1 is enough 2 is two months


Umiikot ang mundo at patuloy ito sa kanyang pag-inog.
Sa loob ng dalawang buwan madami akong nakilala sa blogworld. Kinarir ang bawat post at nagpatambling tambing sa bahay ng kapwa blogger.
Kung dati ay silent reader lang ako, ngayon e paunte unte ay nagcocomment na ko sa mga entry ng aking mga idolo.
Sa simula ay ninais kong maging mysteryoso sa mundong ito, ninais ko na pawang mga personal na kakilala ko lang na mambabasa ang nakakaalam ng tunay na ako. Para sa di ko kakilala, naisip ko na hindi pa naman nagkrukus ang aming mga landas kaya walang dahilan para makilala ako ng personal.
Hindi ko akalain na sa bawat pag tiktak ng orasan ay may mga piraso na unti unting nagdurugtong para makatawid sa bahay ng isang mambloblog [sorry di ko alam ang tamang tawag sa blogger].
Unti unti, may nakakadiskubre kung sino ba talaga si bulakbol.
Ngayon, madami dami na din akong nakakaututang dila na blogger. Masaya na hindi lang sa comment page ko sila nakakausap. Masaya na kahit papaano e, natututo ako sa kanila.

Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng sinimulan ko sa wala ang aking blog. Walang pagbabago, kapos pa din sa mga ideolohiya. Hindi pa din masabing naging kapaki-pakinabang ang mga nalathala. Blanko pa din sa dahilan kung bakit patuloy na nagsusulat…
Subalit hanggang hindi ako kumikita sa nuffnang ng 50 dollars… hindi ko ihihinto ang pagtitipa sa aking keyboard para punan ang aking blangkong papel [seryoso to walang basagan ng trip].
Maraming salamat pala sa patuloy na pagsubaybay sa aking pagbubulakbol. Naging busy ako ng mga nakaraang araw kaya panandaliang nanahimik ang aking magulong bahay. Mahal ko kayo lahat [sabay flying kiss left and right]. \m/

14 comments:

Madz | June 15, 2010 at 11:24 AM

happy monthsary!! :D naknang ano kaya title pag ika-3rd moth na?? :D

Jhiegzh | June 15, 2010 at 12:03 PM

April 15 ka rin ba nagstart parekoi? Same here 2 months na din blog ko ngayon!..Ingatz and keep blogging!

BatangGala | June 15, 2010 at 12:15 PM

yey! tu mants na! mor en mor mants en frends tu kam! kip on powsting! :D

Santo Santino | June 15, 2010 at 2:52 PM

buti ka nga madaming followers in your 3months of blogging... ako konti pa lang. :(

well congrats na lang sa success ng blog mo. \m/

ivanrhys | June 15, 2010 at 4:46 PM

makata! \m/

Pordoy Palaboy | June 15, 2010 at 5:48 PM

wishing you more months and years to come in blogosphere. keep sharing your life..

Jessa | June 16, 2010 at 1:13 AM

congrats! :)

Jessa | June 16, 2010 at 1:14 AM

congrats! :)

Jessa | June 16, 2010 at 1:16 AM

congrats! :)

Jepoy | June 16, 2010 at 2:58 AM

happy monsary brad! Paano ba yang nuffnang nayan, nakita ko ang building nila sa the fort ang daming chikas. Alabet!

gillboard | June 16, 2010 at 4:19 AM

happy second monthsary sa blog mo!!!

bulakbolero.sg | June 16, 2010 at 11:03 AM

muse, salamat :D

Jhiegz, maligayang ikalawang buwan din sa blog mo pre.

batanggala, salamat sa patuloy na paggala sa bahay ko.

Santo, haha... mga sapilitan lang ung mga followers ko. konti na nga lang natambay ngayon sa bahay ko. pero salamat salamat sa yong pagbisita.

Bantot, mukha kang sabayang bigkas.

ghienoxs, salamat pre. hanggang may naiisip pa kong isulat. hayaan mo at ibabahagi ko ito. wlang bayad.

Jessa, maraming salamat 3times.

Jepoy, salamat pre. di ko kita yang ads ng da fort na yan. pasilip naman. dali lang nuffnang register ka lang sakanila taz ilagay mo codes sa blog mo.

gillboard, salamat pre.

kikilabotz | June 16, 2010 at 8:38 PM

naks..ang galing galing nmn bulabolero sa loob ng dalawang buwan eh mhigit isang daan na ang follower mo..hanep sa alright..ikaw talga ang idol ko..

paturo nmn sa nuffnang n yan. akin ay 2php na ang kita ko. at totoo bng mdaming chikas sa nuffnang building?

bulakbolero.sg | June 17, 2010 at 10:26 AM

kiki, ikaw nga idol ko... kagaling mo gumawa ng pabola tungkol sa ipis. :D

di ko alam yang nuffnang building na yan sa pinas. saka maynuffnang ka na ah.. clinick ko nga last time yung smart advertisement sa may header mo.