Hinagpis
Ring ring… Ring ring… Ring ring…
Isang tawag mula kay Bok. Bok ang tawagan ng mga sundalo sa isa’t isa. Parang brader na din kung tutuusin.
“Bok, maghanda ka na” aniya
Hindi ko alam kung ano ang paghahandaan ko. Dahil sanggang dikit naman kami ni Bok, hindi ko na muna inalam kung ano yung dapat paghandaan. Magkikita naman kase kami at pede naming pag usapan ng personal. Basta sumang-ayon lang ako.
“sige bok” tanging nasambit ko
Ilang oras ang nakalipas.
Nagkaroon ng giyera. Hindi ko ito inaasahan. Wala akong kalaban laban. Hindi ako handa.
Pinipilit kong isipin kung ano ang hakbang na aking gagawin, pero wala akong maisip.
Natapos ang giyera na nakatanghod lang ako.
Wala akong ginawa. Hinayaan ko lang mangyari ang bawat pangyayari.
Walang kwenta.
Walang silbi.
Lumipas ang magdamag. Isang bagong araw na naman.
Bigla kong napagtanto ang mga katagang sinabi sakin ni Bok.
Ito pala ang bagay na dapat kong paghandaan.
Wala na… huli na ang lahat.
Tapos na.
Minsan… may mga pahiwatig na hindi natin binibigyang pansin. Binabalewala lang natin.
Darating na wala tayong sandatang dala.
Wala tayong magagawa kundi sumunod nalang sa agos.
Pagtapos na, saka tayo magsisisi.
Kung kelan possibleng hindi mo na maibabalik ang nakalipas.
----
Hango sa nangyari sa buhay ko nung kamakailan lang. Sadyang binago ang istorya para ikubli ang tauhan at tunay na pangyayari.
24 comments:
ang masama, nadale ka pa sa giyera ng wala man lang nagawa lolzz
minsan di lang natin talaga pinapansin ung mga bagay na dumarating sa atin, ang problema pa, ito na pala ang magpapabago sa magulo mong buhay, di mo lang pinansin kaya hanggang ngayon, nagrereklamo ka pa rin :D
ganun talaga ang buhay.... kala mo puro saya yun pla may lungkot rin pala..... :(
HALA! Anong nangyare? Haha idaan na lang sa inom 'yan!
ay anu yan parekoy? kala ko gumagawa ka na ng fiction story ^_^
Nice pumipiksyon writer...
Pero bro, kung ano man yung bagay/pangyayari na naganap sayo nang hindi mo napaghandaan alam kong papaglalampasan mo rin yun papi.
Tandaan mo na ang mga bagay/tao/pangyayari eh nangyayari nang may dahilah. For me, the reason would be the lesson that you will have to learn from that circumstance.
I really hope you learn your lesson, and all things will work together for good so. Dalangin ko na maging okay ang lahat. Yun lang naman papi.
God Bless!
Oo seryoso ang comment ko
Semi-fiction?
whoa....
PMA'er
kaya mo yan. just hold on never give up. share naman kung ano ang nangyari i want to know.
gnun po tlga ang buhay. nasa huli ang pagsisisi. pag huli na dun mo plang malalaman kung anu ang pinapahiwatig sa nila sa atin.. pero gnun tlga. but despite of all that life must go on....
hmmm...sino kaya yan si bok?
hmmm..hmmmm...
ang buhay ay parang gulong na minsa'y nasailalim at nasa ibabaw. ganyan ang life eh. kailangan lang marunong tayong lumaro :D
may new post ako. byaheng bus sa www.damuhan.com
minsan we need to let things be!
mahalaga ngang maging laging handa tayo sa anumang bagay...
hmm matalinghaga hindi ko magets ang buong scenario pero magandang lesson yan to always be vigilant at alert sa mga pwedeng mangyari... this sounds so serious parang nakakatakot hehehe
Lord. yon nga masakplap dun. kung natalo ka sa giyera ng wala kang kalaban laban.
Axl. may tama ka dyan Axl.
Gasul. kahit ilang inuman ata e ganun pa den. hehe.
Muse. pinalitan ko lang yung tunay na kwento. pero parang ganyan ng ikot ng storya.
Jepoy. wahaha. seryoso much? salamat sa advice.
Ahmer. Medyo?
Chingoy. whoa...ganun na nga.
Diamond. salamat. medyo di ko ata kayang ikwento yung tunay na storya.
Athena. ayan ang ayaw ko eh. bakit ba laging nasa huli ang pagsisisi. di ba pedeng after ng isang bagay na ginawa mo, may redo button?
Mj. bakit naman ke bok ka interesado? hehe.
Bino. tama ka dyan bino. go with the flow lang siguro.
Mayet. Mmmm.. tama nga yon. e pero panu kung hayaan mo lang yung bagay tapos sa huli ka mag sisi?
Jag. ang malufet dyan. may warning na nga ako. e di ko pa napaghandaan.
Glentot. malamang sa alamang e mahirap intindihin tong kwinento ko ng mga taong di naman sangkot sa istorya. subalit, tingin ko, kung sangkot ka dito, kahit ginawa kong iba storya, mabilis mo magegets. gets mo? lol. ang labo ko.
di rin naman kasi clear yung sinabi niya. "bok maghanda ka" sana spi-necify niya. hahahaa
@Ester. hehe. yun na nga eh.
la lang..just remember someone with the bok thingy...
Aww. Ang lalim. May pinaghugutan at nasad ako bigla. Ewan ko kung bakit? Haha. Pambihira! Kung sana nga lahat ng tao marunong tumingin sa pinapahiwatig sa kanila ng buhay... tsk.
eto naman ang sabi ni natalie merchant:
"Life is sweet in spite of the misery."
hindi masamang bigyan ng atensyon ang mga maliliit na bagay, lalo na kung pakiramdam mo ay may kaugnayan ang nangyayari sa atin, dapat boy scout lagi. laging handa, mapagmasid, bukas ang isip.
mj. ganoon pala yon.
yow. malalim ba? aktuwali di naman ganun kalungkot ang tunay na storya.
rafter. may tama si natalie merchant at may tama ka din.
Balentong. may mga bagay kase na di mo alam hint na pala yon.
. . . parang ganito yan eh. binigyan ka ng booty call ng syota mo. nataranta ka kasi nasa probinsiya ka nang mga oras na iyon. tapos, kasama mo pa ang buo mong pamilya kasi nga may occasion nang mga panahon na yuon. tumanggi ka. hanggang kinabukasan- nakatanggap ka ng message na break na daw kayo. wala eh. sayang!
(dont mind me. ice breaker lang.)
Post a Comment