Kopi Break atbp.
Kopi Break.
5 minutes? 10 minutes? Madalas ganyan lang kaiksi ang kopi break sa opisina. Sinusulit na nga to ng karamihan, precious time kumbaga. Yaong iba nga sinasamahan ng hithit-buga. Lalo na pag toxic ang trabaho mo, kelangan mo talaga ng kahit panandaliang break para makapag relaks relaks.
Ibahin nio ko. 30 minutes, 45 minutes at minsan pa nga e 1hour ang kopi break ko. Routine ko na to pag 11am. Hindi naman sa wala akong ginagawa sa opisina. Nagtatrabaho pa din naman ako madalas pag nagkokopi break, sumasagot ng email, nagsusuport sa tawag ng user at nagrurun ng mga background jobs para pag balik ko galing kopi break ay tapos na.
Nagsimula lang naman to nung nagfile ng resignation yung isang tropa ko dito sa opisina. Halos wala na ata sya magawa nun, kelangan nya lang iserve yung 2months notice. Kaya yon, sinasamahan ko sya sa mahabang kopi break para magkwentuhan lang ng mga kung anu anong bagay. Minsan e tungkol pa nga sa trabaho yung usapan namin, kaya considered as work related pa din (makapagdahilan lang). lol
Kaya ngayon, ayon na ang nakasanayan ko gawin.
Kaso mo, maiiba na naman lifestyle ko neto. Last day na ng tropa ko nung Friday. Nagpadespedida pa nga sya kagabi. Dami food. Yown. Lalong tabatsyuy na naman ako.
Ayun tuloy, kaninang alas-once… dito lang ako sa cubicle ko. walang kape kape. Work mode lang. kalongkot din pala pag nabago ang nakasanayan mo.
====
Ubo Ubo.
Sobrang ubo ko ngayon. Puyat at pagod pa ko galing sa party kagabe. Ako na ang aso, kahol ng kahol. Ang sama ng pakiramdam ko ngayon araw. Gusto ko umuwe ng bahay ng maaga.
====
Scavenger mode.
Takte, di ko alam na hanggang sa feb 28 nalang pala ang contract namin sa bahay na tinutuluyan namin. Kahapon ko lang nalaman. Hindi pa ko nakakahanap ng lilipatan. So how? Saang kangkungan kaya ako pupulutin?
Dami ding nangyari sa bahay na yon. Mamimiss ko din yon. Huhuhu. Ako na ang emo. :P
17 comments:
nagchachat ka lang sa YM eh! joke hehe
pwede ka naman sa kalsada matulog, sterile kasi kalsada sa SG hehe..maghanap na! dun ka na kina jepoy ahw hehe
uminom ka lang ng maraming tubig o kalamansi at magpahinga after work. yun lang. i hate ubo much haha
pede bang mag soft drinks kapag coffebrak? hehehe.. joke lang
madalas din ako magcoffe break at bukod pa jan ang yosi break.. aba ginagaya ko lang ang mga bosing dito.. hehehe...
magsama nalang kau ni jepoy sa haus diba naghahanap din sya malapit sa probinsyang opis nya?
hmmm.. sa toa payoh kaya?! hehe
- jake
pag hnd mo lubayan kaiinum ng coffe, magkaka nerbyos ka.. hehe! try mo juice.. gud aftrnun..
HIndi ako nagkokopi break...15 mins lng kc at nakakatamad pumunta ng canteen o kya sa vending machine kasi ang layo sa work station ko...
get enuf rest, plenty of water and inom ng gamot para mabilis gumaling ang ubo...
Haha pareho tayo, lately i'm swamped with work kaya wala na ring break break. Kung meron man, nakaupo nalang din ako sa cubicle nagpapahinga habang nagbabasa ng email habang umiinom ng kofi or kumakaen ng quick lunch. Anyway, get well soon! :) Tama na ang kakakahol. Ndi year of the dog ngayon, hehe.
pagaling ka papi. nomnom ng madaming tubig. Sa ilalim ka nalang ng MRT tumira para makatipid.
dito din sa min break kung break hehehehe. kahit madaming ginagawa hawak mo oras mo. pwede ka pang matulog hahahaha
pacheck up ka na para mawala na yang pagkahol mo. at wag ka na malungkot. makakahanap ka din ng bagong tropa jan sa workplace mo. :)
napadaan lang.. buti kapa hawak mo oras mo..haisstt.hirap magworkpag limitado ang break mo..nakakapagod..
hahaha break?
good luck sa akin... pag nagbreak mga kasama ko hindi nabumabalik... hahaha
kaya yun naiiwan ang trabaho sakin
kaya pag ako nmn ang nagbreak patay sila... gulo sa laboratory...gantihan lng yan...
Kung ayaw mo sa Toa Payoh, pwede din sa Bugis. LOL!
ako buong linggo ng coffee break! wala akong ginagawa buong araw lang nakatunganga sa pc ko,kakabagot na.wala pa akong makausap haay....
nakiepal po!
KAPE + YOSI = DABEST.
Hehehe. Ngayon ko lang din nalaman na hanggang Feb. 28 lang. Goodluck parekoy, at ingat na din.. Sarap magbackread! :D
oh, san kana nakalipat?
dito na lang kayo sa mali bay
mura pa upa
hehe
ingat!
Matulog ka nal;ang sa tabi ko, anopletch!
http://akosicinderella.wordpress.com
kape tapos may kkwntuhan ka? Wala ng tatalo s pk randam na yun. Sarap hehe kaso aun lang wala n pla ung kakwnthan u po.. Auz lang un..
Post a Comment