I’m bored therefore I blog.


Patay – sindi. Parang ilaw lang ng bahay aliwan na nangaakit kung papasok ka ba sa loob o hindi. Ganyan ko maituturing ang buhay ko bilang isang nagpapanggap na blogista.  Madaming beses ko na ding tinangka na huwag ng sundan ang bawat huling entry na inalalathala ko dito. Bukod sa hirap na kong makaisip kung ano ba ang magandang isulat, napapansin ko rin na parang umaandap andap na din ang ilaw ng aking bahay. Nakakalungkot mang aminin habang lumilipas ang mga araw, nababawasan ang dumadalaw dito. Napaisip tuloy ako kung bakit ba talaga ako nagbloblog.
Mababaw lang kasi ang kaligayahan ko. Mabilis mo lang akong mapapasaya. Nasa baba ang ilang halimbawa kung papano.
-          Natutuwa ako pag may mga bagong blogger na napadaan at nagcomment sa blog ko.
-          Pag may nag follow sa akin na hindi ko pa nabibisita yung blog nya.
-          Pag biglang nagmessage sakin yung mga talagang kakilala ko na alam naman nila ang storyahan ko sa buhay, pero interesado pa din silang basahin ang blog ko.
-          Pag may masaya at nakakaaliw na pangyayaring ngyari sa akin. Pinost ko sa blog. At nagenjoy ang mga mambabasa.
Isa rin sigurong dahilan kung bakit patuloy padin ako sa pagbloblog ay yung pag may mga pangyayari naman sa buhay ko na nakakabadtrip na kelangan ko talagang isiwalat kahit kanino. Yung tipong gusto ko lang talaga syang ibulaslas para gumaan lang ang dalahin dito ko ito sinusulat. Swak naman minsan, may nakakaintindi. At masarap na din sa pakiramdam na parang may dumamay sayo na ka-blog mo.
Nakakilala din pala ko ng mga bagong kaibigan sa blogspero ewan ko lang kung kaibigan din turing nila sakin. Haha.
Eto lang ay ilan sa mga dahilan kung bakit kahit parang gusto ng magpaalam ng bulakbulerosasg dahil wala ng pambayad sa kuryente ay kahit papaano ay nairaraos pa din. Marami pa talagang dahilan. Kasi para sakin, kung may ginagawa kang isang bagay, hindi pedeng isa lang dahilan mo kung bakit mo yung ginagawa. Dahil pag sinabi kong mahal kita. Hindi sapat yun. Kelangan 100 reasons bakit kita mahal. Una. Masarap kang pagmasdam pag umaga. Pangalawa. Natutuwa ako pag nagsasalita ka. Pangatlo, natutunaw ako sa titig mo. Pangapat. Naaliw ako pag inaaway kita. Panglima. Nababaliw ako pag nababaliw ka. At madaming madaming iba pa….

Ayown. Putol na naman yung blog entry ko ngayon. Biglang may dumating na user. Kinukulet na ko. Work mode ulet. Paalam.

22 comments:

Jag | September 2, 2010 at 4:45 PM

Haha akalain mong naisingit pa? hehe.. o hayan matuwa ka na kasi napadaan na ako at nagcomment ako dito hehehe...

EngrMoks | September 2, 2010 at 5:12 PM

Nice post... ituring mo na ako sa bago mong kaibigan dito sa blogosperyo... Tnx for visiting my site par!

YAMIE | September 2, 2010 at 5:38 PM

Hi! For sure, makaka-add ako sa kaligayahan mo, na add na kita a couple of days ago + nag comment pa ko? o diba new friendship to build. Write more to inspire a newbee in a world of blog like me. cheers!

domjullian | September 2, 2010 at 5:50 PM

sipag mag blog

Madz | September 2, 2010 at 6:41 PM

kaiinggit naman at bumabalik ang sipag niya sa pag-susulat...ipinasa mo ata sa akin ang sumpa...hahahahah


sulat ka pa :D

Lady_Myx | September 2, 2010 at 7:10 PM

ayan, koment ako kuya, para lumigaya ka :D

hapines! :D

Poipagong (toiletots) | September 2, 2010 at 7:22 PM

Haha. nakakatuwa. bored ka nga. lol.

