Eksposyur
Eksposyur
(Unang nailathala ni bulakbol noong April 29, 2010)
Suplado daw ako.
Halos oras-oras, minu-minuto at segu-segundo ko tong naririnig. Kanina lang, kausap ko ang kaopisina ko sa messenger at may tinatanong sya. Pagkatapos ng pagpapalitan ng linya eto ang naresib kong mensahe.
Hindi naman ako suplado. Yan ang parati kong pagdedepensa sa sarili ko. Bakit naman ako magiging suplado?
One time may nagsabi pa sakin ng personal:
SYA: Bulakbolero napaka unfriendly mo naman.
Awts, sapul hanggang balunbalunan ang paratang nya.
Siguro nahihirapan lang ako mag elaborate ng mga bagay bagay kaya sa bandang huli, suplado ang kinalalabasan ko. Minsan kasi, hindi ako mahilig na magpaliwanag pa. Ako yung tipong pag itetext mo ay magekspek ka na ‘K’ lang ang reply ko. Maging Masaya ka na nun, minsan kasi pag understood na. Di na talaga ko magrereply sayang ang piso sa katulad kong pobre.
Napagtanto ko din, bata palang ako, ayaw ko na sa masyadong eksposyur. Hindi ko gusto yung natatawag ng titser sa harap para magsulat o magbura ng nakasulat sa pirasa. Nagtatago ako sa banyo pag turn ko na magpanatang makabayan sa flag ceremony. Ayaw ko din ng reporting na madidinig at makikita ako ng aking mga kamag-aral. Dito nga nagsimula yung aking trademark pag nagrereport. Dahil medyo nahilig ako sa pagguhit, gumagawa ako ng tau-tauhan at ididikit ko ito sa stick. Itsurang puppet na sya. Gagawa ako neto ng ilang piraso, para sa mga kagrupo ko, at sa likod kami ng pisara marereport. Hawak hawak ang improvised puppet, nilalaro namin ito na kunwaring puppet show at nagsasalita kami sa likod. Solb! Panandaliang nakatakas si bulakbolero sa bagay na ayaw na ayaw nyang gawin.
Alam ko mahirap yung maging mukhang artista (ehem ehem – ako ‘to). Kelangan mo pag aralan yung tamang ngiti. Hindi mo sila ngiti-an, sasabihin suplado ka. Ngiti-an mo ng bahag ya sasabihin napipilitan ka lang. Ngiti-an mo ng sobra, pakitang tao lang daw. Ngiti-an mo ng tama, malalaglag panty nila(na R18 pa). Saan ka lulugar?
Kahit ano pa man ang gawin kong paliwanag, hindi ko pa din mababago ang isip ng tao tungkol sa akin. Basta ang alam ko, palakaibigan naman ako. Ayaw ko nga lang ng eksposyur. Bow.
Nung namimili ako ng mga posts na pwede kong i-repost at nabasa ko uli 'tong akda kong 'to. natawa lang ako. naisip ko kase, ayaw-ayaw daw ng eskposyur pero parang ngayon masyado na kong ekspose dito sa blogworld. kainaman laang.
Pero naisip ko, mas mainam pa din siguro na parang naging anonymous blogger nalang ako. Pinasakit din kase ng blog na 'to ang ulo ko. Takteng yan, pero yun nga tatsmuv already, wala na kong magagawa. eto na to eh. yaen na.
Bulakbol's current mood:
larawan galing dito
14 comments:
ako rin eh napagsasabihang suplado, peor keribum, Suplado is the New Black, haha
LOL! Bakit naman sumakit ang ulo mo nung na-expose ka sa blogosperyo?! Kung tutuusin madami din namang advantages ang ma-expose. Haha!
joels... whats your email ad? :D
Kaye, follow mo ko twitter. Dm ko sayo dun.
well, minsan nktutulong din ang expow. madami kang nkikilala. pero syemps may disad kung medyo loner-loneran ang peg.
most men naman ay suplado sa umpisa...
Suplado ga? Di naman a,yaen na sila pards!
k.
lol.
suplado daw? Kainaman. artistahin
Ok din mag-expose este ma-expose paminsan-minsan. Lalo na 'pag andun yung crush mo. Aw. ;)
Ang mga suplado. mababait yan. parang ako din. lol Anonymous ka naman na
madalas din ako masabihan nyan yung iba nga sabi intimidated daw sila ewan ko ba tahimik lng nmn ako
baka di ka palangiti
Hindi ka naman introvert sir Bulak? Ako kase introvert ako at naaalibadbaran din ako sa exposure.
ok lang yan kuya ano naman ngayon kung sa tingin nila suplado ka. mas ok nga yun eh para ang makakasalamuha mo lang eh yung mga mageefort na kausapin at kaibiganin ka talaga. =D
三色午夜秀聊天室 , 哪个视频聊天室最开放 , 293视频聊天室 , 真人美女视频 , 美女真人视频网 , 美女视频直播 , 美女视频六房间 , 美女热舞视频 , 韩国美女视频 , 美女脱身高清
Post a Comment