Si Pedro at Si Juan
Hindi lang pala ang ikahiya ng girlfriend mo na boyfriend ka nya ang masakit. Pati pala ang pagtatwa ng iyong tropa na tropa ka nya.
Scenario…
Ring ring…
Juan: Yow!
Pedro: Pare, samahan mo naman ako maya may imemeet lang ako.
Juan: Sige, bihis lang ako.
Pedro: Sa MRT nalang tayo meet.
Juan: Okidoks.
Ilang oras ang nakalipas.
Pedro: Nene si Juan, Juan si Nene.
Nene: Kaibigan mo?
Pedro: Kaopisina ko.
Awts.
Napaisip si Juan na wala namang masama sa sagot ni Pedro kase magkaopisina naman talaga sila. Subalit, pede namang sumagot ng Oo lang si Pedro.
Minsan hindi mo rin pala masasabi na tropa mo o kaibigan mo na lahat ng nakakasalamuha mo sa buhay. Kahit pala madalas mo silang kasama sa laro, inuman, kabalastugan at kulitan e possibleng inde padin tropa ang turing sa’yo. Ganun talaga yata ang buhay, madami kang nakikilala pero bihira lang ang nagiging tunay na kaibigan.
26 comments:
kninong istorya ito. hahahaha. sayo to noh?
-kikilabotz
wahha ang kulit... tama nga naman... at may point ka din.. di mo rin masasabi na kaibigan mo ang isang tanung kakilala mo lang :D
Tama ka. Iba iba ang lebel ng salitang 'kaibigan' para sa bawat tao. Akala mo tropa mo na, kakilala lang pala ang turing sa'yo. Hehe.
baka nasabi lang. importante, ung treatment nyo sa isa't isa ay totoong magkaibigan.
uu nga noh? pwede namang simpleng oo lang ang isagot. siguro di nya tinuturing na friends un. gatong lang hehehe
ouch sakit naman nun..haaay pero ganyan talaga ang buhay may mga taong di ka maaapreciate sa kabila ng lahat ng pinagsamahan at nagawa mo sa kanya..
true story?
baka naman nabigla lang....hmmm ewan ko din.
sakin parang wala lang pag nakarinig ako ng ganun. ayoko masyado paapekto ako rin lang ang mabobother.
gnun tlg cguro..may mga taong hindi masuklian ung level ng attachment sa level ng attachment na pinapakita mo sakanila
my mga gnung sitwasyo tlga. akalamo kaibign turing pero hnd pla...uliulit lng saibng comments.hehehe
madalang ang tunay na kaibigan
sad but true
hahaha... ikaw to parekoy... kaopisina o kaibigan? hehe
Sensitive much? Pero kung siguro ako 'yan eh kukurot din 'yan sa puso ko lalo pa't kung sobra kong na-eenjoy at tine-treasure ang pagkakaibigan namin.
sensitibo ka sire?! Hindi halata! LOL yung cheezwiz mo dala ko na! LOL
oo naman ganun tlga
. . . baka naman may lihim na relasyon si pedro at si juan at ayaw ni pedro na makahalata si nene. hmmmm-
pag inisip mo masakit nga. ano ang dahilan bakit kaialangan talagang sabihin na kaopisina.
Baka naman wala namang masamang intensyon yung pagpapakilala sayo. Ako rin minsan even if im super close to my officemates to the point that I classify them as friends, minsan napapakilala ko rin sila as "officemates" sa ibang mga friends ko. Pero wala naman saken yun, just stating a fact. Wag ka na ma-emo about it.
Baka di naman niya sinasadya o disoriented siya pero hindi ka niya sasamahan ng ganun kung hindi naman kayo magfriends di ba?
big deal much? hihi
Ganun talaga yata ang buhay, madami kang nakikilala pero bihira lang ang nagiging tunay na kaibigan. <-- totoo 'to!
hehehe.. big deal sakin yung mga gantong pangyayari..ewan ko ba.
Baka kasi, ang tingin ni Pedro kay Juan ay.. more than a friend... hindi nya lang maamin sa harap ni Nene haha
better to go through life accepting that some friendship are made to last and others will be more fleeting.
masyado k anaman..
malay mo.. gusto lng niyang mas specific yung pagpapakilala nya sau...
kasi since magkasama naman kayo, redundant na naipakilala ka pa nya na kaibigan nya... gets?
kaya wag ka na magtampo
Vice Ganda: Nene si Juan, Juan si Nene.
Nene: Kaibigan mo?
Vice Ganda: Hindi! kagalit ko! Kaaway ko nga toh e!
pakkkk!!!
^^ natawa ako dun kay Ewan. hahaha! =)))))
wag mo na masyado isipin sir, baka ano lang,baka ganon lang. ayun! haha.
Post a Comment