hu me?
Dahil mag aanim na buwan na ako dito sa blogospero, sa tingin ko panahon na para pakilala ko ng unte kung sino ba tatalaga si bulakbolero. May mga ibang detalye na nasaad ko na sa mga previous entry ko dito, kaya medyo hindi na bago. Sino nga ba ko?
Suplado sa mga di kakilala at di trip kausap pero sobrang pakyut at papansin sa mga kilala.
Maiksi ang pasensya.
Madali uminit ang ulo.
Kuripot pero magastos (ang labo).
Mukha daw akong intsik, kaya sa halos lahat ng bansa na pinupuntahan ko kinakausap ako ng intsik.
Hindi mapakali pag nasa bahay lang.
Mahilig mag try ng kung anu anong bagay at pagkain.
Mataba pero hindi naman ganun kalakasan kumain.
Hindi kumakain ng pagkaing may gata at may curry kung hindi naman required at may choice naman na ibang putahe.
Mahilig sa tsokolate kahit mataas ang blood sugar.
Walang kahilig hilig sa pizza.
Fresh milk lang ang klase ng gatas na iniinum ko. Yung galeng sa dodo ng…………. cow.
Hindi matutunan ang lutong adobo kahit 100x ko na itong itrinay gawin.
Pangarap manirahan sa United States of America.
Pagbubulakbol lang ang hilig sa buhay.
Kaladkaring lalake. Madali akong imbitahan. Sama lang ng sama kung kanikanino.
Antukin, lalo na kung nasa movie house.
Pinapaligo ang pabango sa katawan pag umaga. Pakiramdam ko kase magiging artista ako pag mabango ako. Diesel at nautical voyage lang ang trip kong amoy. Pero dahil mura sa Mustafa at walang ganitong tatak, hugo boss ang amoy ko ngayon.
Ayaw ko gumawa ng gawaing bahay, lalo na ang magsampay ng labada, magtanggal ng sinampay na labada, mag plantsa, mag tiklop ng damit at maghugas ng plato.
Dakilang torpe pero alam ko sweet ako. =P
Handang ibigay ang lahat lahat sa taong minamahal. (may ganito?) pati ang puri at danggal ko.
Kras kong artistang pinay ay sila Myles hernandez, Diana Zubiri, Katrina Halili at Michelle Madrigal.
Paborito kong movie ay ang rules of engagement ni Samuel L Jackson.
At ang mga paborito kong ekspresyon ay, yown oh, ayus, nakng, takte, pootek, tadu, namu, nyahahaha at iba pa.
Ilan lang ang mga nasa taas na pede kong idescribe sa sarili ko. Siguro yung iba hindi napapansin pero ganun ako, kaya yung sila lang makakapagdescribe sa akin. Yung iba siguro nakalimutan ko lang, idagdag ko nalang pag naalala ko.
Sige hanggang dito nalang ulet. Lunch time na. \m/
43 comments:
Hindi mapakali pag nasa bahay lang.-->kasi nga bulakbolero ka hehe~~
naks apir tau sa pagiging chocoholic...
viva~
musta dyowel?ahihi~~
kras ko din pala c katrina halili haha
yun nagpakilala na ang bulakbolero with matching pic pa
way to go sir!
kain na!
aba aba hindi na umaanonymous. Sige ikaw na ang suplado sa mga taong hindi mo kilala...Hmp!
Kaladkaring lalake. Madali akong imbitahan. Sama lang ng sama kung kanikanino. ---> siguro ako ang female version mo, pero choosy ako depende sa kung sino ang nag invite... basta road going to beach call ako jan! tara! hehehe!
naks naglantad k n sir. ^_^
kahit di alam ni michelle madrigal, ay pamangkin ko sya. 2nd cousin ko nanay nya. :P
tanong mo... eh ano ngayon? bwhahaha
la lang... :))
ang hirap nga i-perfect ng adobo. ako din hanggang ngayun wala pa akong nalutong adobo na parehas ang lasa sa nakaraan.iba iba lagi lasa.
hindi na siya anonym, ahihihi :) naalala ko yung dati mong post few months ago sabi mo ayaw mo ng ekspowsyur. good thing, mas nakilala ka na namin with your exceptional photo. naks ;)
unnie. ayus naman ako. apir at katulad tayu ng kras. hehe. di ka na pala nakacomment off sa bahay mo.
Pong. oo nga, unti unteng nagpapakilala. salamat sa pagbisita ser.
jepoy. ikaw may kasalanan neto. nilagay mo ang larawan ko sa blog mo. e kadami dami mo kayang taga hangga. ayown. nawala na ang aking pakag anonymous. :P
chelle. haha. tara gimik.
kiki. oo lantaran na to.
chingoy. paalam mo sa kanya ser na pamangkin mo sya. tapos pag alam nya na, ireto mo sakin. wahaha.
domj. ako iba iba na lasa ng nagagawa ko, di pa masarap. palpak!
muse. oo, wala na touch move na. pakilala na ng di oras. na ekspose na. haha.
hehehe.. ayos pare.. happy midyear anniversary! hahaha.. tama ba midyear? lolz
ayuz pala dito, perstaym ko dito ser.
dahil six months ka na, pakanton ka na!
