Sweet and Spicy
Madalas tayo mag bigay ng bansag sa mga tao. Nagbabansag tayo dahil minsan gusto natin na pasikreto natin silang pinaguusapan.
Dito sa opisina, nagbansag ang tropa sa isang kaopisina. Pinangalanan namin syang… Chilli Padi.
Si Ms. Chilli Padi ay isang tyaynis, isa sya sa piling piling pwede dito sa opisina. Sya ay maputi, may katangkaran, balingkinitan ang katawan at may paka madaldal.
Bagamat dapat ang bansag ay sinesekreto lamang, alam ni Chilli padi na tawag namin ito talaga sa kanya. Medyo hindi nga lang sya sang-ayon dito.
Alam kong nag aagam agam sa inyong isipan kung ano ang chilli padi (paki basa ang nasa baba).
Chilli padi
From Wikipedia, the free encyclopedia
Chilli padi (Malay: cili padi) are tiny little fiery chillis normally in red or green color, also known as bird's eye chilli in English. This type of chilli can be found in Malaysia and Indonesia but most commonly in Thailand, where they are known as phrik khii nuu (พริกขี้หน), which translates literally as "mouse shit chiili". Although small in size compared to other types of chilli, the chilli padi is relatively strong at 50,000 to 100,000 Scoville. Malaysia consumes about RM140 million worth of chillies each year.[citation needed]
See also: African birdseye
Tinawag naming syang chilli padi kasi maanghang sya, mainit pala, ay hot pala… basta yun na un. Bagamat hindi naman ganun kalakihan ang kanyang alam nio na yon hinaharap, mayroon sa kanyang pagkatao na para bagang mahuhumaling ka. Kumbaga sa Hayskul layf eh, kras ng bayan ang dating.
At dahil normal na nilalang lang naman ako siempre kabilang ako sa hilera na humahanga sa kanya.
Kahapon may pinagawa sya dito sa ofis, pagkatapos ko ito tapusin, nagemail sya sa akin ng ganito ‘thanks! Told you you are the best! Hahaha’ nabiro ko sya na bakit ba lagi nya kong inuuto. At eto ang sagot nya ‘No la… I never bluff you. Really!’ Edi si ako, turn ko naman para magpacute, sabi ko sige kung best pala ko, dalhan mo ako ng cookies dito sa opisina pang merienda. Weakness ko kasi talaga ang cookies at mababaw lang talaga akong tao. Lol. Bigla ko tuloy namiss ang binebake ni eksmunchkins. Sabi nya sige daw, anong klase daw ba. Sabi ko. Nibibiro ko lang sya, tinetest ko lang kung mabait sya. At doon natapos ang paguusap namin.
Kanina, pagpasok na pagpasok ko palang sa pintu, tinatawag nya ko. Medyo hindi ko sya agad napansin kasi may hawak akong kape at kelangan ko itong ipatong sa cube ko. Normal routine ko kasi sa umaga e dumaan muna sa vendo machine bago pumunta sa cube. So yun na nga, punta muna ko sa cube ko para ibaba ang kape at iboot ang PC ko. Mga siguro 1 second to be exact, nagulat ako nasa likod ko na sya… may dalang isang lata ng chocolate chip cookies. Waaaah… bigla akong natunaw. Hindi ko akalain na seseryosohin nya. E ako pa naman ang tao na pakiramdam ko lagi na teenager ako. Nyahahaha… So yun na. Nalaman ko na sweet pala sya. Sinabi ko to sa kanya… at ang sabi nya…
Now then you know I’m sweet…
=p
***salamat ke google sa imahe na nasa taas.
31 comments:
Base!
This story is cute. Baka one day ibabalita mo na lang na kau na ni Chilli Padi. She's so sweet and I can smell something from her gesture, hehe.
Love story na ito!
Kami rin dito sa ofis ay mahilig gumawa ng codes. We've our own version of Chili here but he's a guy who we find very boastful and feeling guwapo. We call him 'Chili' coz he finds himself HOT but someone told us that his THING is 'chili like' in size! :-D
Wahaha ayown o! Good luck sa love story niyo ni Chilli Padi. :)
wow, yan na ba ang start ng love story?haha. uyy, kinikilig pa, hhaha
hot and spicy.... ang sarap!!!
parang Lucky Me... haaaay!!!
