inuteel inside

Ginaya ko lang ang post ko ngayon sa entry ni pareng Jojo. Bigla lang kaseng nakatipusan ko mag isip ng subject na pipiktyuran ngayong pagkagising ko.


Taliwas sa nakasanayan ko nung nag-aaral pa ako ng ballpen lang ang dala ko pag papasok sa eskwelahan, ngayong nagtatrabaho ako sa SG ay parati akong may bitbit na bag. Siguro dahil na din lagi akong nauutusan bumili ng kung anu-ano na pang lahok/sahog sa lulutuin ng gabi at gusto kong maitago ang kilo ng manok at repolyo o anupaman na hindi maitatago sa bulsa, kaya nagdadala na ko ng bag ngayon. LOL. dyahe kaya na naglalakad na may grocery na bitbit. Lalo na pag utusan ka bumili ng malaking suka at toyo sa orchard at para makauwe ay sasakay ka ng MRT.

Pero ano nga ba ang kadalasang laman ng bag na bitbit ko araw-araw?





1. creative wireless headset+mic
2. tutbrush
3. tutpaste
4. nalgene water bottle
5. carabiner
6. post-it pad
7. eclipse mint candy
8. broken TNF ID lace
9. 1TB WD harddisk
10. Iphone charger cable
11. passport
12. bolpen
13. SD card
14. portable iphone charger
15. ampao
16. my ID in my last company
17. HK octopus card
18. extra MRT card (w/nets)
19. extra MRT card

ayun lang... minsan may nadadagdag pero madalas yan ang laman ng bag ko dahil bihira naman din ako mag-ayus ng bag.


sige liligo na ko. may masat session pala ako ngayon. nagpahome serbis ng masahista.

8 comments:

khantotantra | March 11, 2012 at 2:38 PM

handami mo namang MRT cards. sabagay, yan ang instant access for transpo :D

nomadicmillionmonks | March 11, 2012 at 5:35 PM

ampao? para san ang ampao?
pambigay sa namamalimos? 0_0

Superjaid | March 11, 2012 at 5:44 PM

haha ako super dami ng laman ng bag puro pa kalat haha =D

Anonymous | March 11, 2012 at 10:53 PM

ako rin kaya magshare ng gamit sa bag, hehehehe

:))

AJ Banda | March 13, 2012 at 11:53 AM

nacurious ako sa kung ano yung octopus card.. :p

at bilang isang dakilang mang-uumit at mang-aarbor ng ballpen.... "AKIN NA LANG PO YUNG BALLPEN NYO -- PLEASE" :))

Anonymous | March 14, 2012 at 2:04 AM

bkit my ampao? para sa namamalimos? :D

Raft3r | March 15, 2012 at 8:31 PM

pareho tayo ng kulay ng tbrush
hehe

bakit wala kang payong
ang boyscout laging may payong sa bag
hehe

Sendo | March 21, 2012 at 3:52 AM

like them..nagtataka rin ako for what ung ampao hehe..answer please haha