Sleepy when wet

 
Isang weekend. Walang pasok.
Alam kong matagal mo na itong iniintay. Pagkakataon mo na.
Sige lang pakabasa ka, namnamin ang bawat sirit na dumadampi sa iyong katawan. Pabayaang gumapang ito hanggang maramdaman ng buo mong pagkatao.
Pagkatapos nito,  alam kong nanaisin mo dumerecho sa paliguan na may maligamgam na tubig. Nanaisin mong hugasan ka ng tumutulong gripo at damhin ang maiinit na patak neto.
Mapapagod ka sa sarap at maiisip mong mahiga sa kama para matulog. Balutin ang buo mong katawan ng makapal na kumot.
Babangon ka na ng tanghali at maghahangad ng mainit na sabaw. Hihipuin ito na may tunog pa.
Titingin sa bintana.
Magmumuni-muni.
Mapapabuntung hininga at sasabihing ‘sana maulit muli ang nangyari kahapon…’
‘sana, bumuhos ulet ang malakas na ulan’
‘sana, muling maranasan ang pakiramdam ng isang bata, yung simple lang, yung nasa gitna ng kalsada, tumatakbo, nakikipaglaro, at nagtatawanan habang bumubuhos ang malakas na ulan’
‘sana, muling maranasan ang matulog ng mahaba at gumising ng tanghali na walang iniisip na trabaho’
‘sana, kung ganito lang kadali ang buhay’

Nag-uulan na daw ngayon sa Pinas. Ayos naman. Kasi dati parang problemado ang bansa dahil natutuyot na ang ating mga dam dahil sa sobrang init. Sana lang walang malaking baha na mangyari katulad dati tuwing umuulan.
Hayst… pagkasarap sarap matulog pag ganyan ang panahon.
At dahil tag-ulan na nga, uso na din ang mga sakit tulad ng mga lagnat, sipon, ubo at mga katulad pa neto. Sabi nga prevention is better than cure… kaya mga katoto, para makaiwas sa anumang sakit, uminom na ng mga vitamins at magkaroon ng healthy living. May isa din daw na magaling sa pang iwas ng sakit – immune booster kumbaga. Nakita ko lang to sa isang babasahin at ishare ko lang sa inyo:
Sex Can Boost The Immune System
At last some good news: sex is good for you, at least in moderation. Psychologists in Pennsylvania have shown that the immune systems of people who have sex once or twice a week are boosted.
Basahin ang buong artikulo DITO.

Ayown lang. wag masyado pakabasa sa ulan ;)

11 comments:

chingoy, the great chef wannabe | June 2, 2010 at 11:46 AM

kaya pala mahina ng resistensya ko lately nyahhaha

2ngaw | June 2, 2010 at 11:59 AM

Hehehe :D Sana nga sa sunod na bakasyon ko eh di puro tag init, isang buwan ako sa pinas, isang buwan ding hindi umulan...buti naman at nag uulan na ngayon

Balqish | June 2, 2010 at 1:07 PM

hye.
i try to read and understand it.

krn | June 2, 2010 at 1:12 PM

kaya pala malakas resistensya mo. now i know.

bulakbolero.sg | June 2, 2010 at 9:23 PM

@chingoy. nyahahaha. bawal magsinungaling hahaba ang ilong.

@LordCM.yep okay nga pag may tag lamig sa bakasyon. pero basta may bakasyon panalo na yun. kahit anung panahon.

@Balqis Shafiqa. kamu boleh paham?

@Muse karen. paano mo nasabi malakas resistensya ko? hehe.

gillboard | June 2, 2010 at 11:16 PM

ayun pala yung talagang gustong palabasin ng post na ito... hahaha

shiena dale | June 3, 2010 at 10:22 AM

boosting up the immune system...based on personal experience ba yan? LOL

elysplanet | June 3, 2010 at 11:33 AM

kaya pala nanghihina na ako, hahaha. I better take your advice seriously.

an_indecent_mind | June 3, 2010 at 5:02 PM

now i know kung bakit parang pahina ako ng pahina lately... hek hek hek!

krizia_o3 | June 4, 2010 at 9:15 PM

onec to twice a day!? haha. panu pag araw2? haha joke lang..

krizia_o3 | June 4, 2010 at 9:21 PM

onec to twice a day!? haha. panu pag araw2? haha joke lang..