This not yet a love story.. this a story of a boy meets girl.... haha! bulak, karirin mo na kaya sya.. lol
yikeee. lumalablayf ang kuya. XD
ayiee..nangangamoy love story na to..hehehe ^_^
so u eat the cili padi or not??
it spicy and Malaysian is sweet yeah!
Asus!!!Lolzzz masarap pa naman yung Sweet n Spicy lalo pag canton, ung lucky me pancit canton! hehehe
nyahahaha... lumalandi ka na... nagdadalaga ka kambal? ;)) susubaybayan namin ha :D
tanong mo kay chili padi kung pwede pacanton sya..sarap kaya yun, sweet and spicy canton! hek hek hek!
sama akong sampu dyan!
gudlak!
p.s. nagoyo mo ako, akala ko sya yung nasa pic! potek ka!
ang landi landi mo! LOL
@ely, i smell something also.. she smells like flower... wapax!
@gasul, nyahaha.. di to love story. taga dito din syota nia.
@muse, at nabalik na naman sa kiligan. hehe, musta naman ang pagdadrama sa bahay mo?
@chingoy, idol... pootek endorser ka ng Lucky me?
@Anoymous, di kita kilala pakilala ka muna bago ko mag reak sa comment mo.
@aryan, nyahahaha... eto naghahayskul layf lang.
@superjaid, aiyee... kinilig ka ba bigla? dehins. me syota na to.
@BalqisShafiqa, yeah, saya makan chili padi. aku agree kamu that malaysian manis.. :)
@LordCM, pancit canton talaga?
@kambal, uu.. naglalande na kakambal mo.. wakoko. walang susubaybayan, walang labstory na magaganap.
@indecent, bente mo na. wahaha. ask ko minsan kung magpapacanton sya. para matry ung extra hot pansit canton. hehe. ngaps, may resemblance naman sya sa pic... kaya oks na yan.
@jepoy, landi ba? sama mo na ko sa blogger of the month mo. mahawahan ng kasikatan mo. dati pa ko nagmamakaawa i. lol
Hindi ako sikat. Mag lagay ka ng pictures mo para ma consider kita. Rule # 1 yun.
cg cg pag busted k pre pakilala mo namn sa akin. hehe. joke. nakanang ikaw talga ang idol ko kapag dating sa chix.paturo master..
@jepoy, pootek. isa kang malupet na nilalang.
@kiki, ikaw nga idol ko. pagpatuloy mo na ang kwento ng mga ipis.
Congrats! Me bago ka nang lovelife... Sundan ko ang love story nyo ni Chili Padi!
=)
Uyy ang chillie!!! (ndi na cheesy) =) hanggang sa susunod na kabanata...
@stone, eto ang aral na pinakaiintay, game 1. celtics-lakers. hehe... wala susundan pre. yun na yon. highskul layf pacute lang. hehe
@shiena, nyahahaha...ayus ah. nakahanap ka ng bagong salita. pede malagay sa urban dictionary. nyakakaka... wala pala to kasunod na kabanata. :P
ayun makapg comment na nga at baka magtampo...
kay eksmunchkins pa rin ako \m/
adik ka muse, parang kilala mo lang si eksmunchkins ah. :P
nice! kinilig?! lol
friendly lang sya. (period) hehehe =)
@bantot.. unang comment palang e may kilig ka pang nalalaman. pootek HS lang?
may tama ka dyan. friendly lang tlaga ko.
hayuuf ha hahahaha dahil lang sa cookies eh bumibigay ka na parekoy lol hahahaha puro ka talaga kalokohan eh ahahaha
hahahha! hanep, hayskul na hayskul lang ah haha. bagets!
@poy, oo dahil lang sa cookies. nyahahaha....
@keso, uu.. ngayon palang nagbibinata. long time no see ah!
Uy.... Lumalablyp :))
bibisita ako ng sg sa agosto, kung sakaling makita mo ko sa paligidligid kalabitin mo ko ha! =)
haha.. sige roanne bigay mo number mo. makapag kape man lang kahit konte. :)
lumalande! hehehhe
napaka hot ng kwento na to! wow...may gusto siya sayo!! swak! chili na chili ang dating mo...kwento pa ha
Hi.. Very humorous and entertaining ng mga posts mo.. esp this one.. kakatuwa mabasa ang mga sharings na ganto from a guy... akalain mo yun kinikilig din pala kayo??? lol! anyway, bago lang po ako sa blogging world and iba din ang niche ko, pero mukhang mapapdalas ako sa pagbisita sa blog mo.. =D till your next post! ;)
Post a Comment