Random post lang
Minsan, hindi mo naiisip napaplano mo na pala yung buhay ng ibang tao ng di mo namamalayan… masarap mag plano. masarap may isasama ka sa pagplaplano, subalit kainaman, ang saklap kung yung isinasama mo sa plano mo ay wala naman palang interes sa plano o isama ka sa mga plano. Kaya para sakin, mas mainaman na sumunod nalang sa agos ng buhay.
Bago na nga pala ang kumpanya ko dito sa SG nung January 3 pa. Medyo bago sa akin yung ibang bagay. Sana mas oks to kesa sa dati kong work.
Bumili ako ng planner, nagaya ako sa mga katwitter ko (gaya-gaya lang talaga ko). Kainaman yan, ilang araw lang ako nagsulat di ko na ginagamit ngayon, sobrang dami kaseng kelangan gawin sa trabaho (pero tinatamad lang talaga ko).
Nagkaroon ng bijoke ang mga pinoy bloggers dito sa SG. Ang gagaling nila kumanta. Dyahe putek. Pero ayun, ang saya.
Pagkatapos ng kantahan may unteng kwentuhang naganap sa mga bloggers. At anu pa ba ang pag-uusapan? Edi tsismis. LOL. Joke. Ang tanda ko lang nagkaroon ng konting pa-exam yung isang blogger. Enumeration, ang mga tanong: (a) magbigay ng mga adult content na bloggers. (b) magbigay ng mga magagaling na blogger mapa english o tagalog (c) magbigay ng listahan ng mga bading na bloggers (d) magbigay ng mga blogger na haligi na ng ganitong larawan. LOL. Siempre may joke lang dito sa sinulat ko, hulaan nio nalang kung alin sa nabanggit.
Nung naghiwalay na ang lahat, naginom pa kami nila Owen at Sam. At anglufet, ang dami kong nasagap na balita. Kainaman lang.
Lilipat na naman kame ng bahay ng mga tropa ko dito sa March. Ang hirap magview ng bahay. Gusto ko sana sa malapit na sa City (maranasan man lang), pero sakin, sunod lang sa agos, kung san lang gusto mga kasama ko, ako nalang mag-aadjust.
Para sa’kin, ayaw ko talaga yung tinatawag nilang positivity. Di din ibig sabihin neto na pabor ako sa mga laging negative na tao. Ang sakin lang, parang bakit mo pipigilan ang sarili mo na sabihin yung bagay na alam mong mali o alam mong ayaw mo para lang mapanatili ang positivity na tinatawag na yan? Kainaman! Lahat ng bagay, may pambalanse ika nga (sa opinion ko lang naman ‘to).
Ayown. Tama na ‘to kung anu-ano na lang talaga ang nasasabi ko. Salamat sa pag tyatyagang magbasa tulog na muna ko, sobrang napagod ako sa activities ngayong weekend. \m/ Happy Birthday pala bukas, Carla (mukhang di mo naman to mababasa, pampapadagdag lang ga ng characters sa blog entry, LOL)