Get well soon \m/
Parang isang buong bwan na ang nakalipas mula nung linggo. Ang daming pangyayari na hindi ko inaasahan.
Linggo. Nagplano kami na magpunta ng batam para mag wake boarding. Sabado pala ang tunay na plano. Pero fully booked na. At bilang mapilit na gusto pa din magwake board ay nilipat nalang namin sya ng linggo.
Natuloy ang plano.
Masaya.
Nag-epal sa batam.
Masaya naman talaga hanggang sa…
Namali ng bagsak ang tropa ko.
Nabali ang femur nya. Sabi ni Mr. Google, yun daw ung pinaka matibay at malaking buto natin. At isang malakas na impact lang daw ang sadyang makakapagpabali dito. Awts.
Ayun. Naoperahan tuloy sya nung isang araw.
Ngayon nasa ospital pa din sya at nagpapagaling. Tulog ng tulog. Sabi ko sa mga bisita nya, pag tulog sya sa time ng dalaw pisilin lang yung hita nya sigurado magigising yun. Hindi ko alam kung may gumawa na, pero sa tingin ko epektib yun.
Pare. Pagaling ka agad! Magwewake board pa ulet tayo! Lol. Joke lang. food trip nalang tayo…
20 comments:
oi gusto ko matuto ng sports na yan skate boarding kahit na di ako marunong lumangoy heheeh :D
Nakanaman! Wume-weykbording! Ikaw na!
AStig yun ah.... weybording... sna mtuto ako nyan...
ah eto pala yun.. akala ko kung sino.. kung sino ka man na tropa ni parekoy, get well soon :)
yun lang! pagaling katropa mo parekoy :)
aw... yun lang.. gusto ko din subukan ang wake boarding kaya lang parang bigla ako natakot dahil sa nangyari sa tropa. pagaling sya parekoy!
Awww... Pano na lang ang wake boarding? Tsskkk.. Ingat talaga dapat kapag extreme sports.
kambal, kuha na tayo insyurans :D
Awww. Ingat next time. I'm plaaning to do wake borading sometime soon! :]
get well soon sa tropa mo :)
pang mayaman...
nakas naman wakeboarding na ang trip...ingat ka tol, at get well soon sa kanya...
kawawa naman ang tropa mo.nauwi sa operasyon... makakapagwakeboarding pa kaya siya ulit?saklap.
aww saklap pero ok lang yan masaya namang magwake board eh hahaha
awww sayang saya pa naman, tsk2
but anyway,
sana gumaling na friend mo agad
god bless
:)
Sarap, diba
Pero masakit sa braso at balikat pagkatapos
Hehe
How's your friend doing?
get well soon sa friend mo..
nice blog by the way..
thanks!=)
Skateboarding daw sabi ni Axl!
magkano wake board sa batam?
ang saya pa naman. anyway parehas kaming may bali at laman ng ospita. i can relate. pagaling siya.
Post a Comment