kapalmuks

Ang pinakamahirap lalo na sa katulad kong panggap na blogger ay ang magisip ng kung anong topic ang ilalagay sa entry na makikiliti ang mga mambabasa. 

Unfair talaga ang buhay, bakit yaong iba, sobrang dali makaisip ng topic at sakto pagkagawa nila ng entry, pagkaganda pa ng pagkasulat?

Bakit ang mga babae, katawan ko lang ang habol? pagkatapos ko sila paligayahin, iiwanan nalang ako sa isang tabi, walang saplot, parang namolestya lang.


Bakit kung kelan balak ko na magpakasal, rineady ko na ang lahat, saka sya kakalas at hahanap ng iba? uha uha...

Bakit nauso pa ang deodorant e ang dami namang anaps na may putok, edi dapat wag nalang nagdeodorant para fair sa lahat?

Bakit ako, gwapo, na matalino pa? kung pede lang sana ishare sa iba ang kagandahang lalaki ginawa ko na dati pa.

Bakit ikaw nagtatrabaho tapos yung iba inde, pero parehas lang kayo ng sweldo?

Bakit nalaos ang Friendster nung dumating ang facebook?

Bakit naadik ako sa mafia wars dati?

Bakit pinanganak akong dukha?

Bakit napagkakamalan ako ng iba na artista? nakakasama naman ng loob yon.

Bakit hanggang ngayon nahihirapan padin ako magisip ng topic na pede kong iblog?


Sige na nga, wala talaga eh, next time nalang ako maguupdate ng aking blog. Pasensya na zero ngayon.

31 comments:

EngrMoks | September 14, 2010 at 10:08 PM

Bakit ako, gwapo, na matalino pa? kung pede lang sana ishare sa iba ang kagandahang lalaki ginawa ko na dati pa. -hahaha ako yan ah!! hahaha

Null | September 14, 2010 at 10:37 PM

Bakit ang mga babae, katawan ko lang ang habol? pagkatapos ko sila paligayahin, iiwanan nalang ako sa isang tabi, walang saplot, parang namolestya lang. <--- ARTI LANG! LOL

Bakit kung kelan balak ko na magpakasal, rineady ko na ang lahat, saka sya kakalas at hahanap ng iba? uha uha... <-- WAWA

Bakit ikaw nagtatrabaho tapos yung iba inde, pero parehas lang kayo ng sweldo? <-- OUCH!!

Bakit pinanganak akong dukha? <-- WEH DI NGA?

Bakit hanggang ngayon nahihirapan padin ako magisip ng topic na pede kong iblog? <--MAMALIMOS KA KASI NG TOPIC

Anonymous | September 14, 2010 at 10:57 PM

Haha.. Nice. Bakit nga ba? Bakit bakit? Hehe..

Jepoy | September 14, 2010 at 11:05 PM

ang landi landi ng entry mo! CHE! Alam mo pre ganyan naman ang mga babae katawan lang natin ang habol nila. Matapos nilang simsimin ang ating katas iiwan nalang tayo sa isang tabi. hihihi

Sulat lang ng sulat, wag mong pilitin it will com naturally. Parang ako magaling mag sulat eh no. WTF!

Anonymous | September 14, 2010 at 11:16 PM

Unfair talaga ang buhay, bakit yaong iba, sobrang dali makaisip ng topic at sakto pagkagawa nila ng entry, pagkaganda pa ng pagkasulat? ~Aanhin ang magandang topic at magandang pagkakasulat kung laging ung nagsulat lang yung bumabasa? :P Look at your blog, marami na agad nagcomment.


Bakit ang mga babae, katawan ko lang ang habol? pagkatapos ko sila paligayahin, iiwanan nalang ako sa isang tabi, walang saplot, parang namolestya lang. ~ Ah wala akong maisip dito. Siguro kasi gusto mo naman...Haha!


Bakit kung kelan balak ko na magpakasal, rineady ko na ang lahat, saka sya kakalas at hahanap ng iba? uha uha... ~ Kasi "the best is yet to come."


Bakit nauso pa ang deodorant e ang dami namang anaps na may putok, edi dapat wag nalang nagdeodorant para fair sa lahat? ~ Nakakamatay.


Bakit ako, gwapo, na matalino pa? kung pede lang sana ishare sa iba ang kagandahang lalaki ginawa ko na dati pa. - Pag nagkababy ka na raw pwede mo na ishare yung magandang lahi mo.


Bakit ikaw nagtatrabaho tapos yung iba inde, pero parehas lang kayo ng sweldo? ~ Pero dadating yung time na sila hanggang dun na lang tapos ikaw aangat.


