it's not the place it's the people


Magpanggap na travel blogger daw muna ako.




Noong biernes ng gabi (April 13) hanggang kagabi (April 18) ay dumayo kami sa Taiwan, kasama ang mga tropa.






Para sa akin, hindi ko ganoon ka trip ang taiwan. Sa mga Asian country na napuntahan ko, Japan parin ang best para sa akin. Subalit, ang importante naman talaga doon ay yaong pakiramdam na naexplore mo yung lugar, nadiskubre mo yung culture ng ibang bansa at yoong nakapagbakasyon ka sa trabaho. Bonus pa ang mga kasama mo sa byahe.


Sumatotal, masaya ang naging bulakbol ko sa bansang ito.








Nagfood trip...pero di taiwanese food. kainaman.



Pero nagfood trip din naman ng taiwanese food.



Nakakita ng mga wirdong pagkain.




Naswerte din pala kame sa lugar na pinag-stayan namin. Nakamura kame kase nagrenta kame ng isang buong apartment na may tatlong kwarto at dalawang banyo. malaki ang apartment sa aming anim. kaya sulit. Isa sa okay doon ay libre ang pick-up namin mula aiport hanggang bahay. maasikaso yung may-ari ng apartment. may wheels sya na pwede kayong magpatour at mas mura kesa sa normal na van rental ang singil. Isang nakakatuwa ay, noong tinour nya kame, pinagbaunan nya pa kame ng pagkain (walang singil), kasama ang mainit na tinapay sa breakfast. may dalawang bisikleta din sa bahay na pwedeng gamiting kung gusto mag bike w/in taipei. Libre din pala yung wifi sa bahay. Kung sino man ang pupunta ng taipei, highly recommended ko yung apartment na nakuha namin. \m/ Mayroon silang site, pede kayo dumalaw sa blog na 'to (Taipei Apartment). Nasa babang larawan yung kwartong tinulugan ko at banyo.




Ayown lang. mahirap pala mag travel blog. LOL. Hanggang sa muli... 

Bulakbol's next destination Bali, Indonesia.



41 comments:

KIER | April 19, 2012 at 11:50 PM

Where else did you go?

bulakbolero.sg | April 19, 2012 at 11:56 PM

Kier halos SEA karamihan.

Diamond R | April 20, 2012 at 1:59 AM

galing.

Anonymous | April 20, 2012 at 2:46 AM

will definitely try the apartment. :) ayos!!!

rona | April 20, 2012 at 3:12 AM

Galing din kami ni asawa jan sa Taiwan nung December pero di ko nakita yung mga weirdong pagkain na yan. Sayang! Haha.. Salamat sa pagbahagi mo. Infairness, dalang dala mo ang pagiging bulakbero. Ikaw na!

Si Ningning nadalaw dito. Dalawin mo din daw sya.

www.athomeakodito.blogspot.com

Poipagong (toiletots) | April 20, 2012 at 7:36 AM

naks, buti nahanap nyo ung apartment for rent. Ung nakasulat sa starbucks na cup, pangalan mo daw un? :P

bulakbolero.sg | April 20, 2012 at 8:19 AM

Galing taiwan? Lol. Piz.

bulakbolero.sg | April 20, 2012 at 8:20 AM

Ayos. Sulit ang babayad pag sa kanila nag-stay.

bulakbolero.sg | April 20, 2012 at 8:21 AM

Dalang dala ba? Gusto ko nga sana parang pakwento ng nangyari, pero di ako marunong. Lol

bulakbolero.sg | April 20, 2012 at 8:22 AM

Nag google lang ng mga apartment para di na maghotel, sakto nahanap to.

Pangalan yun ng may-ari ng bahay, sya umorder ng kape.

zeke | April 20, 2012 at 9:48 AM

bulakbolero! :)

gusto ko lang makita sa taiwan yung Taipei101.. at in fairness mukhang masarap ang food.

malinis ba dun?

bulakbolero.sg | April 20, 2012 at 9:54 AM

Masarap naman ang mag pagkain Joe at Malinis din ang taipei.

khantotantra | April 20, 2012 at 10:16 AM

saya naman ng taiwan trip.

yung ice cream na parang poo-poo, yun ba yung resto na CR ang theme?

