Liham Para Sa’yo
Soulmate,
Kamusta ka naman dyan? Alam ko mahilig ka magbasa kaya malamang nagbabasa ka ngayon. Siguro binabasa mo ngayon yung mga paborito mong akda. O hindi kaya nagbloblog hop ka. Possible ding itong liham ko ang binabasa mo.
Gusto ko lang naman sanang magpasalamat sa’yo na dumating ka sa panahon na nalulumbay na ko dito sa Singapore. Hindi ka naman naging payaso para pasayahin ako, pramis! Siguro, kelangan ko lang din ng soulmate at dumating ka.
Patawad na din pala sa pag-gamit ko ng term na soulmate. Hindi ka naman kase nagrereak pag binabanggit ko to, bagkus e tumatawa ka lang. Bilang mapag-feeling, Inassume ko na baka okay lang naman sa’yo na tawagin kitang ganito. Kung ayaw mo, e palitan nalang natin… sabihan mo lang ako. Naisip ko nga, Jodi nalang kaya ang itawag ko sa’yo? Naks! Napansin ko kase may pagkahawig kayo ni Angelina Jodi este Jodi Sta. Maria pala. At malamang di naman ako nagkamali, kase nung tinanong ko sa’yo kung may nakapagsabi na neto sa’yo, sabi mo meron naman.
Ano nga ba yung panama ko sa may kamukhang artista? Wala malamang! Pero dahil feeling ako. Sige na nga, papatulan ko na yan. May kamukha din naman akong artista ah… Si idol bearwin meily. Yahoong yahoo. Hehe.
Nga pala, di pala ko mahilig magbadminton. Di nga ako marunong non (yata) pero sige pag nag-aya ka, sasama ko. Pwede naman siguro maging audience lang don dba? Sa tingin ko kase mas enjoy kung bumili nalang tayo ng isang gallon na ice cream, magkwentuhan sa mga bagay-bagay, pagtawanan yung mga nabasa nating nakakatawa at maging madrama sa mga emo na sulatin. Tapos, hindi natin namamalayan ubos na pala yung isang gallon ng ice cream na kinakain natin. Hangtakaw lang.
Okay din siguro na tumakbo nalang tayo. Tingnan natin kung matatapos mo yung 5K. bonding na din yon di ba? Tapos pag di mo na kaya, edi bubuhatin nalang kita. Ang sweet kaya non. Nilalagam na nga ako ngayon sa pwesto ko habang sinusulat ko to. Sorry, Adik lang.
Sige hanggang dito nalang muna siguro. Baka masyado ka ng mahabaan sa sulat ko, ang sabi mo pa naman sakin natatamad ka magbasa ng masyadong mahaba. Baka tamarin ka at di mo pa mabasa to. Kaya ayown.
Ingat parati. Miss you.
Ang iyong feeling Soulmate,
bulakbolero sa singapore
20 comments:
oo nga, wag na badminton at di kayo makakapagkwentuhan, di makakapag hawak kamay, at least pag ice cream may dilaan at pag takbuhan may pawisan :D
happy balentayms pre! :)
miss na ang tinutukoy sir? kasarap nga namang kumain ng icecream kesa magbadminton.. tama si sir lord. may dilaan.. :)
gandang araw po sir..
Ahahahhahaah nampota natatawa ako sorry!!! Lika nga dito papi bubuhusan kita ng chizwhiz ang keso mo...para-paraan ka!!! Ikaw na my first base!
tae sa isang galong ice cream~~~
ikaw na ang inlab din wakuku~~~
hmm takbo nlng kesa magbadminton lol,,,
viva~~
Yun oh lumalab letter na din! At may petname na kagad! :))
- jake
hahahahahahahahahha dami kong tawa dito...ang tam-is talaga!!! mukhang tinamaan si parekoy, at nakakapag post nang ganito...LOL
sana sumagot si soulmate hehehe
ang pinagkaiba neto sakin eh nag-eexist na to oh..yeeee..officemate mo? nilalanggam me much....^^ nakakahawa daw kalandian mo tweet ni gasul hehe
hahaha bearwin meily talaga? lol.
leche! tapos na valentines ah! ineextend pa! wahahaha!
kagatin ka sana ng malalaking langgam na pula! :P
Ligawan 2.0 hahaha. Kilig to the bones naman ako, post balemtayms love letter! hahaha
sino kaya si soulmate? haha:)) chumismis bigla. wahaha:)) sana meron pang susunod na update ang letter na 'to. :)
anu nga kya sagot ni soulmate?
ang tindi ng pagka-keso mo..nakakahawa.haha!go lng ng go.
ang daming gumagawa ng open letter ngayon ah hehehe =)
sana sumagot si soulmate =)
oo0ps! nilalanggam na tong bahay mo! =)
nakakainggit.
belated happy valentines. :)
Woot woot! Ang sweet! At parang kilala ko na si soulmate! Chumismis pa daw ako? Haha! Sana may happy ending ang love story na to.
; )
in love na to...
baka mahilig din sa photographt ang soulmate mo, masayang activity yan!
weh?! may ganon?! :D
Inlove! ahaha. Mukhang nakakita ka na ng soulmate dyan sa SG ah.. Goodluck! :)
Post a Comment