All I want for Christmas


September 1 na ngayon, kaya ibig sabihin… magpapasko na. yahoo! Kahit alam kong matanda na ko, aminado akong isip bata pa din. Iniintay intay ko pa din lagi ang kapaskuhan. Lalo na ang bagong taon dahil putukan na !!!(basahin ng may pagkasabik na tono)
At dahil dyan, naisip ko gumawa ng mga trip kong bilhin o matanggap ngayong pasko. Pero mas oks kung bago magpasko ay meron na ko ng mga eto.
Una. Dalawang pares ng converse na sapatos.
Pangalawa. Olympus Pen na camera. Para madali dalhin kahit saan. Halos kasing powerful na sya ng dslr, pero hindi kalakihan kaya pede ibulsa.
Pangatlo. Nikon D300s o Nikon D700. Kahit alin dito masaya na ko. Gusto ko magupgrade ng DSLR dahil sobrang mahal ng mga lenses na pedeng gamiting sa camera ko ngayon.
Pangapat. Prime lens, para masiyahan naman ako sa mga pinagkukuhanan kong portrait pics. Minsan nafrufrustrate ako sa mga kuha ko. Nakakailang pitik na ko, wala pa rin akong trip na kuha.
Panglima. The north face na double track na maleta. Para asteeg yung maleta ko pauwe ng pinas. Hehe.
Panganim.  The north face na day pack na bag. Sobrang luma na kasi ng TNF bag ko. Gusto ko muna sya pahingahin.
Pangpito. Polo shirt (simpleng polo lang, hindi yung polo na brand). Wala lang. puro basahan lang kasi sinusuot ko dito sa opisina. Alam nio yung mga souvenir pag pasko. Yung Boysen shirt, Yung Mang tomas hardware store, Yung ABCD grocery – mga ganyan lang sinusuot ko sa ofis. E kelangan ko naman minsan pumorma.
Pangwalo. Iphone 4.0.
Pangsyam. LED TV, PS3 o Wii o XBOX. Para walang lonely nights pag gabing nagsosolo sa kwarto.
Pangsampu. Ticket pauwe ng pinas.

Ayown… sampu nalang. Kasi malamang sa alamang e di naman matutupad yung iba dyan. Pero sana, kadamihan e magkaroon ako on or before Christmas.

Pero ang talagang ninanais ko di nabibili ng pera….  ='(    (kantahin sa tono ng tindahan ni aleng nena)

9 comments:

Madz | September 1, 2010 at 10:55 AM

Merry X-mas parekoy!!! advanced greeting na baka kasi next time pati bahay mo eh blocked na din dito sa opis..hahahahaha


madami pa namang christmas na dadating, isa-isahin mo nalang na tuparin :D

domjullian | September 1, 2010 at 1:24 PM

ang luho!

BatangGala | September 1, 2010 at 3:55 PM

christmas wish ko rin ang number 10 plus pocket money na rin.haha :)) hopefully, matupad po ang lahat ng mga wishes nyo this christmas, especially ang pagkanta sa tono ng tindahan ni aling nena. MERRY CHRISTMAS!:)

Abou | September 1, 2010 at 4:07 PM

waw andami.

:-)

The Gasoline Dude™ | September 1, 2010 at 4:37 PM

Ang laki-laki ng sweldo mo, kaya mong bilhin lahat 'yan ng isang buwan mong sweldo. LOL

chingoy, the great chef wannabe | September 1, 2010 at 6:26 PM

yamanin! :)

krn | September 1, 2010 at 7:16 PM

Pero ang talagang ninanais ko di nabibili ng pera--- aysssuuuss...

kayang kaya mo naman bilhin yan. tuparin mo na isa-isa :)

Jepoy | September 1, 2010 at 10:22 PM

buti ka pa ang yaman yaman mo. Ako gusto ko for Christmas ay isang kilong asukal para may tamis naman ang kape namin mag anak sa pasko.

merry Christmas po!

bulakbolero.sg | September 2, 2010 at 1:59 PM

muse. merry Christmas din.

domj. hehe. minsan lang mangarap.

batangg. sana matupad din yung wish mo. merry Christmas din.

Abou. uu, lubus lubusin na.

Gasul. nakng kasinungalingan na naman yan.

Ching. sino? kaw? hehe

muse. aysows. sana mabili nga lahat. problema pambili. hehe

jepoy. ikaw ang mayaman. at anung kadramahan yang asukal na yan? merry Christmas din.