23 com

Closing Time



"Every new beginning comes from some other beginning's end..."


dalawang taon at anim na buwan din yon.
maraming salamat sa lahat ng sumamang makipagbulakbol.
hindi ko talaga mundo 'tong pagbloblog, hayaan na natin sa talagang karapat-dapat.
\m/


bulakbolero sa sg, signing off...
15 com

Kahit ano lang



  • October na.
  • Wala pa din akong makitang pinagbebentang bar na pwede kong kunin para magsimula ng negosyo.
  • May nakita akong ad, resto space ang binebenta… kinontak ko na kung baka pwedeng iconvert sa bar. Pinabisita ko na din sa tropa ko para macheck kung oks yung lugar. sabi nung last weekend daw o kaya nung last Wednesday. Kainaman yan, hanggang ngayon di pa din pinupuntahan. (at ako na ang demanding kahit humihingi lang ako ng pabor... sorry naman).
  • Lablayp ko parang iphone 5 laang
  • Uuwi na daw sa pinas si '@', wala namang nabanggit kung anong plano nya sa pinas. Pero sa'yo '@' kung san ka masaya suportahan taka. Ayown, kaya catch-up, catch-up ang tropa dito pag may time. Woist. Mamimiss ka namin, paramdam ka kahit nasa pinas ka na.
  • Hindi ko na naman gusto ang trabaho ko ngayon. Palagian na naman akong nakikipag debate sa opisina. Tsk.
  • Kelan kaya ako magkakanegosyo para pahinga muna sa trabaho?
  • Namiss ko yung isang tropa ko. kahit kasi limitado lang yung mga istoryahan sa buhay ko, yung limitado na ‘to sa kanya ko lahat nakwekwento. Kaso lahat talaga nagbabago. Nalulungkot ako. Pero tama naman ang desisyon nya. Hindi naman talaga ako yung tropa na kelangan ikeep. (umeemo lang. lol). Kahit di na  tayo dikit, lagi mo lang isipin pag nahihirapan ka na. ayus lang yan... God is always with you. \m/
  • Dami nagtatanong sakin sa chat, tawag sa phone, personal, at kung saan saan pa (oo ganyang talaga kadami) kung kamusta na daw sg bloggers, wala na daw kitaan, ano na daw update. Sorry naman, wala din ako balita. Busy siguro karamihan.
  • Nag ninong pala ako sa binyag nung September. Virtually nga lang. haha. Kase taga Japan ang tropa ko at dun ang binyagan ng anak nya. Katuwang ko daw sa binyag half pinay-half haponesa. Mukhang panalo no? haha.
  • 2weeks ago na ata yun, tinanong na ako sa ofis kung magrerenew na ko ng contract, mapapaso na kase sa end of dec. Sabi ko pag malapit na mapaso saka nila ko tanungin ulit. Kasi ngayon pag tatanungin nila ko ang isasagot ko lang, “ayaw ko na”.
  • Mahirap pala maging boxer? LOL
  • Nakipagkita ko kay '$' nung isang gabi. Sumalisi kami sa asawa nya (lol… joke). Nagdinner lang naman kami sa isang japanese resto at nag kape sa coffee bean, pagtapos nun uwi na (tunay to!). nagcatch up lang naman (kamustahan ganun). Tagal na din kasi naming di nagkausap ng personal. Nakakamiss din yung mga biruan at konting landian lambingan. (lol… walang malisya ‘to. Magkaibigan lang. Tuldok)
  • May mangilan ngilan (mga isa) din palang nagtatanong kung bakit daw puro repost ang mga nilalagay ko ngayon sa blog ko. Sorry naman, wala talaga kong maisulat.
  • Eto ngayon, wala na din uli ako maidagdag sa post.
  • Gang dito nalang ata yung post ko?
  • Ngaps, naka iphone 5 na pala ko… (nagyayabang lang… haha)
  • The end.



14 com

Suko na 'ko


Isang usapan natin, nasabi ko sa’yo na tayo ang nakatakda. Natawa ka, sabi mo hindi ka naniniwala na may nakatakda talaga.

Ang sabi mo, Tao ang pumipili ng kanyang kapalaran. Walang nakatada. Sya ang pipili ng daan at Sya din ang huhubog neto. 

Okay suko na ko. Tama ka na. Taas na kamay ko sa’yo. Hindi uso yang nakatakda-takda na yan. Hindi tunay at walang basehan.

Sige, ako ang dapat pumili ng kapalaran ko. 

May napili na kong daan. 

Ang daan patungo sayo, daan para makilala ka ng husto. Hindi man ito nakatakda, eto ang daang gusto kong tahakin…


====
Destiny man o hindi, kung para sa'yo para sa'yo. kusa nga daw dumadating ang pag-ibig. hindi hinihintay. bigla ka nalang mauuntog, yan na pala. hayst. sarap ng pakiramdam talaga ng inlab.

Suko na 'ko, una kong pinaskil noong February 17, 2011.