Isang malaking tenk-yu
“… For dinner, I went out with Sven, Frank, and Jeremy who are all Swiss. Sven and Frank are from the German-speaking part of Switzerland while Jeremy is from the French part. We decided to eat in an Italian restaurant near Zytglogge which is just one stop from the hotel. The guys suggested we walk on the bridge instead of riding the tram, as we always do even though it's freezing cold. More snowflakes were falling from the sky, settling on our coats and umbrellas. I asked them, "I'm wondering, why is it that it's not as cold when it's snowing." Jeremy said, "Because it warms your heart."....Awwww, I guess he's right. (">) ”
Excerpt from my friend’s blog entitled First Snow in Switzerland
Walang snow dito sa gapore. Wala ding Turkey na handa sa hapunan. Hindi mo kailangang gumising ng maaga para pumila at makipagsiksikan para lang makakuha ka ng good deal tuwing black Friday.
Asa? E wala namang thanksgiving celebration dito.
Maswerte na din akong maituturing dahil kahit 1 time lang ay naranasan ko ang mga bagay na yan. Snow. Turkey. Black Friday sale.
Ito yung isa sa pangyayari sa buhay ko na pinagpapasalamat ko.
Nakakatuwa na may mga bagay na hindi naman natin ineexpect na dumating sa buhay natin, pero kaboom. Ayan na. kinakatok na tayo.
Marami akong dapat ipagpasalamat ngayong taon na to.
Na kahit matanda na ko ay gwapo pa din ako.
Na kahit mataba ako ay madami pa ding nahuhumaling sa katawan ko.
Na nadagdagan ang mga bansa na napuntahan ko.
Na may trabaho pa din ako.
Na bawat pag mulat ng mata ko ay kaya ko pa din tumayo at makipag talastasan sa aking mga kaopisina, kakilala at tropa.
Na kahit madaming pagsubok sa buhay ay nalalampasan naman.
Yon naman ang importante sa lahat… na bawat pasakit sa buhay may ligaya pa ding natatamo.
Sa bawat pagsubok, may karamay na lagging nandyan sa tabi mo.
At sa bawat pag-inog ng mundo, patuloy pa din ang paghinga.
Sa lahat ng kakilala, kaibigan, katropa, kapamilya at iniirog, Happy Thanksgiving sa inyong lahat.
====
Salamat at IT show dito sa gapore. Sana, makapag upgrade ako ng cam. Sana kayanin ng aking nangungulilang pitaka.
10 comments:
tamaaaaaaaaa.... dapat pa ring magpasalamat sa lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay,nagdulot man ito ng kasiyahan o kalungkutan. Dahil sabi nga, everything happens for a reason. :)
Na kahit mataba ako ay madami pa ding nahuhumaling sa katawan ko.--LOL
sana lahat ng tao katulad mo mag-isip, very positive :)
nakaka inspire naman ang iyong mga sinabi. dapat lang talagang magpasalamat sa lahat. for all the good things and the challenges pero nakatayo pa rin at nakakangiti.panalo
happy thanks giving papi!!!! Enjoy! bilhan mo ko ng pasalubong galig IT show
Naks.. Tama naman eh. Lahat dapat ipagpasalamat. Happiness, sadness, problems, life and blessings. Dapat lahat na yan binabalik natin sa nagbigay ang praise at pagpapasalamat. Amen. Haha. Happy Thanksgiving day. :)
Di pa ako nakaranas ng mga yun. Snow sa starcity lang :P
:P Salamat nalang at meron tayong tibay ng loob, tapang ng dibdib at kapal ng mukha.
Salamat din sa IT show at nakabili ako ng 1.5TB na external hardrive sa halagang portable na 350GB. Kasya na buong pamilya ako.
dpat nga po tayong magpasalamat sa lhat ng mga nangyayari sa atin.everything that happened in our lives has its own purpose whether good or bad....
carpe diem!
tama
lahat yan ay dapat pagpasalamatan
nandito na turkey mo
kelan mo kunin?
hehe
Haha! Nakakaaliw namang basahin tong blog nato! Marami talaga tayong dapat pasalamatan, yung mga maliliit na bagay na minsan na nating nakakalimutan at hindi binibigyang importansya until mawala na sila. So before that happens, magnify what you have. ;-)
Post a Comment