Nakakatawa din yung pagkain na mukang ....

bulakbolero.sg | April 20, 2012 at 10:34 AM

Gelo, oo sa modern toilet resto yan

McRICH | April 20, 2012 at 12:08 PM

para palang isang malaking binondo ang taiwan, pero mas malinis at maayos na binondo, anlaking tipid pala nung apartment na nakuha nyo, meron pa palang mga ganong tao sa mundo na hindi mapagsamantala.

aantayin ko naman yung sa indonesia!!

TAMBAY | April 20, 2012 at 1:49 PM

kadaming gala. magandang pagkakataon para alisin sa isip ang trabaho at problema ukol dito.

kainaman nga sir.

magandang araw po :)

Unknown | April 20, 2012 at 1:58 PM

ang swerte nyu sa natgil nyu n place at mukhang mlinis yun lugar...
mukhang msaya ang tour nyu....
sulit....

YOW | April 20, 2012 at 2:01 PM

Wow. Ang ganda nung place. Parang good idea nga yan kesa mag-hotel. Teka, may tourist spot ba sa Taiwan?

bulakbolero.sg | April 20, 2012 at 2:09 PM

Yung taipei, medyo mukhang binondo nga. Swerte nga nakita namin sa net yung ads ng apartment.

bulakbolero.sg | April 20, 2012 at 2:12 PM

Kainaman istambay. Long time no see ah. Oo, nakakarelax ang pagtratravel.

bulakbolero.sg | April 20, 2012 at 2:12 PM

Masaya at sulit kanton.

bulakbolero.sg | April 20, 2012 at 2:13 PM

Yow, oo meron ding tourist spot sa taiwan.

Anonymous | April 20, 2012 at 2:43 PM

Ansabe ng linafang natin na foodie ni uncle? Hahaha! Pabaon ni misis yun para ndi sya magutom. =P. super naenjoy ko ang taroko gorge! At ang kaepalan ng birdie girl! Hahahaha sayang naubusan kyo nung special waffle.. :-p

bulakbolero.sg | April 20, 2012 at 2:58 PM

Mian, oo pabaon ata ke uncle yung mga pinakain nyansa atin. Lol!

Anonymous | April 20, 2012 at 10:05 PM

sarap naman! malamig ba hanging dyan???

bulakbolero.sg | April 20, 2012 at 10:06 PM

Malamig den

Superjaid | April 20, 2012 at 11:22 PM

top asian destination din sa akin ang japan kahit di ko pa napuntahan. haha

nakakainis parang ang daming nagbabyahe ngayon na blogger ako stuck sa bahay. tssss

bulakbolero.sg | April 20, 2012 at 11:34 PM

Byahe na jaid kahit bulakan lang. Piz. Lol

bien | April 21, 2012 at 3:13 AM

ay coldstone! tseh

LOL

bulakbolero.sg | April 21, 2012 at 8:12 AM

Bien, ben and jerrys pa den. Lol

mots | April 21, 2012 at 1:37 PM

ang mahalaga, naka-pasyal ako. ako hindeeeh!

aliw yung mga weirdong food

bulakbolero.sg | April 21, 2012 at 1:50 PM

Pasyal den ser mots

iya_khin | April 22, 2012 at 1:28 PM

wow!!! naks patravel-travel ka lang ha!! saya ng buhay!!

bulakbolero.sg | April 22, 2012 at 2:59 PM

Minsan para sumaya kelangan mag libang at maglibot libot. Hehe

Leo | April 23, 2012 at 5:56 AM

Mukhang exciting ang travel na ito. :) Ganda rin ng mga pictures.

bulakbolero.sg | April 23, 2012 at 8:21 AM

Oo, exciting leo.

AJ Banda | April 23, 2012 at 9:59 AM

wow.. gusto ko rin magtravel-travel ng ganyan.. kakaexcite :) pero gaya nga ng sabi mo na di ang place ang masaya sa lakwatsa kundi yung bonding nyo with your kasama....

bulakbolero.sg | April 23, 2012 at 11:21 AM

Kumokonyotik ka AJ ah. Piz

david.edward | April 23, 2012 at 11:01 PM

ikaw rin ang gala!! pasalubong! ;p

bulakbolero.sg | April 24, 2012 at 9:35 AM

Dried mangoes muna

Unknown | April 26, 2012 at 4:08 PM

Uy saya naman! sana makapunta din ako jan, pag nakapag SG nako...