wala akong magawa.
gusto ko lang magblog.
may ganito ng entry si roanne dati, gaya gaya lang ako.
gusto ko lang pakilala sa inyo yung ibang mga nakilala ko sa mundo ng blogging dito sa singapore.
sadyang pinalitan ko ang mga pangalan baka kase may iba na gustong magpaka anonymous. baka lang naman. bahala na kayo mag-isip kung sino ang sino.
arnold
sya ang unang blogger na nakilala ko dito sa sg. pinakadikit ko sa lahat ng blogger na lalaki kaso mahirap tantyahin minsan kung may galit ba o wala. Lol.
atan
sa storya nya dito sa sg ako natuwa, kumbaga sya ung unang blogger na nasaksihan ng mga tropang blogger sa sg ang buong detalye. Mabait at nakakataba ng puso na nagcoconsult sya sa amin.
aiyan
isang beses ko palang to din nakita, pero sa nakikita ko sa blog nya, makwela din syang tao
beth
dahil mahilig ako magbasa ng photoblog ay nagawi ako sa blog nya. Napagalaman ko lang na nasa sg sya.
buknoy
isa sa naging kakulitan ko sa blogging kahit nasa pinas palang sya. Naging kakulitan lalo nung nandito na sya sa sg. Subalit hindi sya madalas sumama sa amin, namimili ng kaibigan. Lol.
carlo
tropa ni arnold na photoblogger pero bihira mag update ng blog
cj
nakakalito. Mukhang masamang tao. Piz. Pero pagnakilala mo, mabuting tao naman. Mukhang tahimik pero paglasing ang daldal. At matsismis. Haha
goyo
isa sa idol ko sa mga photobloggers pagdating sa pagkuha ng larawan at pag PP
inoy
isa sa tatlong toledo na nakilala ko at lalong nagpatunay na ang mga toledo ay malabo kausap.
jenny
sya naman ang pinakadikit ko sa blogger na babae dito sa sg. Hindi ako naniniwala sa sabi sabi na sya ay tahimik na tao. Kadaldal kaya.
lani
yown oh. Nakakaaliw yung blog nya tungkol sa opisina nila. Isa sya dun sa mga nakakakulitan ko na blogger kahit di ko pa nakilala dati.
marian
nakakatawa ang mga banat nya. Hindi ko alam kung san nya pinaghuhugot ang mga katagang namumutawi sa kanyang bibig. ramon una ko pa lang sya nakita, alam ko ng magkakasundo kame neto. Makwento syang tao. rosa minsan syang naging rosas ng buhay ko. -end- ryan hindi ko gaano kilala. 1 time ko palang nakita at di pa nakausap pero sa tingin ko mayaman sya. may bonus video sa baba. lol. natatawa lang ako sa pinag gagawa namin dito sa singapore. | panoorin kung gusto mabaliw