E ano daw
Dahil wala naman ako magawa sa eroplano kanina at gaya-gaya ako. Eto daw yung listahan nung mga gusto ko sabihin sa mga tao na bahagi ng buhay ko. Eto ay pinasimuno ni aia sa blog nya pero muling binuhay ni salbe at biglang nabuhay ule.
1. Andami ko pagkukulang at pagkakamali sayo. Gusto ko sana bumawi pero bigla ka nagpakasal sa iba. Gayumpaman. Natauhan na ko, at alam mong ikaw ang naging dahilan kung bakit ko natutong pahalagahan kayong mga babae.
2. Pangarap ka nalang talaga.
3. Sa larong tinatawag nating buhay, kailangan nating matutunan na pahalagahan ang bawat bagay. Isipin ang bawat hakbang. Magtiwala.
4. Salamat.... Sa lahat lahat.
5. Idol kaya kita.
6. Sabi mo nga pag tunay na kaibigan, kahit di magka-usap ng matagal magkaibigan paden. Kaya yon pass na muna ko. Pag kailangan mo naman ako andito ako parati, pangako yan. Sa tingin ko ngayon, di mo naman ako kelangan saka tapos na misyon ko, naging espesyal ka ule sa mga kaibigan mo. Natutuwa ako, Ok na lahat.
7. Hindi talaga ko kumportable kumausap sa mayayabang na tao, pasensya na. Lalo na kung ang pinagyayabang mo e puro hangin lang.
8. Woi! Ayusin mo yung trip sa cambodia. Inam yan. August 18-20 ako pede.
9. Nakakatuwa na kahit ym nalang yung komunikasyon natin mula nung college, e kahit papaano e kinakamusta mo pa rin ako. Mababaw talaga kong tao. Yun lang masaya na ko.
10. Woist! Masarap ba ko? Nakailang ulet ka e. sabi mo patikim lang. Lol!
11. Marahil hindi ako magaling. Wala akong kwenta, at walang kahit anu paman. E yun naman talaga ko. Di ko tinatanggi.
12. Gusto ko talaga tumulong. 100% pero wala ako magawa naiipit ako.
13. Natatawa ako sa sarili ko paminsan. Sobrang baliw na ata ako. Kahit ginawa mo lang ako taga dala ng tripod, binasted ng makailang ulet pero pag nagrequest ka. Inam... Eto ako nanginginig pa.
14. Tagal na pala natin di nagkita at nagkausap ano? Naalala lang kita ngayon. Bigla ko namiss kagaguhan natin dati sa sm mega. Lol. Chix hunting tayo dun. Tapos i assess natin kung pang ym ba na may webcam o pang chat lang. Lol!
15. Alam ko nakukulitan ka na sakin sa palagian kong pag sabi sayo ipasok mo ko dyan sa kumpanya mo. Please.. Ulitin ko ule ngayon. Gusto ko talaga kase magtrabaho dyan sa tate!
16. Kainaman yan. Tumatanda na ba? Hehe... Ang rayuma nadadaan lang sa takbo, salamat pala sa pagiging tropang tunay, lalo na pag may problema kame e ikaw gumagawa ng paraan para magkita kita tayo at gumaan man lang pakiramdam.
17. Gusto ko talaga magtayo ng bar. Pautang. Lol!
18. Nalungkot ako, bigla ka nalang nagbago.
19. Sorry... Lagi ako tumatanggi sa imbitasyon. Di naman sa tumatakas o nagtatago, may mga bagay lang talaga na di talaga pede.
20. Hirap pala netong listahan na 'to. Pero ayan natuloy naman pangako ko na gagawa din ako.
Ayown lang. \m/
15 comments:
Natauhan na ko, at alam mong ikaw ang naging dahilan kung bakit ko natutong pahalagahan kayong mga babae. - ayos to
ouch lang 1 & 13
at yun no 10 aus tikim lang pero nkadami...
thumbs up sa 11 & 16
nice one d2 "alam mong ikaw ang naging dahilan kung bakit ko natutong pahalagahan kayong mga babae"
gusto kong isipin na ako 'yung number 7 pero muka namang malayong mangyari 'yun, no? tingin mo, ser? making an ASS out of U and ME. lol!
numero uno lang ang kilala ko dito ah :))) sana mabasa niya :P
itayo na yang bar na yan!
^^account pla ng kapatid ko nagamit ko :)))
gusto ko din gumawa ng ganito pero hindi umaabot ng 5 ang mga sasabihin ko..lol
hmmmmmmmmmm...
nawindang ako sa 10 may tikimang naganap. hehe
sama ko sa cambodia. libre?=D wahaha
natawa naman ako sa #10 :p
ikaw na magbabali!! kung tama nga ung basa ko sa airport code ng food mo :p hehehe.. enjoy!!
Napakamalaman talaga ng mga anonymous cherla na itey. Hehe. :) Nakakatuwa magbasa!
Woist! Masarap ba ko? Nakailang ulet ka e. sabi mo patikim lang. Lol! <<<< isa ka na bang lutuin? kelangan kang matikman? lols.
madaming blogger ang may ganito recently.... gusto kong gumaya-putomaya. :D
Akala ko ang original rule e mga bagay na gusto mong sabihin sa mga taong kakilala mo pero di mo masabi. HAHAHA. Nag-iba na ata. Kasi di naman mahirap sabihin yung tungkol sa Cambodia trip. Hahaha. Epal lang me. Gusto ko din gawin to, kaya dapat malinaw sa akin ang rules.
pangarap nalang kita! assuming lang ako! lol
Nung una ko tong makita sa blog ni Aia, ang tagal tagal na. Pero parang ang saya gawin lalo na't cool ang mga sagot ni Aia. Kaya yun binalikan ko at ginaya ko. (:
Ay gusto ko din gumawa ng ganito kasi madami akong gustong sabihin sa iba't ibang nilalang. LOL.
Post a Comment