Bakit nalaos ang Friendster nung dumating ang facebook? ~ Kasi mas interactive si FB. With people getting busier everyday, they find it as a mean of reconnecting with people. Wala kasi news feed si Friendster :p


Bakit naadik ako sa mafia wars dati? ~ Nakakaadik naman kasi talaga. Anong level ka na?


Bakit pinanganak akong dukha? ~Para daw maappreciate mo yung mga small things pag super yaman mo na.


Bakit napagkakamalan ako ng iba na artista? nakakasama naman ng loob yon. ~Pang leading man or berwin meiley?


Bakit hanggang ngayon nahihirapan padin ako magisip ng topic na pede kong iblog? ~This one's good! Parang survey lang..Haha!

kikilabotz | September 14, 2010 at 11:35 PM

haha. bkit nga ba ang daming tanong sa buhay? ahaha. sir speaking of tanong may itatanong ka daw sa akin?

The Gasoline Dude™ | September 15, 2010 at 12:11 AM

Naalala ko 'yung isang nakilala kong Pinoy na nagregalo daw ng deodorant sa mga Anaps niyang officemate. Hindi daw talaga nila alam kung paano gamitin, akala nila nilalagay sa damit. Ampf.

Kanina ko pa iniisip kung sino kamukha mong artista. Nyahaha si Jay Durias ng Southborder ang naiisip ko. LOLOLOL!

YOW | September 15, 2010 at 12:33 AM

Paepal po.
Ta-ma! Ang hirapa nga magisip ng iboblog pero di ko pinipilit ang utak ko at pinipiga ng todo para maglabas ng isusulat. Haha. Bahala na siya. Pero bakit nga ang babae ganun? Amp. Haha

Anonymous | September 15, 2010 at 3:33 AM

Wahehe! Tama si roanne try mo mamalimos ng topic minsan,it can help! Hehe! Blog on!!

an_indecent_mind

gillboard | September 15, 2010 at 6:12 AM

Bakit ikaw nagtatrabaho tapos yung iba inde, pero parehas lang kayo ng sweldo?

- i can relate.. huhuhu

good luck sa pag-iisip ng topic. ako din minsan hirap dyan. minsan lang... kapal!! hahaha

2ngaw | September 15, 2010 at 7:47 AM

Hehehe :D Daming tanong, dito na lang ako sa nakakarelate ako "Bakit hanggang ngayon nahihirapan padin ako magisip ng topic na pede kong iblog?"

Tingin-tingin ka lang brod sa paligid mo, sa nakaraan, sa darating na bukas o kaya naman sa previous entry mo, kita mo ako kahit mga anonymous na posters sa prev entry ko eh binablog ko lolzz kaya walang kwenta eh! :D

2ngaw | September 15, 2010 at 7:48 AM

ay di nga pala ako tinamad mag login :D

Madz | September 15, 2010 at 9:34 AM

arte lang!

MiDniGHt DriVer | September 15, 2010 at 10:04 AM

wahahaha!

may tama ka parekoy, ang hirap magisip ng topic para sa ating mga nagpapanggap n blogger! :-)

Pirate Keko | September 15, 2010 at 11:54 AM

hahaha.. hindi mahirap maghanap ng topic.. sadyang hindi mo lang maisip kung ano ba ang dapat isulat hehe.

astig yan gwapo ka aman talaga eh ayii..
kwento lang naman papatalo ba tayo? :)

Raft3r | September 15, 2010 at 1:17 PM

nyahaha
agree ako sa deodorant
hehe

Pong | September 15, 2010 at 2:06 PM

hindi ka nag-iisa sa amoy na hindi malaman sir, mas masahol dito, hehehe

tsaka dun sa sahod madami din niyan dito.

lamang lang talaga tayong pinoy sa kagwapuhan este lamang ka lang talaga sa kagwapuhan at katalinuhan ahahahah

magdemanda ka ng rape sir sa bantay bata sa mga nagpasasa sa katawang lupa mo ehehehe

ganyan talaga sir ang buhay abroad, walang magawa parang ako lang.

be blessed sir!

chingoy, the great chef wannabe | September 15, 2010 at 2:42 PM

bakit mo kami ililibre sa dinner heheheh

bulakbolero.sg | September 15, 2010 at 3:42 PM

Mokong. ikaw pa to pre? sorry namali ata ako ng blogsite na napaskilan. hehe.

Roanne. bakit ka napa ouch dun sa sweldo? petiks ka no?

