Istorya ng Pasaway…


Una kong nalahatla ang akdang ito noong Aug 13, '08 11:54 AM sa aking multiply account ng mga panahong nasa Malaysia pa ako.


Natawa ako kasi nakakita ako ngayon ng kaopismate ko na naka necktie… pambihirang buhay… Asteeg, ang pormal pormal nya tsong. \m/

(babala: bawal basahin ng mga taong di trip magbasa ng walang wentang bagay)

 Humigit kumulang walong bwan ang nagdaan

Bagong salta ako dito sa bayan ng mga tatlong lahi. Mejo kinakabahan pa ko nun… alam nio un? Di ba pag perstaym nakakakaba naman? Kung tama pa ang aking naalala pumasok ako sa loob ng opisina at nakipagtagpo ako sa yuman resors personel netong kumpanyang to. Pagkakita ko sa kanya, agad agad ay nagsabihan kami ng hi at hello. Parang i-bol lang ang dating. Pinaupo nya ako sa isang sulok (wag po wag po), at sinabihang babalikan nya ako maya maya. Walang anu ano ay tinawag nya na ko at pinakilala sa mga kaopisina ko dito. Pootek di ako nakapaghanda… ang kaspang ng kamay ko.. d ako nakapaglowsyon. Di ko naman kasi akalain na magiging kandidato ko sa isang araw at kakamayan ang humigit kumulang isa daan kong kaopisina… pawisan na ang aking kamay pero kamay dito, kamay doon pa din ang nangyari ng mga sandaling iyon. Pagkatapos ng mala politika at mala artistang drama, isinama nya naman ako sa orientation room, di na ko nagsosolo nun, 3 na kami, 3 kasi kaming bagong salta sa kompanya noong araw na iyon.  Nababanaag ko ang isang anaps at isang lokal… tameme ako… siempre wala naman akong baong inglis ng mga panahong iyon. Inorient kaming tatlo dun sa kwartong iyon… sinabi ang mga dress code, policies na hanggang ngayon ay wala namang matinong policy ang kompanyang ito, at mga kung anu ano pang bagay na simabi sa panimula ng pagtatrabaho mo sa bagong kumpanya. Hindi ko makakalimutan ang dress code, nakasaad sa dress code na dapat ay pormal na pormal kami para presentable kami sa kliyente (parang nagbebenta lang ng insurance). Naalala ko tuloy ang mga oras na nakikipagkamay ako sa bagong ofismate, lahat sila nakatie… huwaaat… kaya pala.. required pala magtie samin.. nakana naman… wala akong dalang tie, at ni inde nya ako madunong magkabit ng tie… perystaym eto sa talambuhay ko. So si ako… nagtanong ke heyts har… pede ba inde mag tie muna.. kasi wala ako dala… etong si heyts har.. sabi bili nalang muna ko sa mall kahit isa lang… edi ayun.. required nga sya kasi d nya naman ako na eksQs ng mga panahong yaon. Natapos na ang unang bahagi ng orientation. May dumating sa aming bagong magoorient… isa itong chekwa… bigla nyang sinabi na musta naman ang unang araw nio. Tinanong nya pa na, nagkausap na ba kayo ng tagalong? Huwat ulet… may nagtatagalog ba dito? E anaps at lokal tong mga kasama ko sa orientation… at nagkagulatan kami… wakoko.. yung isang lokal pala na inaakala ko ay isa ding pinoy.. akalain mo un… at akalain mo din un.. ang akala nia sa akin ay chekwa ako… shwang kai la pala sya eh… wahahaha… ayun.. so after nun.. d na ko tahimik.. nabasa na ang aking nanunuyong lalamunan.. dahil nailabas ko na ang tagalong skills ko… wahahaha… at dahil dun.. di muna ko bumili ng nektie… hiram muna ko sa kunwakunwariang lokal na pinoy pala… hehehe.. nga pala… SAP ung inorient sa amin nung chekwa na un… natapos ang orientation at nag uwian na kami… sumobrang haba na ang storya ko… fast forward na… nakabili na ko ng tie, sinauli ko na ung tie sa hiniraman ko… araw araw pormal pormalan ako (joke lang, paminsan di pa din ako angtatie)… tahimik pa din ako, lagi ko kasama sila kaye at wom twing maglalants at dinner… lumipat ako sa menara jaya condominium na madaming pinoy pra di mapanis laway ko… nakaayat na ko ng bundok ng tatlong lahi.. at madami pang mga nangyari…. Hanggang sa….

 Mga anim na buwan ang nagdaan..

