Taj Mahal attempt = Failed
Pagkatapos kong ma-i-book
ang ticket ko pa Nepal at malaman na may halos 16hours na transit time yung pauweng
byahe ko mula Delhi to SG ay naeksayt akong planuhin ang pagpunta ko sa Taj
Mahal. May nabasa kase akong artikulo sa net na isa yung Agra na City na kelangan mong mabisita bago
ka mamatay dahil na din sa Taj mahal.
Ayon sa artikulo dito,
ito daw yung listahan ng mga Cities na kelangang bisitahin bago daw matapos ang
misyon natin sa mundo. Bilang bulakbolero, siempre gusto ko din sila madayo.
Ang mga syudad ay ang mga sumusunod.
Rome, Italy – wala pa talaga kong
plano pumunta dito. Baka pag yumaman nalang ako.
Agra, India – at eto na nga ang
Agra. Simula nang nalaman kong mahaba-haba ang transit time ko sa India, naisip
kong kumuha ng transit visa para makapaglibot at siempre makita na din ang Taj
Mahal. Tinanong ko agad si Jaki tungkol dito dahil alam kong nag Taj Mahal na
sya. Di ko inaasahan ang magiging sagot
nya, sarado pala ang Taj ng gabi. Wala din daw kwenta kung di ako makakapasok
sa loob ng gate. Medyo nalungkot ako pero wala na ko magagawa. Yun lang talaga
yung oras na pwede ako sa India. Sabi nya pede din naman daw mag New delhi
nalang. Madami naman daw pwede puntahan dun. Okay na din sakin ang ganun.
Bilang si eks-munchkins ay na-onshore sa delhi, sya naman ang tinanungan ko ng
mga pwedeng puntahan. Ayon, ginawa kong guide yung mga lugar na sinabi nya at
nagresearch na din ako sa net ng mga pwedeng puntahan.
Dumating ang araw na nag transit ako sa New Delhi. Kakaiba ang nasaksihan ko
hindi tulad ng inaasahan ko. Maganda ang Delhi Airport, malawak, malinis,
progresibo. Paglabas ng airport, ayos din naman. Kahit sinasabi ng lahat na mag
ingat ako dahil delikado dun, hindi ko ito naramdaman. Nagrenta ako ng taxi
para sa aking pagbubulakbol. Nagkasundo kami ni Kuyang Taxi driver na
kokontratahin ko sya sa halangan 1.5K Indian money sa buong paglalakbay ko. Mabait
si kuyang taxi driver. Hindi nga lang sya ganoon kagaling mag english. Pag may
hindi sya naiintindihan sa akin, laging ”next topic” ang sagot nya. Lol. Para bang
iwas pusoy. Naging tour guide ko na din pala sya, sinasamahan nya ko sa mga
tourist spot at pilit na pinapaliwanag kung ano ang mga iyon, sa limitadong
english na baon nya. Natuwa ako. Mga 10:30 ata ng gabi, nagutom si kuya, habang
naglilibot libot ako, bumili sya ng street food. Paglapit ko sa kanya at
tinanong ko kung ano yun, sabi nya potato daw. Inaalok nya ko. Pero dahil
mukhang binabad sa curry yung patatas, tumanggi ako.
Dahil mabait naman si
Kuya, sabi ko kain nalang next stop. Nagtake out ako ng KFC at kumain kami sa may
India Gate. Hangsweet lang diba? Lol.
Sumatotal, napuntahan ko lahat ng mga lugar na nakasulat sa naresearch ko,
pero dahil gabi na yon, halos sarado na ang karamihan. Ayos lang. Ang mahalaga
yung nakita ko at naeksperience.
Masaya ang naging travel ko sa New Delhi. Maiksi pero sulit. (note: malabo pala ang mga larawan kase gabi at fon lang gamit ko.)
Next bulakbol? wala pa. come
what may.
12 comments:
Gusto ko ng Indian food. Pero mukhang magugutom ka sa india haha. inggit. gusto ko din pumunta ng India. :P
Onga ung iba sa listahan, pag Europe mahal talaga. :P
Base! lol
astig naman.. mayaman talaga ang bulakbolero. Hehehe Ako din mag iipon na ako para mapuntahan lahat yan.
kaka request ko lang ng India blog meron na!
Transit trip ka pala. Na excite akong mag India kahit ayoko ng pagkain nila. Yung nasakyan kong cab driver last weekend indian sya na nanay ang dami nyang good words about visiting india. Mag hahanap ako ng kasama mamasyal sa india hindi ko kaya mag isa ahahhaha.
Na miss ko mag basa ng mga bulakbol blogs mo.
Yung patatas ni Kuya Cab driver parang nababad nga sa Curry. Can not.
More travels and more stories to tell sa'yo. Go!
sayangs at di mo napuntahan ang taj mahal pero oks lang yun, atlist nakatapak ka na sa india. ANother check sa mga bansang nalakaran mo. :D
yung listahan mo ng mga bansa, pang mayamans, pero mukang mapupuntahan mo din yans :D
ikaw na mayaman!! hehehe!
papi, nung masilayan mo ang taj, naluha ka ba? gusto mong ma-inlab uli?
ay fotah, di ka pala nakapasok ahahahahaha.
honestly speaking, wala akong balak pumunta ng india. if ever my mag-aaya sakin pag iisipan ko ng mga 10 times and make sure na magiging okay ako. lol. hindi ko kaya ang amoy, ang pagkain (arte! hahaha). saka na siguro. at least naka ikot ka kahit papano. :)
awesome!!! I love Indian food, ako rin pangarap ko makapunta ng Rome! haha
:))
awesome talaga ikaw...mapupuntahan ko rin ung mga lugar na un bago ako mamatay...taralets! siem! ahw haha...
hi gloc 9 hahahahaa
ganda ng new delhi.. gusto ko rin puntahan ung taj mahal.. someday lah.. :P
Post a Comment