21 com

Flooding already leh… so what to do?


Sobrang lakas ng ulan kaninang umaga. Hirap mag hanap ng taxi. Yon, nalate tuloy sa ofis.
Dahil sa malakas at patuloy na pag ulan, bumaha daw ulet sa Singapore. Anlaking usapin ‘to dito. Hindi naman daw kasi talaga bumabaha dito sa first world country na ‘to. Sows, pakiramdam ko ako ang may kasalanan. Hinahabol siguro ako ng baha.

 
*** credits to the owner of the pictures.

Moral lesson dyan, Kahit Hari o Presidente ka man ng bansa, wala kang magagawa, uutot at uutot ka pa din. wapaks

16 com

some chinese characters


Isang bes sa pantry ng opisina, habang ako ay nagiinit ng pagkain, isang bagong salta sa kumpanya ang lumapit sa akin at nagtanong.
ANAPS: May I know what does it mean? (sabay turo sa nakasulat sa larawan)
AKO: Halal Food Only.



Hindi ako intsik para ipatranslate sa kin ang mga katagang yan. Ewan ko ba kung bakit sa libo libong babaeng nandoon wala pang isang minuto nahulog na ang loob ko sayo palagi nalang ako napagkakamalang intsik. Nung isang araw lang, bumili ko sa grocery, kinakausap ko na sya ng English, intsik pa din ang sinasagot sakin ni Auntie. Pero sa tingin ko, minsan meron din naman tong magandang naidudulot, 1 time kasi, nasa MRT ako… may dalawang magkabarkada ang naguusap ng malakas na may kahalong tawanan. Intsik ang usapan. Siempre hindi ko to maiintindihan. Pero nung tumabi ako sa kanila, biglang humina ang usapan nila, yung tipong pabulong na. Na parang may pinaguusapan silang secret, na ayaw nilang paalam sa iba. Hanggang sa natigil ang kwentuhan nila. Sa isip isip ko, kung sakaling may dumi pala sa mukha ko ng mga panahong iyon, hindi nila ko magagawang pagusapan at pagtawanan, kasi naisip nila na maiintindihan ko. Hindi nila ko pwedeng laitin at alipustahin dahil sa normal na kasuotan ko na tsinelas, salawal at tshirt na pamundok.
Pero hindi talaga ito ang gusto kong bigyang diin sa blog ko. Ang sa akin lang, bakit may mga bagay na andyan na tinatanong mo pa. Yung tipong gusto lang magpapansin. Yung tipong makaepal lang.
Tingnan ang nasa larawan sa baba.

Hindi man akong marunong mag intsik eh parang common sense naman na kung ano yung ibig sabihin ng nasa larawan. Hindi ko alam kung tama yung sagot ko, hindi ko na vinerify sa mga kakilala kong intsik kung tama nga pagkakaintindi ko. Kung mali man ako, patawad. Mahilig lang ako mag assume.
Ako yung tipo ng tao na madaling makulitan. Ayaw ko ng paulit ulit na tanong. Ayaw ko ng obvious na, tapos tatanong mo pa. Katulad nga ng pagtatanong sa akin ng tungkol sa nakasulat sa oven. Parang nakakabadtrip lang!
May mga tao talaga na sadyang pabibo lang. Sabi nga sa mga blog na nababasa ko, iba iba tayo ng katangian at kelangan lang respetohin ang isa’t isa. Subalit datapwat, marupok lang ako (pang pokpok talaga ang term.. lol). Talagang di ko lang maisip na may mga epal na tao. Masyadong maingay. Masyadong papansin.
Pikon na ko kung pikon. Ganun talaga ang layf.
Wala lang. medyo hindi lang siguro ko sanay sa ibang normal na kalakaran ng buhay. At hindi ko na mababago yun… ako ay si ako.

19 com

Blogistang bulok


Limitado.
Noong una, akala ko ang blog ang magiging dahilan para isulat ko ang lahat ng aking saloobin.
Noong una, akala ko maibubulaslas ko dito kahit anong bagay na ninais kong ipahiwatig sa mundo.
Ganoon din pala.
May mga bagay na hindi mo pwedeng sabihin dahil na din may ibang makakabasa na alam mong hindi nya dapat ito pwedeng malaman.
May mga salitang di pwedeng bitawan kasi may masasaktan.
May mga pangyayaring hindi pwedeng ibunyag kasi walang madudulot na mabuti.
Limitado pa din ang mga bagay-bagay.
Minsan dapat mo itong pangalagaan at protektahan.
Hindi dapat mabunyag at hindi dapat malaman pa ng iba.
Hindi lahat ng nadidinig mo, kelangan mo sabihin sa ibang tao.
Hindi lahat ng nakikita mo, kelangan malaman ng nakararami.
Hindi lahat ng bagay, pampubliko.
Minsan, kelangan natin matutong itikum ang bibig at tumahimik nalang.
Katulad ng punyal, matalim ang dila.
Bawat salitang kanyang binibitawan ay kelangan pagplanuhan.
Minsan hindi mo alam nakakasakit ka na pala.
Yaong minsan na ito, hindi mo na mababawi, nakatarak na sa taong sinabihan mo.
Wala ka ng magagawa, checkmate na.

Dahil dito, parang nakikita ko, limitado pa din ang aking mga nailalathala.
Walang kwenta!