14 com

Suko na 'ko


Isang usapan natin, nasabi ko sa’yo na tayo ang nakatakda. Natawa ka, sabi mo hindi ka naniniwala na may nakatakda talaga.

Ang sabi mo, Tao ang pumipili ng kanyang kapalaran. Walang nakatada. Sya ang pipili ng daan at Sya din ang huhubog neto. 

Okay suko na ko. Tama ka na. Taas na kamay ko sa’yo. Hindi uso yang nakatakda-takda na yan. Hindi tunay at walang basehan.

Sige, ako ang dapat pumili ng kapalaran ko. 

May napili na kong daan. 

Ang daan patungo sayo, daan para makilala ka ng husto. Hindi man ito nakatakda, eto ang daang gusto kong tahakin…


====
Destiny man o hindi, kung para sa'yo para sa'yo. kusa nga daw dumadating ang pag-ibig. hindi hinihintay. bigla ka nalang mauuntog, yan na pala. hayst. sarap ng pakiramdam talaga ng inlab.

Suko na 'ko, una kong pinaskil noong February 17, 2011.
12 com

Liham Para Sa’yo


Soulmate,

Kamusta ka naman dyan?  Alam ko mahilig ka magbasa kaya malamang nagbabasa ka ngayon. Siguro binabasa mo ngayon yung mga paborito mong akda. O hindi kaya nagbloblog hop ka. Possible ding itong liham ko ang binabasa mo.

Gusto ko lang naman sanang magpasalamat sa’yo na dumating ka sa panahon na nalulumbay na ko dito sa Singapore. Hindi ka naman naging payaso para pasayahin ako, pramis! Siguro, kelangan ko lang din ng soulmate at dumating ka. 

Patawad na din pala sa pag-gamit ko ng term na soulmate. Hindi ka naman kase nagrereak pag binabanggit ko to, bagkus e tumatawa ka lang. Bilang mapag-feeling, Inassume ko na baka okay lang naman sa’yo na tawagin kitang ganito. Kung ayaw mo, e palitan nalang natin… sabihan mo lang ako. Naisip ko nga, Jodi nalang kaya ang itawag ko sa’yo? Naks! Napansin ko kase may pagkahawig kayo ni Angelina Jodi este Jodi Sta. Maria pala. At malamang di naman ako nagkamali, kase nung tinanong ko sa’yo kung may nakapagsabi na neto sa’yo, sabi mo meron naman. 

Ano nga ba yung panama ko sa may kamukhang artista? Wala malamang! Pero dahil feeling ako. Sige na nga, papatulan ko na yan. May kamukha din naman akong artista ah… Si idol bearwin meily. Yahoong yahoo. Hehe.

Nga pala, di pala ko mahilig magbadminton. Di nga ako marunong non (yata) pero sige pag nag-aya ka, sasama ko. Pwede naman siguro maging audience lang don dba? Sa tingin ko kase mas enjoy kung bumili nalang tayo ng isang gallon na ice cream, magkwentuhan sa mga bagay-bagay, pagtawanan yung mga nabasa nating nakakatawa at maging madrama sa mga emo na sulatin. Tapos, hindi natin namamalayan ubos na pala yung isang gallon ng ice cream na kinakain natin. Hangtakaw lang.

Okay din siguro na tumakbo nalang tayo. Tingnan natin kung matatapos mo yung 5K. bonding na din yon di ba? Tapos pag di mo na kaya, edi bubuhatin nalang kita. Ang sweet kaya non. Nilalagam na nga ako ngayon sa pwesto ko habang sinusulat ko to. Sorry, Adik lang.

Sige hanggang dito nalang muna siguro. Baka masyado ka ng mahabaan sa sulat ko, ang sabi mo pa naman sakin natatamad ka magbasa ng masyadong mahaba. Baka tamarin ka at di mo pa mabasa to. Kaya ayown.

Ingat parati. Miss you.


Ang iyong feeling Soulmate,
bulakbolero sa singapore



=====
Tapos na ang labstory ni bulakbol ke soulmate. Magkaibigan naman kami ngayon. at kasalukuyang masaya si soulmate sa kanyang lablayp. Ganoon naman talaga ata ang pagmamahal. hindi naghihintay ng kapalit.


Liham Para Sa’yo, Una kong na-ipaskil noong February 16, 2011.

8 com

Blogistang Bulok


Blogistang Bulok
(unang nailathala ni bulakbol noong June 17, 2010)

Limitado.
Noong una, akala ko ang blog ang magiging dahilan para isulat ko ang lahat ng aking saloobin.
Noong una, akala ko maibubulaslas ko dito kahit anong bagay na ninais kong ipahiwatig sa mundo.
Ganoon din pala.
May mga bagay na hindi mo pwedeng sabihin dahil na din may ibang makakabasa na alam mong hindi nya dapat ito pwedeng malaman.
May mga salitang di pwedeng bitawan kasi may masasaktan.
May mga pangyayaring hindi pwedeng ibunyag kasi walang madudulot na mabuti.
Limitado pa din ang mga bagay-bagay.
Minsan dapat mo itong pangalagaan at protektahan.
Hindi dapat mabunyag at hindi dapat malaman pa ng iba.
Hindi lahat ng nadidinig mo, kelangan mo sabihin sa ibang tao.
Hindi lahat ng nakikita mo, kelangan malaman ng nakararami.
Hindi lahat ng bagay, pampubliko.
Minsan, kelangan natin matutong itikum ang bibig at tumahimik nalang.
Katulad ng punyal, matalim ang dila.
Bawat salitang kanyang binibitawan ay kelangan pagplanuhan.
Minsan hindi mo alam nakakasakit ka na pala.
Yaong minsan na ito, hindi mo na mababawi, nakatarak na sa taong sinabihan mo.
Wala ka ng magagawa, checkmate na.

Dahil dito, parang nakikita ko, limitado pa din ang aking mga nailalathala.
Walang kwenta!

====

Pagkabasa ko na'tong muli. naisip ko. ganito pa din stand ko. blogistang bulok pa din ako kahit dalawang taon na ang nakilapas.

bulakbol's current mood:

larawan galing dito