Durex
Tiwala.
=====
hindi ko alam kung bakit nag i-stock pa din ako ng condom e
di ko naman trip ang pakiramdam pag gumagamit neto. Dahil ba walang tiwala sa
withdrawal skills ko? LOL
=====
kausap ko si (BLANK) nung isang araw, sabay kase kami
nakikinig ng magic 89.9, tapos may topic tungkol condom. Sabi nya elibs daw sya
sa mga lalaking nagdadala ng condom parati. Patay tayo dyan. Mukhang mawawala tiwala nya sakin pag nabasa nya ‘to.
=====
Ang nakakatakot sa pagtitiwala? Madaming nang-aabuso.
(imahe nakuha lang sa kung saan, salamat sa may-ari)
=====
May isang usapan kami ni eks na hinding hindi ko
makakalimutan kahit anong mangyari.
Bulakbol: Bat di ka natakot? Iniisip mo bang hindi ka
mabubuntis o pag nabuntis ka papakasalan kaagad kita?
Eks: Kahit ano naman, ayos lang sakin, nagtitiwala
naman ako sa’yo.
=====
Yung tiwala, masarap ibigay kahit kanino. E paano kung ang
binigyan mo ng tiwala e isang dikit sa’yo, tapos biglang malaman mo na yung mga bagay na sinasabi nya sa’yo pawang
kasinungalingan. Magtitiwala ka pa ba?
=====
Mahirap din humusga. Mayroon na din kasing pangyayari sa
buhay ko na nawala ko ang pagtitiwala ng isang tao sa akin. Ngayon bumabawi
naman ako. Sana makabawi kahit huli na. Huli man daw at magaling, gwapo pa
din este huli pa din.
=====
Kainaman, napapost tuloy ako ng topic tungkol sa tiwala
dahil sa tulang ginawa ni diwangbughaw. Na-emo kase ko bigla nung nabasa ko
yung entry nya. Kung di nyo naitatanong dumadaan ako ngayon sa matinding
pagtatanong sa sarili kung dapat ba ko magtiwala sa isang tao na akala ko e
bahagi ng buhay ko. (gumaganoon ang bulakbol? nyahaha)
21 comments:
naalala ko ung post ko last year about trust (tiwala). yun lang.
base ako! yehey!
may mga tao'ng di nararapat pagkalooban ng tiwala. paano mo malalaman kung karapat-dapat siya. magsabi ka ng minor detail about you at sabihin mo sa kanyang sikreto lang yun. pag nakalabas un sa iba, ayun! alam na
binasa ko yung convo ng mga punyetang nagpapaload. :) dami ko tawa.
hahaha, me pumatol talaga and ang kulit nung manloloko, talagang ininsist from the beginning na paloadan talaga siya. natawa ako un pinapalitan ng 2 yung 0.
hahahahahahahahahahahahahaha!
ang lalim naman ng pinaghuhugutan.. heheheheh
now lng ulit npatambay d2.
mhirap nga magtiwala sa panahon ngaun at mhirap din nman na pagkatiwalaan ka, pero vice versa lang.
binasa ko din ung usapang load, ang kulet lang.
may kainaman din naman ang paggamit ng condom dahil sa halos kalahati ng porsyento ng lahat ng mga magsiota, natutulungan nitong maka-iwas sa biglaang pagbubuntis sana ni babae kung di nakapag-ingat.. malaking bagay kung mahigpit ang pagpaplano para sa tamang pagbubuntis.. hindi nga lang ganun kasidhi yung pakiramdam na katulad ng sa walang suot na condom.. pero sa tingin ko, may condom man o sa withdrawals lang, ibayong pag-iingat na lang para masaya..
Mahirap magtiwala pero why keep us from giving trust to other pips? I guess kasama na sa pagtitiwala ang risk na possibleng biguin tayo ng taong pinagkatiwalaan natin. =)
Trust isn't all about condoms. Haha Biro Lang =P
I guess I lost our instinct to trust people so easily when we were kids. I've been through a lot of shit, so trust to me is a milestone that will always be a step forward or backward.
naks. di bale ng na fre-friendzone, at least active? hahaha.
tiwala napaka bigdeal sakin nyan dahil all this time napaka loyal ko sa gf ko kya nga tumagal kami mhigit isang taon peo aun hirap lng tlga pag wala pa din tiwala minsn gf mo un ung gustong susto ko marinig sa kanya "may tiwala nmn ako sayo ee"
nag usap kami dti porke my ilng ngkakausto skin di xa matahimik haha nku babae nga nmn
basta ang alam ko ang tiwala parang tsokolate yan.. pag nalusaw na sa init mukha ng tae...
hmm, nakita ko ung conversation na un sa facebook at tyinaga ko talagang basahin, kulit lang. lol
ano bang meron sa tiwala, depende sa tao un eh. ako madali akong magtiwala, pero madali ring mag-alis ng tiwala. same lang naman yan ng, forgive the person but never forget. simple as that.
sabi ko nga dati dati pa (5 yrs ago pala, binilang ko, lol) once trust is broken, you can never put it back to its original state. parang vase lang yan na nabasag, puede nating buuin ulit at iglue or whatever, the fact is my lamat na cya. boom!
mahirap magain ang tiwala ng tao pero mas mahirap magain ULIT ang tiwala ng isang tao. nakuu napaisip tuloy ako bigla. hihihi
madaling magtiwala, pero pag nawala ito, mahirap na ibalik...
minsan ang tiwala madaling ibigay depende sa approach. pero syempre kailangan din ma
nyahaha
mula sa condom nahugot ang topic na trust
ayos, ah
Di nga masarap gumamit ng condom di masarap sa pakiramdam Apir!
Okoy lang yan, basta safe tiisin nalang ang pagsuot ng kapote hehe
trending yang SMS na yan sa FB.. hehe grabe lang..
Hindi dapat mawala ang pagtitiwala sa kapwa pero una sa lahat dapat alam mo kung papaano magiingat sa pinagkakatiwalaan at nakahanda ka sa sa anumang pweding mangyari pag ibinigay mo ito.bakit mo ibibigay ang isang bagay na magdudulot lang naman ng gulo sa huli di ba?
Post a Comment