Leah. hindi ko din alam kung baket eh. haha.

jepoy. oo jepoy, ikaw na ang magaling magsulat. che din. :P

anonymous. hindi kaya kilala kita ng personal? parang nakakarelate ka sa buhay ko eh.

kiki. tungkol yung sa plano namin ni madz gumawa ng panibagong blog. bubuo daw nag team. sali ka. lol.

gasul. ampootah. si jay durias talaga? bawiin mo yan. di ako payag. lol.

yow. hanggang ngayon nga e, hindi ko pa din alam kung baket ganun ang gels. hehe.

aim. pede mamalimos ng topic sayo?

gilboard. uu, kaw na din ang magaling na blogger.

LordCM. san ba ko titingin? sa kaliwa o kanan? hehe. epal naman yung anonymous blogger sa site mo. haha.

muse. sino maarte?

midnightdriver. haha. panggap ka ba? e kadami mo ngang mga tula.

keko. tagal mo di nakabisita dito ah.

rafter. haha. oo kita ko nga sa post mo may tungkol din sa deodorant.

pong. ser. di na ko makapagdemanda ng rape, bigla nalang sila nawawala. be blessed din.

ching. kelan yan? di ko lam yan. haha.

Anonymous | September 15, 2010 at 4:36 PM

Bakit ang mga babae, katawan ko lang ang habol? pagkatapos ko sila paligayahin, iiwanan nalang ako sa isang tabi, walang saplot, parang namolestya lang.-->baka masarap ka, masarap magmahal lols~or masyado kang tinake for granted dahil mabait ka hahaha~~
Bakit napagkakamalan ako ng iba na artista? nakakasama naman ng loob yon.-->ikaw na ang mukhang artista,,pwede maging PA MO?hahaa

inhale exhale bukas makalawa may topic ka na pwamis...

ai suggestion:
ito topic
bakit mas masarap mag anonymous kung magcomment??
nakakatamad ba talaga mag log in?
or bakit wala kang topic pa hahaa.. ang adik lang~~


-unni-
ang tamad mag log in :P

Anonymous | September 15, 2010 at 8:40 PM

ang hirap magcomment ah.. mga piptin minits din akong naghhintay magload ang comment section...
hindi...
hindi naman ako nagrereclaim hahaha

ang dami mong tanong.. amtalinong bata! nyahahaha...
sa topic na maibblog.. minsan talaga ganyan.. may times talagang darating na walang kalaman-laman ang utak mo sa kung anogn isususlat mo.. feel na feel mong magsulat.. pero.. OLATS... hehehehe

wala na ko masabi.. wala rin ako maisip eh hahahaha

-YanaH-
(nahawa sa katamaran nyo ni unni mag log in)

Super Balentong | September 15, 2010 at 8:58 PM

bakit wala akong maicomment kahit gusto kong magcomment. bakit?

Anonymous | September 15, 2010 at 10:03 PM

natawa ako, zero pa to ng lagay na to ha? haha!

Anonymous | September 15, 2010 at 10:06 PM

natawa ako, zero pa to ng lagay na to ha? haha!

glentot | September 16, 2010 at 6:42 AM

Napupuno kasi ang isipan mo ng maraming katanungan na nakakapagpabagabag!

Bakit ikaw nagtatrabaho tapos yung iba inde, pero parehas lang kayo ng sweldo? - LOLZ aray.

krn | September 16, 2010 at 11:39 PM

zero pala to ha.. hehehe

Bakit nauso pa ang deodorant e ang dami namang anaps na may putok, edi dapat wag nalang nagdeodorant para fair sa lahat?--sana hindi na rin uso ang ilong. :P

gbert | September 17, 2010 at 7:34 AM

napadaan po at natawa.. hindi pa pala ito post.. baka bukas meron na.. aabangan na lang ulit. hehe

MiDniGHt DriVer | September 17, 2010 at 10:22 AM

tula tulaan lang yan. tula ng taong tulala.

ivanrhys | September 18, 2010 at 8:52 PM

"Bakit napagkakamalan ako ng iba na artista? nakakasama naman ng loob yon." - nice! hehe

goyo | September 20, 2010 at 6:19 PM

hindi masyadong mahangin ang entry na to..
nakakarelate ako sa sinabi mong napagkakamalang artista. hahaha.

parehas tayong panggap na blogger. hihihi.. yaan na natin ang mga tunay na blogger.. hehe..

saM | November 3, 2010 at 9:21 PM

Ang kulit nga ng topic mo eh. :p wala lang hehehe.

Tanong ko lang ha. Kaya mo bang wag magdyodorant??