KM3: Tinig-Sintunado [hindi-lahok]
Gusto kong sumigaw ng
malakas ngayon. Dito kung saan ako nakaupo. Sa harapan ng de-kuryenteng kwaderno. Kung
mamarapatin lang. Kung posible lang.
Pinoy ako. Sa isip. Sa puso. Sa diwa. Sige pati na din sa gawa. Istura? Oo naman.
Pinoy ako pero wala ako sa pinas. Nagpupumilit makipagsapalaran sa ibang
bansa para sa pamilyang naiwan sa pinas. Mahirap. Malungkot. Pero ito ang
nakatakda sa akin.
Sa kalagayan ko ngayon, pinoy na wala sa sariling bansa, pag nagsiwalat ba
ako ng tinig ito ay maririnig?
POOOOOOOOOOOOOTEK!
Gusto ko umuwi ng pinas pero masyadong masalimuot. Mas madali pang pumunta
ng ibang bansa kaysa ang pag-uwe ng pinas. Bakit kelangang bayaran ang isang
kapirasong papel na nagkakahalaga ng halos dalawangdaang piso para lang
makabalik sa pinagtatrabahuhan kung sakaling umuwi sa ng pinas? Bakit sa
pagkuha ng kapirasong papel na ’yon kailangang pumila ng halos kalahating araw
at kung mamalasin ka pa, ubos ang isang buong araw mo. Bakit paulit-ulit na kelangang
isulat ang mga bagay tungkol sa sarili para makakuha ng papel na yon? Bakit di
sapat ang ID? Ang labo lang. Alam kong madami nang nagrereklamo sa makalumang
sistema na ito ng embahada. Pero walang nakikinig sa bawat tinig na sinasambit.
Ganoon ba kasarado ang bansa ko sa pagbabago? Kung gusto nilang pabayaran ang
serbisyo nila, wala namang problema doon, pero ayusin naman sana nila yung
sistema nila.
Bulok. Masakit mang aminin pero yan talaga ang deskripsyon kung ano yung
sistema ngayon ng embahada ng pilipinas kung saan ako naroroon ngayon. Kailan
kaya nila balak makinig sa tinig ng mga taong nakapalibot sa kanila? Simpleng
pagbabago lang sana. Konting kaayusan. Konting sistema. At pag-akap lang sa
mabilis na pagbabago ng teknolohiya ngayon. 2012
na, lahat Computerized na, tayo... sulat kamay – tipa sa makinilya. Nakakalungkot.
Mahal ko ang bansang
Pilipinas. At dahil concern ako sa kanya, gusto ko sana mabago yung mga panget na nakikita ko. Mali ba yon?
Joel dela Cruz po... isang OFW. Paos. Sintunado. Pero umaasang balang araw
madidinig din ng kinauukulan ang aking tinig at magiging maayos din ang sistema
ng mahal kong bansa.
= = = =
Ang akda kong
ito ay may relasyon sa naipost ko dati dito sa blog ko: ”Ang
hinagpis ng isang simpleng OFW”. Nalulungkot lang ako na sa pagsasabi ko ng
napansin ko sa embahada, na baka maitama pag pinuna ay namasama pa ang punto
kong ito.
Sinabay at inakma ko lang eto sa patimpalak ni Jkul ngayong taon. KM3: Tinig.
Sinabay at inakma ko lang eto sa patimpalak ni Jkul ngayong taon. KM3: Tinig.
12 comments:
hello, nakidaan lang at nakibasa. salamat...
good luck sa iyong lahok sa patimpalak. :)
sana nga sir. hindi lamang diyan kundi sa ibang lugar pa
sana nga sir. hindi lamang diyan kundi sa ibang lugar pa
may laman sir dyowel...
ilahok mo na ito kaya :/
adre, bakit hindi ito kasali? kainaman lahat ng mga binanggit mo dito.. hehehe.. anu't anuman yung dahilan eh alam kong kahit papaano eh nakapagbahagi ka ng ganitong akda para sa patimpalak ni pareng jkul.. hehehe
sana nga pre mabasa eto ng embahada at magkaroon ng pagbabago sa munti mong tinig
okay, natawa ako dun sa paos na part. hehehe.. hindi ba mostly ng kabataan ngaun ay iyan ang gusto? napansin mo ba na karamihan ng OFW ngaun, pabata ng pabata? we all hope for a better Pinas, but how do we achieve that? papano mo ba mababago ang isang sistemang bulok sa loob ng mahabang panahon? sayang ang Pilipinas.. karamihan dayuhan ang nakikinabang..
sana, sana.. sa pagdating ng tamang panahon, makita natin na nag iba na ang bansang Pilipinas...
anyare sir... bakit di nio ito inilahok... sayang.. :D
nakidaan at nakibasa :)
Ang tagal na nitong problema ng mga OFW Sir Bulak, sana, yong sana natin- paos na, gasgas na, luray na.
Kapag nakasanayan na, kahit masakit sa mata, tanggap na rin minsan eh, kahit nakabibingi na, pinapalampas na lang sa kabilang taynga. Ganun tayong mga Pilipino. Itong inihain mong problema, sana naman, masolusyunan dahil, napakalaki ng tulong ng mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas.
Oo nga pala, maraming salamat sa iyong suporta. Maraming salamat sa tulong mo. Makakaasa kang makararating ito sa dapat na puntahan.
Mabuhay ang mga OFW gaya mo. O/\O
sad but true cheers up god has a purpose for evrything
happy blogging
siguro not even in our lifetime na may makikita tayong malalaking pagbabago sa sistema satin
sad but true
on a lighter note, ang Filipino ng embahada ay pasuguan
hehe
Post a Comment