cubao overpass
Alam ko kung kelan ka may problema. Alam mo kung bakit? Dahil pag may problema ka bigla mo nlang akong kakausapin o tatawagan, mga ilang minuto pa lang ang ating paguusap at bigla ka nalang mahihinto, di magsasalita, di magpaparamdam hanggang sasabihin ko nalang, “umiiyak ka ba?” Hindi ka pa din magsasalita. At malalaman kong umiiyak ka nga. Minsan naman trip ko lang lokohin ka ng “ui umiiyak ka?”, ginagawa ko to kasi alam ko sobrang iyakin mo… nantritrip lang naman ako nun. Pero bakit bigla ka nalang ulet hihikbi. Kaya gustong gusto kitang biruin, masyado mong sineseryoso ang mga bagay bagay.
Isa pang gusto kong pambibiro sa’yo ay yaong pagnagbebake ka ng cookies na walang korte. Nadalas ka ata magbake dati dahil sa pagrerequest ko. Sa tingin ko ako ang dahilan bakit nahasa ang baking skills mo.
Makailang ulet ko din sinabi na ang taba taba mo na. At yun nga, tulad ng inaasahan, seseryosohin mo eto. yun tuloy, para ka nang kambing dahil sa puro dahon na lang ang kinakain mo. Sa totoo lang, paano ka tataba e sobrang active mo sa lahat ng bagay. Medyo natutuwa naman ako, dahil lahat ng pagkain mo, sa akin mo pinapakain.. diet dietan ka kase at ako ay matakaw.
Simula ngayon, hindi na kita lolokohin… alam ko naman na lahat ng sinasabi ko kahit pabiro pa ito ay sineseryoso mo. Eto ang regalo ko sa’yo ngayong kaarawan mo – ang di pang aasar sa’yo.
Woi Jean. Ang tanda mo na! nyakakaka…
Maligayang kaarawan… dahil sa’yo namulat ako kung ano ang nangyayari sa overpass ng cubao paghating gabi. :P
6 comments:
Haberdey Jean! Kahit di kita kilala. LOL
Ano ba ang nangyayari sa overpass ng Cubao?
clueless ako. anong meron sa overpass ng cubao pag hatinggabi?
btw, ang sweeeet naman nun bulakbolz. happy beerday din kay woi jean. hoping for more birthdays to come :p
ano nga bang nangyayari sa overpass ng cubao paghating gabi?! (ulit pa?!) HAHA!
happy birthday kay jean. :D
ahem parang may idea ako kung sino si jean...siya ba ai si...? hehehe belated happy birthday kay jean! :)
Interesting
Cubao
Overpass
Kwento na ng detalyado
Hehe
kapanapanabik nga ang kwento sa likod ng cubao overpass...
hahhaa.... *evilmind*
Post a Comment