So-called-life

8:16am sa orasan ng phone ko. Ang tagal ng inaabangan kong bus. Mahigit 10minuto na ko dito. Magsulat na muna ko dahil di ko naman 'to magagawa sa opisina.

Ang dami kong kelangan pag-aralan ngayon. May project na ako ang naatasan pero wala akong background kung panu ang systema. Dami ko pang meetings na kelangan attend-an. Halos mapuno na ang Kalendaryo ko ngayong pebrero. Panu na ang balentayms? Kainaman yan.

Isang linggo na ko nag-uuwe ng trabaho sa bahay pero di ko naman maharap. Pagod na ko lagi pag-uwe.
Sobrang busy sa paghahanap ng lilipatang bahay. 1week na kaming nag ha-haus hunting ng mga tropa ko.

Dahil sa pagkabusy sa trabaho at paghahanap ng bahay, 2weeks na ko di nakakalaba ng damit at nakakapamalantsa. Bukas makalawa wala na kong susuuitin at papasok nalang akong hubo't hubad kunwari makiki-isa ako sa oblation run.

Pero gayunpaman, nakakatuwa na pag stress ako nararamdaman ng mga tropa ko dito. Si pareng eric pumunta sa bahay kagabi kasama ang anak nyang si meg, nagdala ng bakwa dahil chinese new year daw (gong xi!). Si pareng welner naman, nag aaya magkape (kasama pareng jack at paul) mamaya dun sa kapehan ng tropa after ng work nung sa yishun pa ko work. Baka daan muna ko dun kung may haus hunting nga kame maya.

Hirap mastress. Lalo dumadami ang kaen ko. Kainaman.

8:34am na sa orasan ng phone ko. Halos kasasakay ko lang ng bus patungo sa opisina para sumabak sa madugong trabaho. Kakayanin 'to! I just need to remember my reasons why I keep on running... \m/

Good Morning Ya'll.

16 comments:

Leo | February 1, 2012 at 9:28 AM

Hang in there. Matatapos din yang episode na yan and everything will just go back to normal.

Madz | February 1, 2012 at 9:31 AM

Gud morning parekoy :D

Sabit lang ako sa comment ni mars Leo. Kapit lang.

Mauubos din ang gabundok mong lalabhan at magkakaron ka rin ng time for valentine's day. Ay wait, e di ba sa calendar mo wala pa namang sched sa 14? :D

Unknown | February 1, 2012 at 9:50 AM

parang naransan ko na eto ah at ang gnda nman ng paniniwala mo na "why i keep on running"
go on lang pre...

kikilabotz | February 1, 2012 at 10:19 AM

dapat kasi nanlibre k ng pumunta ka dito eh hehehehe

Anonymous | February 1, 2012 at 11:21 AM

go lang!

POWER!

:))

khantotantra | February 1, 2012 at 12:36 PM

mukang busy ka sir, pero keri mo yan.

wag masyado paka-stress, dapat may stress reliever... Maglaba ng pa-isa-isa. :D

YOW | February 1, 2012 at 4:13 PM

Random ulit? Joke!

Kaya mo yan! Good luck Kuya. God bless.

Superjaid | February 1, 2012 at 6:09 PM

medyo mahirap ngang maghanap ng malilipatan but then makakahanap din naman kayo eventually tiis tiis lang. at maglaba ka na. kait paunti unti hehehe

bien | February 2, 2012 at 1:38 AM

Good Morning Y'all? hmmm very coniotic!


So kumusta naman ang 900sgd na renta sa room?

tabian | February 2, 2012 at 4:26 AM

When the going gets tough...go lang ng go!! :D

blessing yan kaya we should be thankful..:)

iya_khin | February 2, 2012 at 8:13 PM

parang gusto kitang imaginin sa oblation run..ay kaputeeeeeee!! yiii!

Anonymous | February 3, 2012 at 12:05 PM

ewan ko lang sa nawala lahat ng emo comments ko dahil sa comment ni ate iya. so pano yan? dalawa na kaming magiimagine sa iyo sa oblation run?

sulong lang ng sulong. kaya mo yan.

Anonymous | February 3, 2012 at 1:45 PM

ang hirap lang talagang malate

bagotilyo | February 3, 2012 at 4:33 PM

keep on running :) hehehe

Raft3r | February 3, 2012 at 11:11 PM

hehe
ang buhay nga naman, ano

happy weekend

sana may nahanap na bagong lilipatan
otherwise, sa mali bay madami
mura pa
hehe

Mak Ata | February 9, 2012 at 3:49 PM

that's life....parang buhay...