What if?
Sana nagsundalo nalang ako.
Natutong humarap sa hamon ng buhay ng buong tapang.
Naging handa ano man ang kahihinatnan ng laban.
At willing na mamatay para sa minamahal.
Sa buhay kong ito, kanina ko lang nalaman na ang dami ko palang naiwan na ‘what ifs’.
Ang daming realisasyon na nabuksan dahil sa magandang pakikipagtalastasan sa isang kaibigan.
Masaya din palang isipin yung mga bagay na paano kung ganun nga ang nangyari?
Paano kung lahat ay naayon sa iyong kagustuhan?
Paano nga kaya?
Siguro walang emong tao ngayon.
Hindi ako sundalo.
Tamad akong gawin ang nakaatang para sa akin
at duwag akong humarap sa realidad ng buhay.
Ngayon, ang dami kong naiwan na katanungan.
Imahinasyon nalang ang makakasagot kung ano ba talaga ang kalalabasan ng ‘sana’.
Pero bakit ganun?
sumubok naman ako…
sumugal pa nga ako…
Ginawa ko ang lahat.
Pero hanggang ngayon…
May ‘what if’ parin na lalambi lambitin.
27 comments:
Sabi nga nila; hindi yung mga bagay na pumalpak ka ang dapat mong pagsisihan, kundi yung mga bagay na hindi mo sinubukan..
may tama ka dyan pareng goyo.
hanga pala ko sa mga sulatin mo. ikaw ay idolo ko na.
TAMA ka goyo... mas magandang alam mo sa sarili mo na ginawa mo ang lahat kasya sa isang bagy na di mo ginawa!!
the present, is more important, because there is something you can change today, to make a difference for tomorrow =)
Yung mga "what ifs" na yan ay pampagulo lang sa buhay. No choie ka na rin naman kasi nga di ba hindi mo na nagawa? Ang isipin mo na lang eh yung ngayon at kung papaano tuluyang makakaiwas magkaron ng what ifs sa buhay mo :)
carpe diem!
kung ano ang dumating at manyari dapat tanggapin ika nga WHATEVER GOD DOES, HE DOES IT SO WELL...
lahat naman tayo may what ifs sa buhay, eh
ang importante sa susunod alam mo na kung ano ang dapat i-grab at i-sugal
=)
mga ganyang katanungan ang mahirap labanan kasi naman sadyang may ugali ang mga tao na hanapin ang mga bagay na wala sa atin..
your so emoness and all that shit! LOL
haaaaay THE BIG WHAT IF...
lahat sana...
just choose to live...
nothing's to late to find all those what if's..
punta ko SG sa bday ko! ^_^
nothing's to late to find all those what if's..
punta ko SG sa bday ko! ^_^
too* late
hindi perpekto ang buhay. maraming mga what ifs. pero tandaan natin na we have no mistakes but only lessons to be learned
Ganon talga. Para masaya :D
Napadaan lang.
bulakbolero, anong gagawin mo o irereak mo pagsinabihan ka ng "you are my biggest what if"? - dead star :P
u can still do the things that u regret to do in the past.
may oras pa tol. sumugal k nga, sumubok ka nga pero hindi siguro lahat ginawa mo.kasi kng gnwa mo lhat..wala k ng what ifs..
kaw mismo ang pwedeng tumuldok sa mga ktanungang bumabagabag sau.
kaya yan.aja!
Kuya bulakbolero kung yung ibang what if's na nakalambitin ay kaya mo pang gawin gawin mo. Or mas maganda wag mo ng isipin pa yun mga what if's na yun. Look on the brighter future ahead of you and focus the present. Appreciate things and people around you.
Sabi nga ng iba live your life to the fullest.
Sana may sense yung sinabi ko.hehehe :)
Sadyang nasa huli tlaga ang pagsisisi...but I think it's not that late to patch things up right?
At least sumubok ka, yun ang mahalaga. Kung nandiyan pa rin at binabagabag ka pa rin ng what ifs, eh di deadma na lang. Haha.
kuya, nasabi na nila lahat, wala na kong maidadagdag pa. haha!
lahat tayo pre ganyan, may gustong balikan at pinagsisisihan, pero ang mas maganda parekoy iwan mo na mga what ifs na yan, focus ka sa hinaharap
normal 'yan. lahat may katanungan, at lahat ay may sagot.
Ang mahalaga makakapag umpisa ka ngayon. dahil ang nakaraan ay wla na. masarap lang pagkwentuhan pero hangang doon na lang
Hindi ka nag-iisa sa what if na yan. Pesteng what if na yan. hehe joke. nakiemo din?hahaha
we can't avoid these what ifs especially kapag tayong subukan ang isang bagay dahil sa napakaraming restrictions na dapat din namang i-consider. But if we have this chance, this single chance to try things out, go and do it para wala nang mga what ifs in the future. gudlak sa atin! :D
minsan sa pagkakamali at sa mga tanong dun mo makukuha ang sagot at success ng buhay... ingat parekoy
Post a Comment