[repost] Sweet and Spicy

 

gusto kong suportahan yung pakontes ni GB kahit di nya sinuportahan yung pakontes ko. LOL. nagtanim lang ng hinanakit? haha. joklang naman.

 

nakalagay sa pakontes nya, kailangan daw yung pinakamaganda mong naisulat sa blog mo, pero wala naman ata akong naisulat na swak. kaya kahit ano nalang.

 

etong isasali ko ay eto yung unang tumatak na post ko para sakin bilang bloggero. kase medyo madami ang nagkumento kaya natuwa naman ako. kaya gusto ko lang balik balikan.

 

\m/

 

kaya eto na po ang lahok ko sa pakontes ni GB.

 


Sweet and Spicy

May akda: Bulakbolero sa sg

Unang pinaskil: June 3, 2010.

 

 

 


Madalas tayo mag bigay ng bansag sa mga tao. Nagbabansag tayo dahil minsan gusto natin na pasikreto natin silang pinaguusapan.

 

Dito sa opisina, nagbansag ang tropa sa isang kaopisina. Pinangalanan namin syang… Chilli Padi.

 

Si Ms. Chilli Padi ay isang tyaynis, isa sya sa piling piling pwede dito sa opisina. Sya ay maputi, may katangkaran, balingkinitan ang katawan at may paka madaldal.

 

Bagamat dapat ang bansag ay sinesekreto lamang, alam ni Chilli padi na tawag namin ito talaga sa kanya. Medyo hindi nga lang sya sang-ayon dito.

 

Alam kong nag aagam agam sa inyong isipan kung ano ang chilli padi (paki basa ang nasa baba).

 

 

Chilli padi

From Wikipedia, the free encyclopedia

Chilli padi (Malay: cili padi) are tiny little fiery chillis normally in red or green color, also known as bird's eye chilli in English. This type of chilli can be found in Malaysia and Indonesia but most commonly in Thailand, where they are known as phrik khii nuu (พริกขี้หน), which translates literally as "mouse shit chiili". Although small in size compared to other types of chilli, the chilli padi is relatively strong at 50,000 to 100,000 Scoville. Malaysia consumes about RM140 million worth of chillies each year.[citation needed]

See also: African birdseye

 

 

Tinawag naming syang chilli padi kasi maanghang sya, mainit pala, ay hot pala… basta yun na un. Bagamat hindi naman ganun kalakihan ang kanyang alam nio na yon hinaharap, mayroon sa kanyang pagkatao na para bagang mahuhumaling ka. Kumbaga sa Hayskul layf eh, kras ng bayan ang dating.

 

At dahil normal na nilalang lang naman ako siempre kabilang ako sa hilera na humahanga sa kanya.

 

Kahapon may pinagawa sya dito sa ofis, pagkatapos ko ito tapusin, nagemail sya sa akin ng ganito ‘thanks! Told you you are the best! Hahaha’ nabiro ko sya na bakit ba lagi nya kong inuuto.  At eto ang sagot nya ‘No la… I never bluff you. Really!’ Edi si ako, turn ko naman para magpacute, sabi ko sige kung best pala ko, dalhan mo ako ng cookies dito sa opisina pang merienda. Weakness ko kasi talaga ang cookies at mababaw lang talaga akong tao. Lol. Bigla ko tuloy namiss ang binebake ni eksmunchkins. Sabi nya sige daw, anong klase daw ba. Sabi ko. Nibibiro ko lang sya, tinetest ko lang kung mabait sya. At doon natapos ang paguusap namin.

 

Kanina, pagpasok na pagpasok ko palang sa pintu, tinatawag nya ko. Medyo hindi ko sya agad napansin kasi may hawak akong kape at kelangan ko itong ipatong sa cube ko. Normal routine ko kasi sa umaga e dumaan muna sa vendo machine bago pumunta sa cube. So yun na nga, punta muna ko sa cube ko para ibaba ang kape at iboot ang PC ko. Mga siguro 1 second to be exact, nagulat ako nasa likod ko na sya… may dalang isang lata ng chocolate chip cookies. Waaaah… bigla akong natunaw. Hindi ko akalain na seseryosohin nya. E ako pa naman ang tao na pakiramdam ko lagi na teenager ako. Nyahahaha… So yun na. Nalaman ko na sweet pala sya. Sinabi ko to sa kanya… at ang sabi nya…

 

 

Now then you know I’m sweet…

=p

 

 

Hayst… ngayon ko lang nalaman ang tunay na kahulugan ng sweet and spicy… Pootek. Para talaga kong HS. Ganito pala ang tama ng pagiging blogger. Nahihigh ako sa ka kesohan. \m/

 


***salamat ke google sa imahe na nasa taas.

12 comments:

Anonymous | December 8, 2011 at 10:37 AM

naks! nasurprise si bolero! pahingi ng cookies

Anonymous | December 8, 2011 at 2:38 PM

eeeiikkk... hehehe

YOW | December 8, 2011 at 5:15 PM

Hindi mo pa ako reader nung napost mo to. Hahaha. First time ko nabasa. Ikaw na nga! Haha. Nasundan pa ba ang abutan ng cookies? LOL

Roh | December 8, 2011 at 7:41 PM

hasyskul life! ^^

Unknown | December 8, 2011 at 10:02 PM

nakakatuwa nman! haist missing HS life...

gillboard | December 8, 2011 at 10:19 PM

may pangongonsensya?! hahaha

i remember this post. one of the first ones i read sa blog mo.

salamat sa pagsali!!! :D

Sendo | December 9, 2011 at 3:28 PM

chaks...ngayon ko lang to nabasa...andyan pa ba siya> haha...sweet and spicy pa rin ba? o panis na? hehe..hi teenager!

Traveliztera | December 10, 2011 at 4:27 PM

ahahahahahha kileg na kileg a!!! :P
onga parang hs lang! simpleng bagay, kileg na!

sweet and spicy cookies o

bagotilyo | December 11, 2011 at 12:32 PM

bulakbolero did it again .. ayeee..


kakakilig nga to..
hehe..

goodluck :)

bien | December 12, 2011 at 4:13 AM

Paps, napa-cookieng-inamo ako habang binabasa ko to hahaha


So, sweet and spicy pa rin ba hanggang ngayon or bitter na?

Unknown | December 12, 2011 at 2:00 PM

Sweet naman.. mwuah mwuah..

jeniffer | December 13, 2011 at 2:26 AM

goodluck sana manalo ka jan sa pakontest na yan :)