion sa kanya. Sabi nya, magastos daw to na hobby. Pero matigas ang ulo ko, sabi ko sa kanya, hindi ako gagastos, yung mismong kit lang yung paglalaruan ko. Hindi na ko mag uupgrade, entry level lang talaga. Makabili lang ako masaya na ko.
Dalawang araw pagtapos ng paguusap namin, hindi ko na maintay ang IT show, bumili na ko ng kamera. Nikon D5000, entry level DSLR. Paguwe ko sa bahay, dali dali kong tinesting yung Kamera. Putek! Sira ata yung kamera, itim lang ang laging nakukuha… tinatamad ako magbasa ng manual kaya ginoogle ko nalang sya, ayon pala mali ang timpla. Mula non, pinag-aralan ko ang pagtimpla ng exposure triangle (ISO, aperture at shutter speed). Doon ako unang natuto ng pag gamit ng DSLR.

Heto pala yung mga una kong kuha (first six months using my Nikon D5000):


























Amateur na amateur, blurry, noisy, saturated, under/over exposed pero masaya ako sa bawat kuha ko.


Hindi naman ako nakikipagtalo kung sinu ba talaga yung dapat tawagin na photographer. Sining kasi yan, bakit ba yung mga abstract painter, kahit anung gawin kong ikot sa paintings nila ay hindi ako naliligayahan, pero painter padin yung tawag sa kanila? Kase sining yun. Hindi naman kelangan ng special degree yan tulad ng engineer. Kung kelangan ng lisensya para tawagin kang photographer, sige kayo na. sa inyo nalang yan. =P Mas trip ko pa maging pornographer kesa photographer. Libre boso. Haha.

Nabali ang pangako ko sa pinsan ko, hindi pala ko makokontento sa entry level na kamera. Wla pang isang taon sa kamay ko si Nikon D5000 e pinagpalit ko na agad ke D300s. Ngayon, balak ko bumili ng pocket na point and shoot, balak ko ulet gawin yung ginagawa ko dati na pitk na pitik.

At ang sagot ko dun sa pagbili ng DSLR, lahat may karapatan bumili neto. Kung gawin mo syang bling bling, okay lang yon… pera mo naman yon. Kung mag auto mode ka, e kung dun ka masaya sige lang. kaya nga ginawa yang auto mode. Suportahan taka. Pero sana lang, hindi lagi auto mode, maximize mo din minsan yung functions ng DSLR mo. Enjoy maglaro ng settings.

"Naniniwala ako na kelangan ng mabusising pag-aaral ang paggamit ng DSLR subalit hindi ibig sabihin neto ay hindi na pwede bumili ang mga taong sanay sa automode at gawin itong bling bling"-bulakbolero
22 com

Si Aida o Si Lorna o Si Fe

Nagfeeling photographer na naman ako nung linggo. Umattend ako ng model shoot dahil walang magawa sa bahay.


Masaya din pero nakakapagod.


Sorry nga pala, hindi ako marunong mag photoshop. Kaya pag pasensyahan nyo na kung medyo may tigyawat ang model. Next time babawi ako pag nakapag-aral. Padadalhan daw ako ng guide nung isang kakilala kaso gang ngayon wala pa ko nareresib. Sa paint ko lang din krinop yung ibang sobra sa larawan. Ako na ang loser.

pasensya na pala kung medyo distorted ang larawan. galing kase sya sa paint.


Meet my models:


Ling aka Aida


Evangeline aka Lorna


Wendy aka Fe



Meet the pornographer este photographer: bulakbol


16 com

Facebook

Masasabi natin sa panahon na ‘to na isa ang facebook sa pinaka popular na site sa internet. Walang duda yan. Nagawa kase ng facebook na ilagay halos lahat ng features na kelangan ng isang tao na hinahanap nya sa website na kanyang pupuntahan. May chat, may games, upload ng photos at marami pang iba. All in one social networking site kumbaga.



4months na kong walang facebook account pero hanggang ngayon tinatanong pa din ako kung bakit ko dineactivate ito. Umabot din kase ng mahigit isang taon na umikot ang aking mundo sa facebook. Naging adik din ako sa paglalaro ng mafia wars. Nagtayo pa nga ako ng community ng mga pinoy na tinawag naming MAFIA WARS – Philippines. Ako ang founder neto at nagkaroon ako ng mga admins. Bago nga ako magdeactivate ng account, ilang libo na din ang members nya at nagkaroon na sila ng mga EB. Pero ako wala akong sinamahan EB kahit isa.



Bakit nga ba tinanggal ko ang account ko?



1. Madamot akong tao. Ayaw ko na may tumitingin ng account ko na hindi ko alam.

2. Ayaw ko ng may nag gragrab ng litrato ko ng walang paalam.

3. Hindi lahat ng larawan na tinatag sa akin ay gusto kong mapost sa facebook page ko.

4. Nababad3p ako paminsan pag kinakamusta yung nangyari sa buhay ko nung weekend, holiday etc dahil nakita sa facebook page ko yung mga update.

5. Ayaw ko mag accept sa facebook ng di ko talaga kilala pero nahihiya naman akong tanggihan pag may invites na.

6. Ayaw ko maging updated yung mga kaopisina ko sa nangyayari sa buhay ko at dahil hindi ko naman sila matanggihan pag ininvite nila ako maging friend, wala na kong magagawa.

7. Ayaw ko makabasa ng mga status tungkol sa kayabangan.

8. Ayaw ko din makabasa ng tsismis pero walang kang choice lalabas nalang yan sa wall mo ng di mo mapipigilan dahil sa update ng mga kaibigan mo.



