Bahasa 101


Unang nalathala: Aug 19, '08 11:47 AM
saan? sa multiply account ni bulakbolero
Ilang buwan na din ako dito sa Bansa ng tatlong lahi. Madami na din akong natutunang bagong lengwahe para magsurbayb dito. Gusto ko lang ilista ang ilang mga salita na tumimo sa aking isipan.
Beg (beg) – sisidlang ng mga gamit… Nilalagyan ng mga aklat ng mga batang nagaaral. Gamit sa pangungusap: “Wow pare! Hanep ang porma ng laptop beg mo ah! San mo nabili yan?”
Finish Already (phinis olreddi) – karaniwang sagot sa tanong. Madalas itong ginagamit pag ayaw mo nang patagalin ang usapan.  Gamit sa pangungusap: (1)“Ako: Auntie, paorder naman ng kanton jan oh! Auntie: finish already ”(2)”Ako: kumain ka na ba? Sya: finish already” (3)”Ako: Ei, send naman ng data… kelangan ko ng iupload sa system eh. Sya: Ok, Finish already”
Can / Cannot  (Ken, Ken-nat ) – Mahiwagang salita, hindi mo kelangang matuto magbahasa or magenglish para makipag ugnayan sa mga tao. Marunong karang mag ken at kennot… magkakaintindihan na kayo dito…  Gamit sa pangungusap: (1)“Ako: Pahiram ng pantaloon, Can? Sya: Can! ”(2)”Scenario: ako habang naglalakad sa isang tabi…. Sya: Cannot Cannot…. Ako: huh? Sya: Cannot Cannot… Ako: Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh…. (nahulog na sa manhole) kaya pla cannot cannot…” (3)”Ako: Pasabay naman sa wheels mo,  Sya: can”
Tolak / Tolong / at kung anu ano pang salitang may To… (katulad din ng pagbigakas) – Ginagamit para tumigas ang dila… Gamit sa pangungusap: (1)“Patolong naman naipit ang kamay ko sa aparador ”(2)”kaya mo bang itolak ang lamesa? Ang sikip kasi”
Go back  / Going back (gow bak / gowing bak) – ginagamit pag uuwi ka na sa iyong tahanan…  Gamit sa pangungusap: (1)“Scenario: Nasa elevator ako at may dalang bag, Sya: are you going back? Ako: Huh? Wala na kong gagawin sa ofis, uwe na ko sa bahay eh… Sya: yep… you’re going back (wahahaha.. your going back home pala ang piniste… kulang naman kasi ng home.. ano namang pashort cut un). (2)” Ako: Paalam uwe na ko…. Sya: Okay, Go back…. (sa isip isip ko.. go back agad, e kapapaalam ko palang…)
Tisu (Tis-u) and TQ (Ti-Q) – inde ito ang meaning, aking obserbasyon lang: naisip ko lang, wla pang celfon… uso na text speak dito. Gamit sa pangungusap: (1)“ang lagkit na ng mukha ko… pede makahingi ng tisu”. (2)” TQ nga pala sa bigay mong bulalak…. Masyado akong na tats…
Lah, ler, lor, loh (bigkasin nalang kung anung gusto mong bigkas) – Hulapi. Ginagamit para daw magkaroon ng buhay ang mga binitawang salita.. (pampaarte for short).  Gamit sa pangungusap: (1)“ang cute mo ler!” (2) “wag mo naman akong kuritin jan lah… ang nakikiliti ako lah… hihihi… lah…” (3) “ ate ate, 5RM nalang ung sampung kilong babuy.. eto lang kasi dala kong pera eh, can lor?” (4) “ malapit na pala nag go-live, naupload mo nab a nag data loh?”
Take away (teyk awei) – salitang ginagamit pag oorder ka ng pagkain at sa bahay mo ito kakainin. Gamit sa pangungusap: (1)“Ako: 1 piniritong hippopotamus, 1 nilagang daga, 4 na litrong dugo ng tipaklong, 1 tenga ng bayawak na pinakuluan sa gata… Sya: Sir, Take away or Having here? Ako: take away”
Mc. D (Mak Di) – Isang sikat na fastfood chain. Gamit sa pangungusap: (1)“gusto ko ng burger mc. D.” (2) “Gusto ko nakita si Roland’s Mc. D, tara sa Mc. D…”
At ang aking pinakapaborito sa lahat….
Susu (susu, bigkasin na nakausli ang nguso) -  Inuming masustansya. Gamit sa pangungusap: (2)“Nauuhaw ako painom naman ng susu.” (2) “mas masarap ang cereals pag maysusu kesa pag pinapapak lang ito”. (3)eto matindin “pabili naman ng susu”

~hanggang sa muli tutubing may kuliti....

11 comments:

rd sean | July 23, 2010 at 11:29 AM

lol.. kakatuwa yung Can/Cannot at saka Tolak koya..

The Gasoline Dude™ | July 23, 2010 at 12:33 PM

Nakalimutan mo ang "AIYOH!" at "ALAMAK!". Hahaha. :)

krn | July 23, 2010 at 12:47 PM

hahaha. natawa naman ako sa take away. haha

lagi ka na lang repost. busy?

MiDniGHt DriVer | July 23, 2010 at 1:13 PM

weeehhh... sarap naman uminom ng SUSU. lolz

bulakbolero.sg | July 23, 2010 at 2:18 PM

@rd, hehe... ayus.

@gasul, luma na kase tong post ko, nung nasa malaysia ko di ko gaano nadidinig yang alamak. yung aiyoh, bihira ko lang sya madinig. kaya yown.

@muse, medyo busy sa work... sorry naman... yaan mo babawi ako pag di na busy.

@tsuper, nyahaha... galing sa dodo ng cow.

Superjaid | July 23, 2010 at 5:36 PM

wow naman sleng sila..hehehe sa school mahilig din kaming magsalita na parang briton hahaha

Jepoy | July 24, 2010 at 2:51 AM

natawa ako sa leh lah lor pota! LOL Nakaka barok naman dyan! Iheychet!

KESO | July 24, 2010 at 8:05 PM

hahahha. bentang benta sakin yung Roland's Mc. D. LOL

kikilabotz | July 24, 2010 at 10:52 PM

beg pa lang natawa na ko. ahahahaha

bibili ako ng mpagkan sa McD take away. tolong namn patolak ng pinto leh.

maharuth | July 21, 2011 at 2:22 PM

padaan lang po sa blog mo....TNT sa mga definition of terms mo ah...aztig...slang na slang...

Anonymous | July 21, 2011 at 2:41 PM

Ahahaha pana yata nagpauso ng take away eh no? Kahit sa Dubai ganun din eh - JoeyVelunta