17 com

02.14.12


I want to sleep with a girl.




Not to have sex with her. Not to fool around. But just because I want to wake up next to her. I want to see her before she has all her make up on. I want to run my fingers through her hair before it's washed and done up. I want to kiss her before her teeth are brushed. I want to hold her before she changes out of her pajamas. Because in this moment, in her opinion she would say she is at her least attractive moment of the day. But I'd still look at her and smile because in my opinion, I will have never seen her more beautiful.


---
I saw these lines over the net. I dunno who's the author but I totally agree in what he said.


16 com

don't give up

“remember the reason why you are running”

Wala akong balak gumawa ng entry ngayon pero nabago ito nung nabasa ko yung entry ni Marvin.

Sa tipikal na usapan ng pagtakbo, nahilig ako dito dahil sa dalawang magkasalungat na dahilan.

  1. nagiging stress reliever ko ang pagtakbo. Sa tuwing may problema ko, mabigat o hindi man, asahan mo pag-uwi na pag-uwi ng bahay, ilalapag ko lang yung bag ko at tatakbo na ko. Natuto ko tumakbo mag-isa para mapawi lahat ng iniintindi ko.

  1. isa sa aktibidad naming magkakakabarkada ang pagtakbo. Wala kaseng pinipili ang sports na ito. Mapamatanda-bata, mataba-payat, lalaki-babae ay pwedeng tumakbo. Kaya tuwing magkakaroon ng time na magsama sama sa isang activity, eto yung karaniwang sinasalihan namin.


Malaki ang natutulong sakin ng pagtakbo. Ilang marathon na din ang aking nasalihan. Sisiw na nga sakin ang Full marathon (42KM), joklang to! Ilang kuko na din ang namatay sakin dahil sa pagsuot ng maling sapatos at ilang pagkapagod na din ang aking natamasa matapos lang ang pagtakbong aking sinasalihan.



Sa aspeto ng buhay sabi nila, life is a marathon. Tulad ng pagtakbo o pagsali sa marathon ang buhay ay,

Sa simula: madaming agam-agam. Di natin alam kung handa ba tayong sumuong sa pagsubok. Mayroon tayong pagtatanya kung gaano ba kalayo ang kaya nating tahakin. Kung anong ruta ang gusto nating salihan. Kung lalaban ba tayo.

Sa mismong karera ng buhay: hindi natin matantya kung napasubo lang ba tayo. Kung susuko na ba tayo sa pagsubok na to. Kung mapapanindigan ba nating tapusin o sa gitna ba ng laban ay aatras nalang tayo bigla? Mapapagod, hihinto (magpapahinga) at mag-iisip... Kung hindi ka duwag, itutuloy mo ang laban.

Sa finish line: hindi ka man manalo. Hindi man ikaw yung kauna-unahan na nakadating dito. Ramdam mo ang mahalaga, nagtagumpay ka sa sarili mong paraan. Yung tipong atleast sinubukan mo. Yung lumaban ka, natapos mo yung hamon at nagkaroon ka ng bagong karanasan. Nasukat mo ang kakayahan mo sa pagkakataong ito. Diba iyon naman talaga ang mahalaga? The sweetest thing ika nga…


Kaya ngayon, bukod sa linyang “para kanino ka bumabangon?” Siguro maari na din nating isama ang mga katagang, “remember the reason why you are running” para matantya natin kung kelangan na ba nating sumuko o hindi sa karera ng buhay.
21 com

New year post

May mga bagay na kahit gaano mo pa pinaglaban ay mawawala pa din sa'yo.

Kung para sa'yo talaga yon. Kahit ano man ang mangyari, harangin man ng sibat, kaaway mo man ang lahat, at kung anu-anong sh*t man yan ay hinding hindi maagaw sa'yo. Yun ay iyong-iyo itaga mo sa bato.


-----


May isang espesyal na babae na alam kong tahimik na nagbabasa ng blog ko ang ikakasal na ngayong february. "ingat ka lagi Jean. \m/"