some chinese characters
Isang bes sa pantry ng opisina, habang ako ay nagiinit ng pagkain, isang bagong salta sa kumpanya ang lumapit sa akin at nagtanong.
ANAPS: May I know what does it mean? (sabay turo sa nakasulat sa larawan)
AKO: Halal Food Only.
Hindi ako intsik para ipatranslate sa kin ang mga katagang yan. Ewan ko ba kung bakit sa libo libong babaeng nandoon wala pang isang minuto nahulog na ang loob ko sayo palagi nalang ako napagkakamalang intsik. Nung isang araw lang, bumili ko sa grocery, kinakausap ko na sya ng English, intsik pa din ang sinasagot sakin ni Auntie. Pero sa tingin ko, minsan meron din naman tong magandang naidudulot, 1 time kasi, nasa MRT ako… may dalawang magkabarkada ang naguusap ng malakas na may kahalong tawanan. Intsik ang usapan. Siempre hindi ko to maiintindihan. Pero nung tumabi ako sa kanila, biglang humina ang usapan nila, yung tipong pabulong na. Na parang may pinaguusapan silang secret, na ayaw nilang paalam sa iba. Hanggang sa natigil ang kwentuhan nila. Sa isip isip ko, kung sakaling may dumi pala sa mukha ko ng mga panahong iyon, hindi nila ko magagawang pagusapan at pagtawanan, kasi naisip nila na maiintindihan ko. Hindi nila ko pwedeng laitin at alipustahin dahil sa normal na kasuotan ko na tsinelas, salawal at tshirt na pamundok.
Pero hindi talaga ito ang gusto kong bigyang diin sa blog ko. Ang sa akin lang, bakit may mga bagay na andyan na tinatanong mo pa. Yung tipong gusto lang magpapansin. Yung tipong makaepal lang.
Tingnan ang nasa larawan sa baba.
Hindi man akong marunong mag intsik eh parang common sense naman na kung ano yung ibig sabihin ng nasa larawan. Hindi ko alam kung tama yung sagot ko, hindi ko na vinerify sa mga kakilala kong intsik kung tama nga pagkakaintindi ko. Kung mali man ako, patawad. Mahilig lang ako mag assume.
Ako yung tipo ng tao na madaling makulitan. Ayaw ko ng paulit ulit na tanong. Ayaw ko ng obvious na, tapos tatanong mo pa. Katulad nga ng pagtatanong sa akin ng tungkol sa nakasulat sa oven. Parang nakakabadtrip lang!
May mga tao talaga na sadyang pabibo lang. Sabi nga sa mga blog na nababasa ko, iba iba tayo ng katangian at kelangan lang respetohin ang isa’t isa. Subalit datapwat, marupok lang ako (pang pokpok talaga ang term.. lol). Talagang di ko lang maisip na may mga epal na tao. Masyadong maingay. Masyadong papansin.
Pikon na ko kung pikon. Ganun talaga ang layf.
Wala lang. medyo hindi lang siguro ko sanay sa ibang normal na kalakaran ng buhay. At hindi ko na mababago yun… ako ay si ako.
16 comments:
hmmm, ayaw mo pala ng makulit hehehe...
hahaha.. :D Love this, you're you.. makapagtagalog na nga :)
nakakatuwa yung karanasan mo sa MRT, hankyut :)
kukulitin nga kita eh kaya nga dba makikigamit ng microwave bwahhaaha...senxa sadyng makulit ako nyahaha...kulit noh wahaha,,sorry naman
Ito naman, siyempre bago 'yung empleyado baka naman ice breaker lang niya 'yun para makapag-initiate ng conversation sa 'yo. = P
ang taray ng lolo ko... hehe
mabait ka pa nga e... kung ako siguro yan ibabalik ko ang tanong nya sa kanya...
Ito sasagot ko... "What do you think?" with matching pag sway ng ulo na ginagawa ng mga anaps (pansin mo ba un?) tapos sabay taas ng kilay at talikod hehe
nag papapapansin lang sayo yung tao umaatitude ka na kagad! Is that how you treat other people?! I'm so disappointed, idedelete na kita sa facebook ko. Bwahihihi
easy easy.. hehehe. .
Oh yeah?!Ang taray! lolzz
Ikaw naman, nagpapapansin lang naman, pagbigyan mo na...malay mo yun ang bumubuo ng araw nya, ang pansinin mo :D
sorry po sa pangungulit ko...
dre, kahit san bansa merong ganyan...
kahit dito sa kl
easy boy masyado kang hot! chill ka lang enjoy life. :)
Di ko nagets! Galing mo naman! Senxa na pareng bulakbulero. Ngayon lang ulit nakabisita sa blog mo. Dami pinagkakaabalahan e. Hehe!
Noble Vengeance
buti ka nga pabibo mga nakakasalamuha mo..
ako talagang mga bobo.. lol
sakit sa ulo kabobohan ng mga koreano.. hehehe
uyy may admirer... lol
pampam din ako. sa masayang paraan. problema mo?! peace. (=
@chingoy, nyahaha... hinde naman sa ayaw. pero minsan e marupok lang talaga ko. nyahaha. ako na ang may mali.
@Lady, salamat sa pagbisita. :) hangkyut ba? kyut din ata yung nagsulat eh.. hehe.. joke only.
@Unnie, wuu.. binasa mo lang nung sinabi ko. piz.
@Gasul, haha... sorry naman. sige next time di na ko maasar ng mabilis. haha
@roanne, ayus.. apir naman dyan. :)
@jepoy, sorry naman, masamang nilalang ata ako. naguilty nga ako nung nagpost ka ng good deeds mo sa blog mo. nyahaha.
@kiki, uu easy easy lang sir. minsanan lang to.
@Lord, taray ba? sorry sorry. sample lang naman yan. pero may mga nakakabad3p talaga na bagay.
@chelle, lol.. sorry ka dyan!
@Eoz, hehe, uu pre, alam ko ganun talaga, ako na ang mali.
@santo, easy lang ako pre. nyahaha.. salamat.
@engr, nyay.. sinu magaling? ayus lang yun. basta balik balik ka lang dito. ako din e busy sa work kaya bihira makapagupdate ng blog.
@bantot, wuu mana lang sayo yan pre.
@muse karen, nyahaha.. admirer ka dyan.
@devil, wapax! salamat sa pagdalaw pre.
Post a Comment