Homesick


Hindi ko alam na darating ako sa ganitong sitwasyon. Alam ko kase na sanay na ko. Gala na ako, bata palang. Hindi ako naglalagi ng matagal sa bahay. Noong nasa mababang baitang ako, nakikitulog na ko sa bahay ng kaibigan o pinsan. Sa isang linggo mga 4 na araw lang ako naglalagi sa sarili naming bahay. Buong weekend sa galaan. Lalo akong nasanay na wala sa bahay nung pagdating ng College, bumukod na talaga ako… sa pagiging probinsyano, nakipagsapalaran ako sa buhay maynila. Kahit taga-bulacan lang ako, may pagkakataon na hindi ako umuuwe kahit weekends. Hanggang sa magtrabaho ako, Ganito ang naging set-up. Kumuha ko ng sarili kong apartment at doon na nagtira. Dumadalaw nalang ang pamilya ko pag naisipan nila.
One time. Pinadala ako ng kumpaya sa tate, egsayted ako kahit sinasabi ng karamihan na mahohomesick lang ako. Una kong beses naranasan na may sumundo sa akin ng naka-placard at nakalagay ang aking pangalan. Ang sarap ng pakiramdam. Parang isang pelikula. Magisa lang akong pinoy dun sa kumpanya namin, kaya medyo mahirap. Kaso lalo akong natuwa sa set-up, natuto ko tumingin kung panu pumunta sa iba’t ibang lugar gamit si mr. internet. Nakapag New York ako mag-isa na nagbus lang. Hindi naglaon, Nakauwe ulet ako ng pinas na parang naglaro lang ako sa tate. Parang gusto ko pa bumalik dun ng pagkatagal tagal.
Mga ilang buwan pagkabalik ko ng pinas. Nagresign na din ako sa dati kong trabaho dahil na din may offer sa akin sa Malaysia. Lalong nabahala sila sa akin, dahil eto, tunay na lilisanin ko na ang pinas at dun na talaga nakabase. Doon sila nagkamali, lalo akong nag-enjoy sa Malaysia… dahil sa implementation project ako, nagawa kong libutin ang Malaysia, nakapunta ko ng sabah, penang, perak, klang, damansara, kl, pj at kung san san pa. Lalo akong nasiyahan dahil sa madaming bundok sa Malaysia at ang bilang panggap na mountaineer, pag weekend na wala akong ginagawa, naakyat ako ng bundok. Hindi nagtagal, umuwe din ako sa pinas dahil may offer na di ko matanggihan.
Nasa pinas ako… parang kulang ang pakiramdam. Gusto ko ulet magtrabaho sa ibang bansa at maging OFW ulet. Laking pasasalamat ko nung tumawag etong si Singapore.
Pangarap na jackpot, hindi ko akalain na makakapagtrabaho ako dito sa Singapore,matagal ko na din kasing hindi sineseryoso ang pagpapasa ng resume sa bansang to. Lalo akong naging at home sa Singapore dahil marami akong kakilala na dito na nagtatrabaho. Ayus din na madaming pinoy dito sa kumpanya ko. Isa pa, mas masarap ang mga pagkain dito kesa sa dalawang bansang napuntahan ko.
Kahapon, pumunta ko sa Lucky plaza kung saan pwede ka magpadala ng pera sa pinas. Ang dami kong kababayan na nakita. Ang haba ng pila sa padalahan ng pera. Ang ingay ng lugar parang eksena sa palengke. Habang nakapila ko, nakaramdam ako ng pagkatigang (hanep ang drama). Parang biglang naisip ko, sana naging mayaman nalang ako para hindi ko na kelangan magtrabaho sa ibang bansa at magpadala ng pera saking mga minamahal. Hindi ko alam kung bakit kakaiba yung nararamdaman ko nung mga nakalipas na araw.
Nagsisimula na ba ko mahomesick?

15 comments:

chingoy, the great chef wannabe | August 16, 2010 at 2:22 PM

hmmm, di kaya ang tawag jan eh....









hang-over??? nyahahaha

John Ahmer | August 16, 2010 at 5:08 PM

parang alam ko ang gustong sabihin ni chingoy.. hehe

domjullian | August 16, 2010 at 6:37 PM

bakasyon lang ang kailangan mo. uwi na!

krn | August 16, 2010 at 7:22 PM

tammmaaaa. uwi na!

Jepoy | August 16, 2010 at 9:10 PM

kampay!

Sige para hindi ka ma homesick inuman tayo nila gasdude pag dating ko dyan, okay :-D

bulakbolero.sg | August 16, 2010 at 10:09 PM

chingoy, takte...

wait, anu? di ko alam. haha

domj, baka nga.

muse, sige uwe na ko. now na. hehe

jepoy, kampay! baka 24-25 lagn ako nasa sg. pag andito ako wag mo kalimutan pasalubong ah!

Raft3r | August 16, 2010 at 11:14 PM

Home is where the heart is daw
Eh mukahng ang puso mo naman ay nasa pabyahe-byahe
Kaya oks lang yan

Natuwa ako sa ny bus experience mo
Ny rocks
Sobra

Jepoy | August 17, 2010 at 7:03 AM

25 ang dating ko, sige kahit hapon lang kita kits sana pwede si Gasdude ano ba gusto mo pasalubong nak nangbaka naman oh ako pa mag dadala kayo ang dolyar ang sweldo?! Tocino pwede na ahahah

bulakbolero.sg | August 17, 2010 at 9:33 AM

@rafter, tama ka dyan dre, kaso panu pag parang constant mo na to ginagawa parang nakakasawa na.

oo, asteeg yung bus experience ko pa nyc, nag greyhound bus lang ako. tapos sa port authority dun nagsimula ang trip to ny. hehe

@jepoy, sabi mo sa fb, 24 dating mo. wag tocino kasi baka wala nga ako nun sa sg, di ko din makakain, pede naman brownies o macaroons ng goldilocks. hehe.

an_indecent_mind | August 17, 2010 at 11:44 AM

mas nakakahomesick lang pag lagi mong iisipin! sows! lapit lang naman ng SG-PH uwi na!!!

Madz | August 18, 2010 at 9:40 AM

uwi na parekoy :)

kikilabotz | August 18, 2010 at 9:22 PM

sir bka nga tigang lang yan. hehe. yayaman ka rin pareng sir

Poipagong (toiletots) | August 19, 2010 at 10:45 AM

maghanap ka lang ng mga katropa dyan, siguraduhin mo lang wag pinoy lalo ka mahohomesick kasi iisa lang kwentuhan nyo, pauwi. haha.

masaya nmn dyan ah. inuman tayo minsan! libre moko. LOL

- napadaan at nakibasa lang.

bulakbolero.sg | August 19, 2010 at 3:04 PM

@indecent, lapit lang, kaso walang pera pauwe.

@muse, sige uwe na ko. bukas.

@kiki, magdilang anghel ka sana sir.

@toilet, salamat sa pagdaan at pakikibasa, sige inuman tayo. asan ka ba ngayon? andito ka ba?

Pong | September 5, 2010 at 6:40 PM

kung kwentong kahomesick-an lang sir madami ako,
perstaym ko sa abroad sa disyerto pa mas nakakahomesick
kaya excited na din akong makabalik sa Pinas

wala ng tatalo pa sa Pinas.

Be blessed sir!