10 com

Isang malaking tenk-yu


“… For dinner, I went out with Sven, Frank, and Jeremy who are all Swiss. Sven and Frank are from the German-speaking part of Switzerland while Jeremy is from the French part. We decided to eat in an Italian restaurant near Zytglogge which is just one stop from the hotel. The guys suggested we walk on the bridge instead of riding the tram, as we always do even though it's freezing cold. More snowflakes were falling from the sky, settling on our coats and umbrellas. I asked them, "I'm wondering, why is it that it's not as cold when it's snowing." Jeremy said, "Because it warms your heart."....Awwww, I guess he's right. (">)
Excerpt from my friend’s blog entitled First Snow in Switzerland


Walang snow dito sa gapore. Wala ding Turkey na handa sa hapunan. Hindi mo kailangang gumising ng maaga para pumila at makipagsiksikan para lang makakuha ka ng good deal tuwing black Friday.

Asa? E wala namang thanksgiving celebration dito.

Maswerte na din akong maituturing dahil kahit 1 time lang ay naranasan ko ang mga bagay na yan. Snow. Turkey. Black Friday sale.

Ito yung isa sa pangyayari sa buhay ko na pinagpapasalamat ko.



Nakakatuwa na may mga bagay na hindi naman natin ineexpect na dumating sa buhay natin, pero kaboom. Ayan na. kinakatok na tayo.



Marami akong dapat ipagpasalamat ngayong taon na to.

Na kahit matanda na ko ay gwapo pa din ako.

Na kahit mataba ako ay madami pa ding nahuhumaling sa katawan ko.

Na nadagdagan ang mga bansa na napuntahan ko.

Na may trabaho pa din ako.

Na bawat pag mulat ng mata ko ay kaya ko pa din tumayo at makipag talastasan sa aking mga kaopisina, kakilala at tropa.

Na kahit madaming pagsubok sa buhay ay nalalampasan naman.



Yon naman ang importante sa lahat… na bawat pasakit sa buhay may ligaya pa ding natatamo.

Sa bawat pagsubok, may karamay na lagging nandyan sa tabi mo.

At sa bawat pag-inog ng mundo, patuloy pa din ang paghinga.




Sa lahat ng kakilala, kaibigan, katropa, kapamilya at iniirog, Happy Thanksgiving sa inyong lahat.



====
Salamat at IT show dito sa gapore. Sana, makapag upgrade ako ng cam. Sana kayanin ng aking nangungulilang pitaka.
24 com

Hinagpis

 Ring ring… Ring ring… Ring ring…


Isang tawag mula kay Bok. Bok ang tawagan ng mga sundalo sa isa’t isa. Parang brader na din kung tutuusin.

“Bok, maghanda ka na” aniya

Hindi ko alam kung ano ang paghahandaan ko. Dahil sanggang dikit naman kami ni Bok, hindi ko na muna inalam kung ano yung dapat paghandaan. Magkikita naman kase kami at pede naming pag usapan ng personal. Basta sumang-ayon lang ako.

“sige bok” tanging nasambit ko

Ilang oras ang nakalipas.

Nagkaroon ng giyera. Hindi ko ito inaasahan. Wala akong kalaban laban. Hindi ako handa.

Pinipilit kong isipin kung ano ang hakbang na aking gagawin, pero wala akong maisip.

Natapos ang giyera na nakatanghod lang ako.

Wala akong ginawa. Hinayaan ko lang mangyari ang bawat pangyayari.

Walang kwenta.

Walang silbi.


Lumipas ang magdamag. Isang bagong araw na naman.

Bigla kong napagtanto ang mga katagang sinabi sakin ni Bok.

Ito pala ang bagay na dapat kong paghandaan.

Wala na… huli na ang lahat.

Tapos na.


Minsan… may mga pahiwatig na hindi natin binibigyang pansin. Binabalewala lang natin. 

Darating na wala tayong sandatang dala.

Wala tayong magagawa kundi sumunod nalang sa agos.

Pagtapos na, saka tayo magsisisi.

Kung kelan possibleng hindi mo na maibabalik ang nakalipas.




----
Hango sa nangyari  sa buhay ko nung kamakailan lang. Sadyang binago ang istorya para ikubli ang tauhan at tunay na pangyayari.


19 com

Blogbolero

Hindi ko na alam kung ilang araw o buwan na ba kong namamalagi dito sa bahay ko sa blogworld.

Sa pagiging anonymous blogger, unti unti na din akong nagpakilala kung sino ba talaga si bulakbol dahil na din sa paglalagay ni Jepoy ng larawan ko sa blog nya.


Nalahad ko na din dito kung paano ako namolestya sa Indonesia.

Kung paano ako nakipaglandian este nagpacute sa mga kaopisina kong babae.

Nakwento ko na din ang nakakabagot na storya ng buhay ko.

Kung gaano ko kaayaw kumain ng pizza pie at kung paano ko nakakatulog sa loob ng sinehan.

Naging bida na din sa blog ko ang ilang tropa at ang ex-munchkins ko.

Kung gaano ako naliligayahan na matulog ng walang saplot at makipag cam to cam. (adik mowd on)

Naging emo na din kahit inde bagay.

Pati kung ilang bansa na ba ang napuntahan ko.

At marami pang iba…


Nameet ko na din si Gasul, Jepoy at Roanne sa personal. Muntik ko na makita si Jethro sa Korea pero ayaw nya magpakita sa akin. Haha.

Hindi ko din inaakala na si Ahmer ay kaibigan ng mga Kababata ko sa bulacan. Ang liit talaga ng mundo.

Ang dami kong natutunan sa blogworld. Dami kong nilakbay na photoblogs. Aliw ang pagbasa ng mga nakakatuwang blog. Yung mga blog na lumalablayp ay masaya ding basahin, parang nagbasa lang ako ng sekretong diary.

Nakasaksi na din ako ng umamin sa blog.

Nagkaroon na din ako ng tatlong award mula nung nagsimula ako mag blog. Salamat ke Claum, LordCM at Eddyboy.

Nung una, natutuwa ako na pagkagising ko ay iniisip ko agad kung ano ang ilalathala ko dito. Aysows. Bonus pa kung makikita mo na sa previous entries mo ay madaming nag comment at may nagfollow na bago.

Pero ganun na nga, may mga panahon talaga na kahit anong piga ang gawin mo e wala ng lalabas na katas. Sa halip kase na sa utak pinapalabas ang katas e sa ibang parte ng katawan. Wapak.

Kanina lang, isang tunay na kaibigan ang nagtanong sa akin. Please refer to the screen shot below (parang formal email lang).



Sa totoo lang, hirap talaga ko mag blog. Accidental blogger lang naman ako. Sa tingin ko ay mas may laman pa ang mga comment ng mga blogger kesa sa mga entries ko.

E ano magagawa ko? E adik ako magsulat ng kung anu-anong bagay? Hindi ko din naman ineexpect na dumami pa lalo ang magbabasa ng blog ko. Okay lang din sa akin na may makalimut na dumalaw dito. Ang sa akin lang e, sana yung mga tunay kong kaibigan ay nandyan pa din at handang basahin ang aking boring layf. Lol. (may ganun?)

Yaan nio next time, pag nagkaroon ng kurso tungkol sa paano maging effective blogger, papasukan ko yun.

Nga pala, sa mga mangilan ngilan na dumadalaw sa blog ko… paclick naman ng nuffnang ads ko… wahaha. Salamat.