Alam ko mga simpleng bagay lang talaga yung mga dahilan ko kung bakit dineactivate ko yung account ko, kumpara sa mabuting nadudulot neto. Katulad ng:



1. Makikita mo yung mga tropa mo na matagal mo ng hindi nakakausap at nakikita.

2. Madali magbigay ng picture kesa iemail mo.

3. Madaling makausap ang pamilya.

4. Wala na kong maisip… LOL.





Pero dahil madami nga akong ayaw na bagay, na pwede nio naman sabihin na pede mo irestrict yung account mo, add mo lang yung mga kilala mo, etc etc dineactivate ko nalang facebook ko. Para wala na din akong reklamo.
17 com

Hindi Natutulog ang Diyos

Lahat tayo may mga kahilingan. Sa tingin ko, kahit yaong pinakamatigas na tao sa mundo, yung tipong walang pakealam at walang konsensya; sa kanyang sariling paraan humihingi pa rin sya ng tulong sa Taas.

Sabi nila, ang Diyos daw ay nagsasalita sa atin sa hindi natin inaasahang pagkakataon. Parang kidlat daw ‘to. Hindi mo alam kung kailan dadating at saan ito tatama.

Ang Diyos daw, hindi natutulog. Lagi daw nito dinidinig ang ating dasal. Hindi lang natin ito napapansin madalas kase busy tayo sa ibang bagay.


Ngayon, may tatlong personal na kahilingan ako sa Kanya.

Una. Kalusugan ng aking mga mahal sa buhay

Pangalawa. Bagong trabaho

Ikatlo. Sana sya na


Marunong ang Diyos.  Alam nya kung kailan Nya ibibigay ang mga bagay bagay. Sa tamang lugar, tamang pangyayari at tamang paraan. Hindi nya hahayaan na hindi natin kakayanin yung mga pagsubok na ibinibigay Nya.

Napapabanal ako ah. Yaan na… minsan minsan lang.

Bakit nga ba? Dahil kanina lang, nakaresib ako ng email sa aking yahoo account. Ang titulo ng email ay “Why God sends rain to Mexico but not to Middle East?” 

Talagang sadyang mabait ang Diyos. 

Ang mga larawan na ang sasagot ng katanungan.



Credit to the owner of the photos.

22 com

Nuffnang

Isang maiksing post lang. 

Dumating na ang pinakaiintay kong sweldo. Hindi eto sweldo sa opisina kungdi sa aking cyber tahanan. Ilang buwan din ang nakalipas mula nung nilagyan ko ng ads ang aking blog. Nagtry lang naman ako, sa isip isip ko ay wala namang mawawala. Walang anu-ano ayon, nagbunga din ang aking pag-iintay.




Salamat nga pala sa mga kumpanyero ko sa blog na nagiging referral ko para makadaong sila sa blog na eto.

Referring URLs
http://grilledbeef.blogspot.com/
http://iamalivingsaint.blogspot.com/
http://www.microsoft.com/vista/
http://glaze9980.blogspot.com/
http://itsmadzday2day.blogspot.com/
http://ellehciren.blogspot.com/
http://webcache.googleusercontent.com/search?q=cache:_0A32JDOVvEJ:bulakbolerosasg.blogspot.com/+bulakbolerosasg&cd=1&hl=en&ct=clnk&gl=us
http://www.google.com.ph/imglanding?q=nadine+lustre&hl=tl&client=firefox-a&rls=org.mozilla:en-US:official&gbv=2&tbs=isch:1&tbnid=0TxUsEV4uD55yM:&imgrefurl=http://bulakbolerosasg.blogspot.com/2010/11/nadine-lustre.html&imgurl=http://3.bp.blogspot.com/_r8cWpl9QXlk/TONRwFDPdGI/AAAAAAAAAM0/UWvazDScly4/s1600/nadine.jpg&zoom=1&w=962&h=665&iact=rc&ei=Rw8kTZHLG8f4cbGq7M0K&oei=MA8kTbmHEovRrQePlMC-Cw&esq=4&page=1&tbnh=112&tbnw=173&start=0&ndsp=17&ved=1t:429,r:13,s:0&biw=1018&bih=514
http://lakwatseroako.blogspot.com/
http://domjullian.blogspot.com/







Nagpapasalamat pala ako ke pareng google sa pagdadala nya sa bahay ko ng mga nagsesearch ng mga salita sa babay. Kundi ke pareng google e maliligaw sila at hindi mapupunta sa bahay ni bulakbolero. Nagtataka din ako bakit nirerefer ni pareng google yung site ko pag may nagsesearch ng segst? E sa sarili ko ay hindi ko alam ang mga katagang yan.

Search Keywords
nadine lustre
bulakbolero
bulakbolerosasg
bulakbolero@sg
nadine lustre photos
bulakbolerosasg.blogspot.com
segst
bakit ngayon ka lang
malakas na pag-ulan sa leyte
bakit naging dakilang tao sa asya si bruce lee





Ayon, dahil dyan ay may pambayad na ko sa utang ko. Hindi ko na kelangan ibenta ang katawan ko para may pang kain ako mamayang gabi. Kumita na ko sa nuffnang! Yahoo…

Ngaps, nabanggit ko nga pala sa previous post ko na hanggang hindi ako kumikita sa nuffnang hindi ako titigil sa pagbloblog. Ngayon kumita na ko sa nuffnang… kaya ayown.