Hindi ba mas mura ang pabango sa Lucky Plaza kesa sa Mustafa? Dun kasi ako bumibili. Mahilig din ako sa pabango.
Maiksi ang pasensya.Madali uminit ang ulo.Kuripot pero magastos (ang labo). - par akong ako yan ah...hehehhe
Nga pala... sana matuloy ang pagpunta ko dyan sa SG
ikinagagalak ka naming makilala.
alcohol lang ang pabango ko. kung minsan vicks.
midnight. salamat. di ko alam kung midyear nga ba. haha.
balentong. salamat sa pagbisita, sana maulet.
gasul. di ko alam na mas mura sa lucky. kala ko mga peke yung mga pabango dun. haha. yung kasama ko kase sa bahay nagsabi mura sa mustafa.
mokong. kelan dating mo dito sa sg? kitakits sa finals.
gillboard. salamat sa pagtangkilik. lol
abou. ayus na pabango yan. matry nga minsan. haha.
albatross o kaya yung air freshener in canister ang ginagamit ko, para feeling fresh! hehe!
wow six months, here's to more months to come :)
indecent. pede din yan. tatry ko din yan para maiba naman.
barrycyrus. salamat sa pagbulakbol sa bahay ko. :)
natawa naman ako sa kaladkaring lalaki link added na pre tumambay ako
kuripot medyo magastos
gets na gets ko yan
hehe
Yan kilalang kilala ka na namin pwede ka na namin gawan ng biography hahaha for sure magkakasundo kayo ni Jepoy pekpek
The Gasoline Dude---haba. hehe. tama naman. kaso lahat naman siguro ng blogger mas ma-aapreciate kung may interaction diba?
""But if you see their comments all over the blogosphere and ikaw lang ang nilalaktawan, mukhang tanga kana. let go!!!!""
kasalanan ko rin. I expected too much. I should have walked away. hirap kasi na parang kausap mo lang sarili mo.
ayun oh,. balak ko nga pala mag bakasyon sa sg magkita tayo ha. hehe : D
haha di ko alam na may relationship pala ang libido sa veggies
err, pardon. wrong window to put in my comment haha
twas supposed to be in abouben's blog.
gising ka muna, kung wala kang masyadong ginagawa dyan, sali ka sa blog awards ko : saranggola blog awards. napadaan lang at nag iimbita sa mg akapwa bloggers. ingat palagi.
parekoy hindi nga lang ata yong term mo na kaladkarin ka na lalaki kasi sumasama ka sa kahit san san well parekoy pokpok na yon eh!! hahahaha hayuufff ka talaga sa kalokohan eh!! hehehehe
haha! natawa ako sa nagkamaling window! LOL!
may nakalimutan ka ilagay dito... "BIGTIME po ako sa SG!"
pusa. wrong window ka ata.
ahmer. sige kitakits.
barry. bigla nga akong naguluhan sa comment mo. wrong window pala. hehe.
bernardumali. salamat sa pagbisita. sige try ko sumali dyan.
poy. pokpok ba tawag dun? hehe
roanne. talagang di mo pinalampas yung wrong window na comment. saka di ako bigtime sa sg.
naks! mga morena ang type! kras ko naman si arnee hidalgo. :)
haha madali ka palang makidnap haha
ako naman malakas kumain pero payatitot pa rin hays!
tingin ko bigime ka haha...
nimmy. uu, hilig ko pilipinang pilipina ang dating. pinakamaganda pa din sa buong mundo ang pinay. :D
Traveliztera. oo kidnapin mo na ko dali. hehe
jag. ikaw nga tong bigtime. nakakotse sa UP, ayus sa get up na pang jogging at may kasama pang alagang aso. san ka pa?
wala pa bang hu me part 2 sir bulakbolero? ehehehehe
bakit nga pala di ka mahilig sa pizza?
masarap kaya yon
hehe
interesante kang tao brother.. yan lang ang masasabi ko. HAHA!
mahilig ka rin matulog noh? subukan mong mag pizza for one month! haha
mahilig ka rin matulog noh? subukan mong mag pizza for one month! haha
Gusto ko rin sa America. Who deosn't? ;p
yown oh, ayus, nakng, takte, pootek, tadu, namu, nyahahaha .
Ikaw din?
Wag mong kakalimutan na paborito natin ang Dear Tiya Dely.
Kasama sa About me yan. hahahah
Post a Comment