Update

Ilang umaga at gabi na din ang nakalipas na walang update ang blog ko. Sobrang dami kasing trabaho ang kelangan matapos dito sa kimchi land. Bawat sandali na nakikita ko ang laptop ko, ninanais ko na magsimula gumawa ng draft para may maipaskil dito pero lagi nalang akong bigo. Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang egsayted ko magkwento kung ano ang nangyayari sa akin dito ay di ko alam kung paano ito sisimulan o dahil ba kahit nasa bahay ako e trabaho pa din ang nasa isip ko.




Karma.


Dati naniniwala ako na kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ay yaon din ang gagawin ng kapwa mo sa’yo. Ito ay ang law of equivalent trade ayon sa full metal alchemist. Ika nga: “What a man sows. He harvests. What a man gives. Same equal shall he receive.” Nagbago ang papanaw ko dito bago ako pumunta dito sa bansa ng mga kimchi. Meron kasi kong tropa na nakikitulog minsan sa bahay. Sa mga panahon na yon. Hinahayaan ko lang syang gawin ang gusto nyang gawin. Hindi ako ma-estima na tao, kaya kumbaga, bahala na sya sa buhay nya. Kumain, uminom, maligo, matulog, anuman gusto nya gawin, sya na bahala. Walang pakealaman, magfeel at home nalang sya.


Isang araw, kinailangan ko makitulog sa kanila dahil 5minutes lang mula sa bahay nila e airport na at sobrang aga ng flight ko papunta dito. Nahiya ako ng konti. Punong abala sya nung nakitulog ako don. Pati pagbitbit ng maleta ko na kaya ko namang hilahin e inoffer nya na sya na gagawa. Nakng pootek. Nakakaguilty. Pinakain nya pa pala ko ng hapunan at pinainom ng wine.




Korean fever.


Ano ang seyo?


Kung di nio pa alam, nandito ako sa bansa ng mga kimchi para magliwaliw este para magtrabaho at makatikim ng koreana kimchi (anupaba?). mag dadalawang linggo na din ako dito at medyo madami na ding mga bagay na tumatak sa isipan ko tungkol sa bansang ito.


1. Bakit nga ba maraming Korean sa korea? Walang halong biro. Parang bihira lang nakikita kong banyaga dito. Siguro sa 1milyong Korean, 1milyon dun Korean din. Haha.


2. Unang araw ko palang dito, naging emosyonal na ko. Aba e pagkaanghang ng kinain naming pagkain. Tulo lahat ng tutulo. Welcome Korea ika nga.


3. Napansin ko, naiiba ako sa kanila, wala pa kong nakikitang kalbo bukod sa pag tumitingin ako sa salamin sa apartment.


4. Nakakatawa din na kahit mukhang indian na indian na ang isang tao, pilit pa din ikaw sasalitain ng korea. Yung isang kasama ko ditong pana, sinasabi nya na “I can’t understand you” pero puro “anong sayo” pa din ang sinasabi ng mga tao, maparestaurant, taxi, mall, bus pa man yan.


5. Parang hindi rin nagpapalit ng damit ang karamihan dito. O siguro mayroon lang silang 10000 na ganung klaseng damit kaya parang ayun lang ang suot nila lagi?


6. Natuto na kong kumain ng seaweeds at kimchi. 3x a day na mayroong kimchi sa lahat ng pagkain nila. Di kaya sila nagsasawa sa lasa neto?


7. Hindi na ko nagpapauto sa panlabas na anyo. Madaming pagkain dito na masarap tingnan pero pag kinain mo na. wapak. Parang papel na binababad sa sabon. Lol


8. Sa opisina, first time ko na nakaranas na mas marami pa ang CR ng lalaki kesa sa CR ng babae, usually magkatulad ng bilang. Dito, 2 ang CR ng lalaki, 1 lang ang sa babae.


9. Sa bahay, natuwa ako nung mayroon akong 100+ na channels na nasasagap sa cable tv. Kaso mo, sa 100+ na channel na yon, 4 lang ang English. Lahat Korean channel. Akalain mo yon. Pagkadami dami ng local channels nila?


10. Sa simula e ayaw ko talagang pumunta dito, dahil tambak nga ng trabaho. Pero ngayon, medyo nag eenjoy na din ako sa pag stay ko dito. Masarap pala ang Korean sa Korea.


Madami pa sigurong iba na nakalimutan ko na dahil minsanan ko lang na naranasan. Next time pag naalala ko e iuupdate ko nalang dito sa blog ko.


Karangalan.