inuman tayo sa 15! :P

Null | September 2, 2010 at 8:20 PM

ayan matuwa ka na kasi ako ang isang bagong kaibigan na nagparamdam!

ilang linggo na yang pag-eemo na yan... tsk tsk! shift mood na! =)

Tiano | September 2, 2010 at 8:33 PM

bulakbolerong sg, wag kang emo.. matagal na akong nagbabasa ng blog mo pero indi ako nagcocoment.. hahaha.. ngayon nag comment na ako.. wala lang.. ingat lagi.. kita kita sa SG.. lol

The Gasoline Dude™ | September 2, 2010 at 9:34 PM

Kasama ba ako diyan sa 'bagong kaibigan'? LOL

Adik ka! Mas madalas ka pa ngang mag-post sa 'kin eh.

chingoy, the great chef wannabe | September 2, 2010 at 9:38 PM

mas trip kong mangulet sa ym bwahahahah

bulakbolero.sg | September 2, 2010 at 10:10 PM

jag. oo naman. mabilisan lang tong pagcompose ng post na to. at nasa likod ko pa ang opisina ng HR. habang nagtatanong yung user ay tinatapos ko pa ang mga huling pangungusap ng enty ko. hehe.

mokong. salamat bagong kaibigan. asteeg mga pinost mong shots.

yamie. oo nga salamat sa pag add sakin at pag cocomment. :) friend na tayo. hehe

domj. haha. minsanan lang. pagbigyan na.

muse. tamad pa din magsulat. medyo nakakatulong ata ang pagiging badmood para magtipa sa keyboard ng popost dito.

myx. ate sarap ng mga binebake mo. patikim naman ako minsan. hehe

toilet. bakit sa 15 pa? ngayon na! haha.

roanne. oo nga. ilang linggo na kong emo. di ko alam kelan matatapos to. pero oks na din. atleast nakakapag update ng blog. nung di emo. wala maupdate eh. haha.

tiano. wuu. e parang wala naman bumibisita sakin galing malaysia? haha. piz.kelan punta mo dito? kita kits.

gasul. pede. kung di mo dodoktorin yung sweldo ko. haha. inuman na.

chinggoy. haha. hangkulet.sige sa ym nalang.

gillboard | September 3, 2010 at 12:44 AM

at dahil blog friends na tayo... dapat pag bumalik ka dito, may pasalubong ako galing sa'yo.. hahaha

di kita masisisi. masaya talaga magblog. :)

krn | September 3, 2010 at 7:47 PM

basta ako lagi lang dadalaw dito, wa paki kahit ayaw mo. hehe :)

YOW | September 4, 2010 at 1:37 AM

Perstaym ko dito at sana matuwa ka boss. Haha. Ganyang ganyan din ang simpleng nagpapasaya sa kin bilang isang nagpupumilit maging blogger. Wag mo itigil sir. Baguhan pa lang ako dito. Gusto ko ng madaming babasahin. Haha. Blog on. You're good.

Pong | September 5, 2010 at 6:36 PM

sana mapasaya ka ng koment kong ito sir, perstaym ko din dito

iba-iba ang hangarin natin kung bakit tayo nagbablog

ang paniwala ko higit pa sa mga taong nagbabasa nito, ay ang kaligayang dulot nito sa ating sarili. higit pa sa iba, ikaw na nagsusulat ang unang nagbe-benefit dito.

keep on blogging sir
palagi na akong dadaan dito

Raft3r | September 6, 2010 at 12:33 AM

hehe
masaya bnaman kasi bumisista dito, eh
naks

btw, galing ako kl
pucha
sobrang init
di na ako lumabas masayado
sa genting naman panay ang ulan
saya!
hehe

