don't give up
“remember the reason why you are running”
Wala akong balak gumawa ng entry ngayon pero nabago ito nung nabasa ko yung entry ni Marvin.
Sa tipikal na usapan ng pagtakbo, nahilig ako dito dahil sa dalawang magkasalungat na dahilan.
- nagiging stress reliever ko ang pagtakbo. Sa tuwing may problema ko, mabigat o hindi man, asahan mo pag-uwi na pag-uwi ng bahay, ilalapag ko lang yung bag ko at tatakbo na ko. Natuto ko tumakbo mag-isa para mapawi lahat ng iniintindi ko.
- isa sa aktibidad naming magkakakabarkada ang pagtakbo. Wala kaseng pinipili ang sports na ito. Mapamatanda-bata, mataba-payat, lalaki-babae ay pwedeng tumakbo. Kaya tuwing magkakaroon ng time na magsama sama sa isang activity, eto yung karaniwang sinasalihan namin.
Malaki ang natutulong sakin ng pagtakbo. Ilang marathon na din ang aking nasalihan. Sisiw na nga sakin ang Full marathon (42KM), joklang to! Ilang kuko na din ang namatay sakin dahil sa pagsuot ng maling sapatos at ilang pagkapagod na din ang aking natamasa matapos lang ang pagtakbong aking sinasalihan.
Sa aspeto ng buhay sabi nila, life is a marathon. Tulad ng pagtakbo o pagsali sa marathon ang buhay ay,
Sa simula: madaming agam-agam. Di natin alam kung handa ba tayong sumuong sa pagsubok. Mayroon tayong pagtatanya kung gaano ba kalayo ang kaya nating tahakin. Kung anong ruta ang gusto nating salihan. Kung lalaban ba tayo.
Sa mismong karera ng buhay: hindi natin matantya kung napasubo lang ba tayo. Kung susuko na ba tayo sa pagsubok na to. Kung mapapanindigan ba nating tapusin o sa gitna ba ng laban ay aatras nalang tayo bigla? Mapapagod, hihinto (magpapahinga) at mag-iisip... Kung hindi ka duwag, itutuloy mo ang laban.
Sa finish line: hindi ka man manalo. Hindi man ikaw yung kauna-unahan na nakadating dito. Ramdam mo ang mahalaga, nagtagumpay ka sa sarili mong paraan. Yung tipong atleast sinubukan mo. Yung lumaban ka, natapos mo yung hamon at nagkaroon ka ng bagong karanasan. Nasukat mo ang kakayahan mo sa pagkakataong ito. Diba iyon naman talaga ang mahalaga? The sweetest thing ika nga…
Kaya ngayon, bukod sa linyang “para kanino ka bumabangon?” Siguro maari na din nating isama ang mga katagang, “remember the reason why you are running” para matantya natin kung kelangan na ba nating sumuko o hindi sa karera ng buhay.
16 comments:
The reason why I keep on running? Family
ganda ng message!
“para kanino ka bumabangon?” at “remember the reason why you are running”
nakakatanggal ng ng stress ang pagtakbo.
Ang ganda ng analogy mo.
Sa umpisa mapagod pero kapag narating mo na ang finish line, alam mong pinagpawisan mo talaga.
Happy New Year SG
Pwd din jan yong 'Para kanino ka tumatakbo' hehe! naalala ko tuloy ung buhosan ko ng sama ng loob, busy na siya sa buhay-buhay, sa kanya ako tumatakbo or nagkukwento pag masama ang loob ko and evrything, need ko siya ngyn pero haist.. busy siya, nahihiya ako.. haha! bakit ganito ang comment ko, wala ako sa lugar hahaha! sorry bolero.. takbo lang ng takbo, makakabuti yan sa health mo.
@J.kul: nagbabalik ka na? yehey! welcome back!!
sa mga tumatakbo ata sa marathon makikita nio yung sign na remember the reason for running.
Pareho kayo ni Daily Panda na mahilig magtatatakbo :D
saludo ulit ako sa words of wisdom ..hehehe
:D
Ang ganda ng post na to. Simple pero rakkk! Ganyan.
Feel-good post baga at seryoso ako.
nakana naman o. i love the analogy. hehe apir!
kailangan ko na talaga atang gayahin ka!!! hahaha i need to run for my health!! lol sige pagiisipan ko yang mga reasons mo uupdate kita sa blog ko!! hahahaha
katatapos ko lang ding basahin yung post ni kuya melvin. at tulad ng blog nya nainspire din ako sa post mong to.
di ako athletic but i really wanna try running. sana magkaroon ako ng pagkakataon para makatakbo.
parang may pinanggagalingan brader, mukhang you,re at a crossroad, hope ud keep running & would never give up, see u at the finish line!
ganda nito, ah
almost convinced me to start running
hehe
bday pala ng malibay ngayon
greet mo naman kami
hehe
thanks!
btw, happy chinese new year!
antayin mo tikoy mo
pindala ko na
hehe
pareho tayo sa explanation no.1 mo...tumatakbo din ako pag emo mode ako...gusto kong pagurin ang sarili ko para pag uwi sa bahay wala na me chance mag-isip at bagsak na me sa bed ko...
kaso di ako makatakbo ngayong panahon...nakakabrain freeze dito ngayon! hehehe
nice another inspiration :)
andami ko iniintindi ..gusto ko tumakbo!~ nakakainspire to ah...pati rin ung post ni rah...pero 42 k? saka na haha
Post a Comment