24 com

hitik sa bunga

 

ang sabi ng mga matatanda na kasing tanda ni Ser Jkul, ang tao daw parang puno lang. pag may nagdilig, ito ay mamumunga (double meaning ‘to).

 

ang hitik sa bunga na puno. pinupukol. yan ang nararamdaman ko ngayon. ang hirap maging sikat daming pumupukol. kase kung di nyo natatanong o napapansin, sikat na ko, kahapon lang… nafeature kase ko sa blog ni pareng bino. nasa baba yung sampol ng usapan at ang buong usapan ay matatagpuan DITO.

 

 

Bino: Sino si Joel sa tunay na buhay? Sa likod ng blogging?


Joel: parang katulad ‘to ng unang tanong ah. Si joel at si bulakbolero, halos wala naman pinagkaiba. Personal naman yung sinusulat ko sa blog entries ko, kaya ako’t ako din yon. Gwapong gwapo pa den.

 

 

e wala lang. gusto ko lang magyabang.

 

naisip ko lang din na kung sa dati e ayaw ko magpakilala dito sa blog e parang ngayon e ako na tong nagbubukas ng libro tungkol sa sarili ko.

 

kung hindi ako nagkakamali may mga pagpapakilala na din ako tungkol sa sarili ko  dito sa blog ko.

 

HU ME? at Random facts about bulakbolero

 

kaya kung tutuusin ay malamang sa alamang ay kilala nio na din ako.

 

Ang gulo ng post ko na to, ang gusto ko lang naman sabihin ay. Salamat sa inyong lahat.

 

 

 

\m/  Keep on rockin!

ang inyong alipin, bulakbol.

 

biboy

39 com

Ipad 2

 

 

asiete ng hulyo ngayon. ibig sabihin beerday ni itay. sa mga selebrasyon sa buhay ko, eto yung isang pinaghahandaan ko. egsayted kase ako kung ano yung pwede iregalo sa kanya na pwede ko din mapakinabangan.

 

nung isang taon, naisulat ko dito kung ano ang regalo ko sa kanya.

 

ano pa ba ang regalo ko ngayon? given na. taytol palang. lol.

 

bakit ba eto yung regalo ko sa kanya?

 

eto ang usapan namin.

 

 

tatay

 

 

kitams, masyadong teki si tatay ko. lol.

 

 

at dahil kailangan syang maiuwi sa pinas, e kinumtyaba ko ang isang tropang itago nalang natin sa pangalang gasul para ipaabot ang aking regalo. at eto naman ang usapan namin. lol.

 

 

gasul

 

 

edi ako na. ako na mayabang.

 

 

hahaha.

 

 

at dahil nga mabait ako at huwarang anak at sige mayabang na din, edi tutuparin ko ang kanyang kahilingan.

 

 

TATAY… Happy Birthday po sa inyo… salamat po. \m/ at eto ang regalo ko sa inyo.

 

IMG_0831

 

 

at dahil secret eto at kinuntyaba ko lang si utol at si nanay. sa saturday pa nio ito malalaman. imemeet pa nila si gasul para kunin ang inyong Ipad.

 

muli, happy bday tatay. \m/ keep on rockin’

32 com

Patalim

 

The tongue like a sharp knife... Kills without drawing blood.” – buddha quotes

 

 

Grade 6 ata ako nung may nabasa akong lathalain tungkol sa kakaibang sandata na lahat tayo ay nagmamay-ari. Ang sandata na nakakasakit ng hindi natin inaasahan. Ang sandanta na pag tumarak kaninuman ay walang dugo pero possibleng makasira ng buhay. Mula noon, kahit hindi palagian ay pinilit ko ang sarili ko na gamitin lamang ito sa tamang paraan. Eto yata ang naging dahilan kung bakit natawag akong suplado o isnabero ng kadamihan sa mga nakikilala ko.

 

Madaming beses na din ako nasugatan gawa ng kakaibang sandata na ito. may mga naghilom na at mayroon pa rin na pasanin ko hanggang ngayon. Hindi tiyak kung kelan gagaling. Magiging mabilis ba o mananatiling sugat panghabambuhay?

 

Pilit kinuntrol pero hindi maiiwasan, madami ding nasaktan sa pag-gamit ko nito. Sabi nga ng karamihan, ang sugat na gawa ng tunay na patalim ay maaring maghilom ng mabilisan subalit ang sugat na tumagos sa emosyonal na parte ng tao ay mas matagal mawala.

 

Hamon lang siguro hindi lang sa akin pero sa ating lahat na maging maingat sa pag-gamit ng kakaibang sandata na ito. Kung hindi naman kailangan ng mabilisang aksyon o kasagutan, maari sigurong magisip muna ng makailang ulit bago magbitaw ng salita. Kundi, makakasakit ka ng hindi mo inaasahan o sinasadya. At kung kailan na naisip mo na mali ang iyong binitawan ay huli na ang lahat, may nasaktan na, hindi mo na mababawi. TATSMUV ALREADY MAH.