-=K=- | September 6, 2010 at 4:29 PM

Wag kang tumigil sa pagblog kase masarap magbasa ng buhay ng iba eh. Hehehe! Tulad ko, lage ako nakikibasa dito kahit ndi ako nagcocomment. Mahilig kase kong mang usyoso sa buhay ng iba. At dahil nabasa kong ikinakasaya mo ang mga bagong nagcocomment sa blog mo, nagcomment nako para naman sa araw na to ay may napasaya akong tao. Hahahaha! Keep on blogging! :)

bulakbolero.sg | September 6, 2010 at 4:47 PM

gillboard. anung pasalubong ba gusto mo?

muse. haha. salamat naman. iba ka talaga muse. \m/

yow. salamat sa pag iwan ng comment at pagbisita. natuwa ako.

pong. salamat sa inspiring na comment. nasiyahan ako ser.

rafter. naks. kahit alam kong sawa ka na sa sg, imbitahan pa din kita dumalaw dito.

K. naks. sure ka bang napapadaan dito? nadadaan din ako sa bahay mo. medyo nakikiliti nga ako sa ibang storya mo. kaso nahihiya ako mag comment kasi baka sabihin mo di naman tayo close. lol. salamat sa at nasiyahan ako sa pagiiwan mo ng comment. hehe.

goyo | September 20, 2010 at 6:23 PM

pareho lang tayo ng dahilan sa pagba-blog at kaligayahan sa pagbablog.. :)

sir pauwi ka na ba? painom ka naman. haha.

Anonymous | October 6, 2010 at 8:19 PM

t's such a important site. cool, acutely fascinating!!!

-------

[url=http://oponymozgowe.pl]Opony[/url]
[url=http://pozycjonowanie.lagata.pl]Pozycjonowanie[/url]

[url=http://www.kartuski.com/zdrowie,i,uroda/opony,s,5199/]opony[/url]

Anonymous | November 2, 2010 at 3:03 AM

"Skedaddle to all men fork how unpopulated and throw-away is the power of kings," Canute said, "pro there is no woman praiseworthy of the boastfully cheese, but He whom the blessed, mould and zillions sell outdoors at impending infinite laws.
[url=http://medibankprivatehealthinsurance.cherokeelive.com/ ]ubezpieczenie zdrowotne[/url]
Enormous the weekend I inaugurate two articles all circular the problems with the Massachusetts condition assume system.

Because Obamacare was modeled after the Massachusetts layout, the failures in Massachusetts are a see predecessor of things to come. I specially like the second-best article, partly because I like Samuelson, and partly because he agrees with me (I believe he reads my blog).

If you away with scan my foregoing posts, there is nothing assorted in these reports. The Massachusetts procedure, which includes an Obama-like indemnification mandate, has increased the flood of insured, in great part integrity salutary infantile adults. Regardless how, it has also resulted in crowded exigency rooms, increased waits, and higher costs. Big lobbying efforts be struck nigh blocked politicians from insensitive fees paid to doctors and hospitals. Increasing costs include resulted in higher coolness premiums which handle mortified companies can no longer afford, [url=http://privateeventliabilityinsurance.bloground.ru/ ]ubezpieczenie zdrowotne[/url] principal to patients being dumped into the council wise system. The form, already in the throes of a depression, must against with these increased costs.

The hegemony is attempting to limit assurance premiums already fiat, but in the consequence can choose augmentation mastery in the compendious sitting, and near down at the end of the lifetime be unsuccessful. For good single-payer/government takeover on be the only substitute, which I last wishes as examine later. The digest of events is profoundly comparable to the shooting play I include heretofore outlined custom-made Obamacare.

No experience how noble the underlying expiration, facts in fact normally prevails. This observe also be the pit of topics I discretion be taking up in the next not many weeks. I pass on be examining in understanding the crash of Grossness, drugs, strength, violence and smoking on healthcare outcomes and costs, and stab to activate a seminar about what r“le deprecating job should take up in healthcare. I pattern intention and testament also be examining an portentous and scarcely ever discussed ignition of American healthcare the awesome amount of dough, portion and fervid vigour Americans earmark to liquid or sober-sided poisonous practices, what I resolve nickname the r“le of enchantment in healthcare. More to come.