Salamat din pala ke LordCM sa nagbabagang blog award. akalain mo yon. anim na bwan palang ako sa blogospero eh nagkaaward na ko. \m/ salamat ser. sa uulitin. asan nga pala yung cash prize? haha. juk unle.




Hanggang sa muli. Takas lang etong update ko. [Trabaho mode on.]

16 comments:

Anonymous | October 7, 2010 at 12:53 PM

bwahahahaha. sa isang miliong koreano . hahaha

anong masarap ang korean sa korea? bastos ata naiisip ko
= kikilabotz

EngrMoks | October 7, 2010 at 12:55 PM

Welcome back! Balita ko napakamahal daw ng cost of living dyan? balak ko din kasi sa Korea magwork bukod sa SG,... antayin ko ang iba mo pang kwento...

Axl Powerhouse Network | October 7, 2010 at 1:03 PM

welcome back bulkbolero sa blogosphere!!
i love kimchi kahit na bawal sa akin yun whahah
ang alam ko 2 beses lang sila maligo sa isang linggo eh.
oo madami talaga local channel sa korean kaya ang dami nilang artista di ba?

The Gasoline Dude™ | October 7, 2010 at 1:10 PM

O ano, natikman mo na ba si Jang Geum? LOL! Padalhan mo ko ng autograph ni Sandara!

Madz | October 7, 2010 at 1:32 PM

hahaha ayun oh nag update na! aba matagal ka na pala dyan :) may balak ka pa bang bumalik sa SG o naeenjoy mo na ang mga koreana este kimchi pala..LOL

Anonymous | October 7, 2010 at 1:49 PM

an nyong haseyyo hahaha
ayun may update na...
mas marami kasing lalake sa kanila kesa babae kaya mas marming men's toilet...
sa tingin ko ha d sila gaano nagpapalit ng damit kasi feeling nila malinis pa yun unless nabuhusan ng kimchi ang damit nila or pag inamoy nila mabaho na talga hahaa,,
lol sa papel na binabad sa sabon hahaha.....

nga pala natry mo yung chili paste?sarap hahha~~~

-unni-

2ngaw | October 7, 2010 at 2:10 PM

edi pre nakakita ka na ng korean bug? ano hitsura? lolzz

At lolzz pa uli sa isang milyong korean eh isang milyon dun ang korean :D

Superjaid | October 7, 2010 at 8:44 PM

congrats sa award hehehe

basta ako patok saakin ang mga koreano dahil sa fashion sense nila at dahil ang cute cute nila hahaha

Jepoy | October 7, 2010 at 10:25 PM

Oist paslubong ko ha korean ahahaha! Uwi ka december diba! dala mo ko kimchi ahahaha

Anonymous | October 8, 2010 at 4:46 PM

di pako nakakatikim ng korean (food) ever. pwera lang sa lucky me jjamppong kung counted yun.

Pong | October 9, 2010 at 4:08 PM

nakelate ako dun sa number 7 parekoi
may mga students kaming mga koreans nun at may tutees din kaya kapag naghain sila ng pagkain hindi ka pwedeng tumanggi kahit anong sarap sa paningin iisa lang ang lasa karamihan,

pero mababait sila ipagpepray ka pa nga nila.

balita ko ang susunod na trip mo ay sa North Korea eh, ikaw daw ang susi ng pagkakamabutihan ng N & S Korea. hehehe

be blessed parekoi!

sein | October 12, 2010 at 12:19 PM

bulakbolero, ang saya talaga magbasa ng blog, gusto ko na rin magblog. hehehe. balik ka pa ba dito sa sg?

pusangkalye | October 15, 2010 at 7:30 AM

Galing!!!nasa Korea ka na talaga. at natuwa ako sa mga observations mo. Sa tinagal tagal kong nagtuturo ng mga Koreans napag-usapan na ata namin lahat pero diko alam yang mas marami pala CR for boys than girls...nakakatuwa. Ngapala...about the food. dodnt worry i think you will get the hang of it. good luck. hehehe

Sendo | October 16, 2010 at 12:59 AM

pictures naman!!! excited ako makakita ng pics!!!!!! hahahaa..weird talaga mga pagkain nila! parang sila lang nakakaintindi sa lasa! haha

glentot | October 19, 2010 at 2:16 AM

Gusto ko rin sana dyan sa Korea dahil marami rin akong nakilalang mga Koreans dati at may something na kakaiba sa kanila siguro dala ng pagkain ng maraming gulay at hindi pagligo araw araw hahaha...

Raft3r | October 19, 2010 at 6:28 PM

nyahaha
di ko kinaya ang tanong na bakit madaming koreano sa korea
hehe
panalo