Iphone 4s

 

Lahat na ata ng sinabihan kong bumibili pa ko dati ng text card para makapag text sa ibang fon ay hindi nakakarelate. Hindi ko alam kung ganun na ba ko kantanda o sadyang, nauto lang ako ng globe ng panahong di pa uso ang unlitxt.

 

Motorola d68 pa gamit kong fon ng mga panahon na yon. Simple lang sya, pero masaya na ko na nagagamit ko sya pantawag sa mga mahal sa buhay at pati na din sa minahal sa buhay. Inam.

 

Oo kuntento na sana ko dun, kaso mo dumating si nokia 3210 na mas cool ang features, sinu ba naman ako na tao lang at natutukso rin? Kaya pinagpalit ko si motorola kay nokia.

Dahil tulad ng iba, wala talaga kong kakuntentuhan... Ilan pang (nokia) models ang nagdaan sa kamay ko. Magagara, maporma at pwedeng ipagyabang sa tropa.

 

Hindi na ata mababago yun.. Hindi na ko makukuntento. Ngayon nga si Siri yung gusto kong maangkin.

 

Pag di ka kuntento o sawa ka na, pede ka naman magpalit. Dun naman umiinog ang buhay ng tao. Laging may aasam-asamin ka. Hindi ka makukunteto dahil yung inaakala mong ayus na features kaya mo ito nabili ay hindi naman pala ganun kacool pag tagal-tagal. Pabalat lang. Marketing strategy. Minsan nga madidisappoint ka pa kung bakit mo nabili 'to. Lalo na kung may bago kang makita na mas asteeg sa kasalukuyan mong ginagamit ngayon.

 

Subalit napansin mo ba? Ang mga bagay na may sentimental value, gaano man ito ka-luma, ka-laos, ka-panget, o anu pa mang di papantay sa kung anong nakikita mo ngayon ay mahirap pakawalan?

 

Yung Motorola d68 ko? nasa tukador nakatago. Kung tatanungin mo ko kung magkano halaga nya ngayong panahon na to… yun ay Priceless…

16 comments:

khantotantra | November 29, 2011 at 9:11 AM

hi, beautiful blog and nice content. Good information. Thanks for the wonderful share.

lols. tama, ang mga bagay-bagay na may sentimental value ay priceless.

at ikaw na ang nagpapalit palit ng cp :D yomon. :D

CNA | November 29, 2011 at 9:40 AM

The previous cellphones are really priceless. This kind of phone is a talking phone. I watched the video on youtube and i was amazed..

Anonymous | November 29, 2011 at 9:45 AM

Ganyan din ba sa relationships, Bulakbol?!

Rence | November 29, 2011 at 10:12 AM

ang isang bagay lang na may sentimental value sa akin ay yung sulat ng sis ko sa akin nung siya ay 7 years old pa. ngayon ay 30 na siya.

Bino | November 29, 2011 at 10:13 AM

3210 ang phone ko na hanggang ngayon ginagamit ko pa kahit na may mas maganda ako'ng phone para sa office. parang friends, makakatagpo ka ng bago pero di mo malilimutan ang mga una mo'ng kaibigan

Anonymous | November 29, 2011 at 10:42 AM

may mga bagay talaga na hnd natin pinakakawalan dahil may sentimental value.. Hay napa isip tuloy ako.. hehe

krn | November 29, 2011 at 11:27 AM

Sinabi mo pa. Espiking of sentimental, meron akong phone pagkapangit-pangit pero mahal ko talaga. Sentimentalist ka din pala. :D

Diamond R | November 29, 2011 at 11:54 AM

kaya ang hirap bumili ng phone na mahal kasi masaya ka lang sa una pag may nakita kang iba yon na naman ang gusto mo. di ma kontento.

Unknown | November 29, 2011 at 12:14 PM

tma na ang hirp pag npamahal na sau un isang gmit. merun din akong phone na 6330 still di ko pa rin pinaplitan 3 yers na nga eh kaidad ng anak ko pero ang dame rin na good & bad memory.

iya_khin | November 29, 2011 at 12:44 PM

tomoooh! priceless kahit luma at pangit at wala na sa uso pero kung babalikan mo yung feeling na nakamit mo yung bagay na yun dati at 1st tym mo yung parang 1st tym mong nakipagsex,tyak priceless talaga yon!! lol

Sendo | November 29, 2011 at 4:37 PM

mahirap talagang pakawalan ang mga bagay na may sentimental value..parang ikaw..LOLS hahaha... saka nako magpapalit ng phone pag me naimbento na holographic features hihi

Anonymous | November 30, 2011 at 7:39 AM

nasa drawer ko pa ang P910 ko at SE w960, saka ung E72 ko. pero ung Nokia cguro ibebenta ko na kasi nabura ko na lahat ng laman nun. ung 2 for sure hindi. dami messages dun eh. lol

YOW | November 30, 2011 at 4:30 PM

Nakss.. TAMA! Very well said. Yun na nga. Kailangan ko pa ba mag-expound?

bagotilyo | November 30, 2011 at 7:45 PM

Wala silang katulad.

marami paring bagay ang walang katumbas na halaga :D

McRICH | November 30, 2011 at 11:10 PM

parang after ng pakontes naging malulungkutin na si bulakbolero, bakit kaya?

Joemill | December 1, 2011 at 12:15 PM

Ayos ah! Saan pala ang salu-salo? Meron bang org mga Pinoy bloggers dito? Salamat sa invite.