May bagong salta sa opisina naming, isa syang Indonesian… unang araw nya nakausap ko sya kasi wala pa din syang kakilala.. tulad ko… mula sa sariling bayan at dumerecho sya sa bayan ng tatlong lahi, isa pa magkatulad kasi kami ng modyul at proyekto… kaya yun nga ako ung kinausap nya… natanong nya sa akin na bakit daw di ako naka tie… sabi ko… nagsubok kasi ko na di magtie, wala namang nagalit.. e parang bisyo to… araw araw hinahanap hanap.. so mula noon di na ko nag tie… lumipas ang mga araw, madaming nangyari sa buhay ko… nalipat ako sa penang na proyekto… at natagalan ang aking pagbalik sa opisina dito sa KL…. Hanggang sa…

 Mga isang buwan na ang nagdaan..

Ksama ang aking mga kaproyekto sa penang, bumalik kami dito sa KL, dahil may kailangan pa ayusin na data ang kliyente… nanibago ako… pagpasok ko sa aming opisina… parang naglulumundag ang aking malademonyong utak… dahil walang nakatie ni isa… yahung yahu.. ibig ba sabihin neto…d na required mag tie? Wahahaha… d ko na tinanong.. go with the flow nalang ako… Napaisip lang ako na ako ba ang nagpanimula ng lahat lahat?  Hihi… pero wag na natin ungkatin un, atleast ngayon, Malaya na kong nakakapasok sa opisina na inde nagbabaon ng necktie… :D hanggang sa…

 Noong Lunes…

May bagong mukha sa opisina… bagong salta sya… dumaan sya sa usual na proseso ng orientation… at… natawa ako, nakita ko sya kinabukasan, nakatie sya…. Wahaha.. d pa din nila nirerevise ang dresscode nila… kelangan pa din pormal pormalan dito sa opisina.. pero wala na sila magagawa out of all the employees here in the ofis… sya lang ang nakatie… wahaha.. marshal law na ang kelangan para maibalik ulit ang tie…LOL…

 Natawa ako kasi nakakita ako ngayon ng kaopismate ko na naka necktie… pambihirang buhay… Asteeg, ang pormal pormal nya tsong. \m/ …. Naalala ko tuloy ang mga unang linggo ko dito sa kumpanyang ito… nakatie, pormal, di mukhang gusgusin, tameme at walang alam na ni isang bahasa na salita… Ngayon eto ako…. Sumisipa pa din kahit papaano… Nagkaroon ng mga bagong kaibigan, nakatikim ng mga bagong putahe, natuto ng bagong lenguahe… at nagbloblog sa oras ng trabaho… lol…

 Nga pala, nasabi ko ba na nasa policy din naming na dapat 9am ung pasok naming dito sa KL, 6:30 uwian at 1hour lang ang lants break? Hihi… Siempre, sumusunod naman ako sa patakaran.. at ang skedyul ko ay… 10am pumapasok… 12:15-1:45 ang lants break at 6pm ang uwian… :D

 Ohsya… hanggang sa uulitin.. pasensya na medyo mahaba ang blog ko ngayon… sana di kayo hiningal at inantok kababasa…  =P hanggang sa muli kong pangungulit…

Pasensya na… walang time magsulat ng bagong akda, kaya nagrepost muna ko.
 

6 comments:

Madz | July 15, 2010 at 9:54 AM

certified PASAWAY ka parekoy :))

hokei lang yan, damit lang yan basta ba hindi sumasabit sa tarbahu eh..hehe

mas nakakaasar magtarabaho kapag hindi ka komportable sa suot mo..higit dyan higit dito, kamot dyan kamot dito...hahaaha naubos na oras sa damit pa lang...

krn | July 15, 2010 at 1:01 PM

ikaw pala pasimuno eh. haha. ang tagal na din pala nito 2 years ago pa. ang dami mo na pala napuntahang lugar. bulakbolero nga..

ellehciren | July 15, 2010 at 9:58 PM

ayus talaga! astig talaga ang pinoy! ;)

glentot | July 16, 2010 at 4:27 AM

Hmm makapag-necktie nga bukas...

kikilabotz | July 16, 2010 at 2:48 PM

hahaha..hanep..sir ewan ko kung sa akin lng pero parang nakakalabo ng mata yung font.

^_^

J. Kulisap | July 21, 2011 at 1:50 PM

Kung ito ang unang attempt na magbahagi ka ng maliit na porsiyento ng iyong buhay sa blogesperyo, may palagay ako na nais mong magkuwento.

Dahil nga nasa ibang bayan ka, nais mong may makakaintindi sayo, may makikinig ng mga kwento mo dahil ang mga Pilipino likas 'yan na makuwento dahil mahilig tayong makipagkapuwa tao.

Sa haba nito necktie ang bida, isa kasi itong indikasyon na mas angat ka sa iba kapag naka-kurbata. Subalit hindi mo nasabi kung ano ang nature ng iyong work.

SAP- accounting prog ba ito? Powerful ito. :)