who’s gonna drive you home tonight?
nakita ko na may per-visit ads ako sa nuffnang. wala naman akong maisip na isulat kaya naghalungkat nalang ako ng mga sinulat ko dati na hindi ko pa napost dito sa bahay ko. at eto yun.
Naisip ko lang, madalas nakakalito ang love, lust at admiration… inde ko alam kung ako lang nakakaisip neto… pero paano mo nga ba madi-differentiate ang Love, Lust at Admiration?
Ang tagal nio nang magkasama… taon na nga ang bibilangin… kilala nio na ang pamilya ng isa’t isa… subalit may konting bagay na di ka padin nasasabi sa kanya at minsan naman kahit simpleng bagay pinagtatalunan nio pa.… love pa din ba to?
Alam nio na d nio kayang ipagpalit ang isa’t isa… kabisado nio na ang bawa’t detalye ng inyong kapareha… subalit pag may unteng di pagkakaunawaan… nagagawa mo pa ding magtigas tigasan at di sya kausapin… love pa din ba to?
Alam mo na sya lang ang nakakapagpangiti at nakakapagpakilig sayo, lagi mo syang sinasabihan na mahal kita at iloveyou pag may pagkakataon, may mga bagay na ayaw ka sa knya.. tanggap mo naman.. pero bakit d lang maalis alis sa isipan mo... love pa din ba to?
Ilan taon na din kayo magkarelasyon, nangyari na din ang mga pangyayari… (dahil wholesome yung blog ko, hindi ko babanggit ang salitang seks o pagtatalik dito)alam mo sa sarili mo na mahal mo sya… pero yung pag mamahal nayon… inde nya mapantayan ung pagmamamahal na naramdaman mo nung bago palang kayo magkasintahan… lust lang ba to at di love?
Mahal na mahal mo sya kaya ginusto mong makabase militar para mapatunayan na mahal ka din nya. Nung natikman mo to… lagi mo na syang hinahanap hanap… lust lang ba to at di love?
Matagal na din kayong magkasama, sa pagsasama na to… walang pang nangyayari sa inyo, dahil ayaw nia… nirerespeto mo naman sya… subalit lagi mong naiisip sa sarili mo na ano kaya kung may mangyari na sa inyo at dahil sa pagiisip na to… napapanaginipan mo pa ito… lust lang ba to at di love?
Bakit ba nililigawan ng lalaki ang babae? Dahil ba love nya un or inaadmire nya lang un?
Bakit ba sinasagot ng babae ang lalaki? Dahil ba love nya na un or inaadmire nya ung ginawang panliligaw ng lalaki?
Bakit may gustong gusto kang tao… yung tipong aakyatin mo na ang mt. everest para lang sagutin ka nya? Tunay kaya na nainlab ka kaagad sa kanya?
Nakakasawa ba ang love? May point ba na magsasawa ka sa taong lab mo? Kahit 1 second lang… possible ba yon?
E yung lust, Nauubos ba?
E bakit sa X mo nawawala ung lab mo, ibig ba sabihin nito.. d mo talaga sya mahal nung kayo palang? Kasi nawala eh… dba dapat ang love eternal… d nawawala.
Possible ka bang mas higit pa ang paghanga mo sa isang tao na di mo gf kesa sa karelasyon mo?
Possible kaya na iba ang pakiramdam pag magkaibigan kayo kesa sa magkarelasyon na kayo?
Possible kaya na ang simpleng paghanga ay napapagkamalang pagibig? O possible kaya na pagibig na pala yun pero kala mo hinahangaan mo lang sya? O di kaya possible kaya na kala mo hinahangaan mo ang isang tao pero pinagpapantasyahan mo lang pala… (nyakakaka… babuy!)
Ang gulo ko no?
Pano pag sinabi kong gusto ko si Katrina Halili…. Ano yun? Love, lust or admiration…
inam
17 comments:
lust lang yan :)
libog lang yan :)
uhm.. wait. ano daw? hahaha! Dami mong tanong. Lols..
Daming posible.. Posibleng mahal mo na pala, akala mo kras lang. Posibleng admiration lang pala yun, akala mo inlab ka na.. Siguro, ikaw lang din makakasagot sa mga tanong.. hehe..
Yung kay Katrina? Malamang, lust lang yun. :P
Complicated talaga ang love. Kapag lagi mong gustong makita at makasama 'yung tao tapos lagi mong gustong marinig ang boses niya tapos gusto mong malaman lahat ng tungkol sa kanya tapos hindi mo siya maalis sa isipan mo tapos na-iimagine mong makasama siya sa habang buhay tapos despite the imperfections niya eh tanggap mo siya, 'yun ata ang love.
Tagos dre! Parang regla, mens!
Napaka-golden nito. Ahahah. Kelangan lang malaman kung anu ba yung tamang term sa pinagsama-samang lahat na yan. XD
Admiration= Sarap kasama
Lust=sarap sa kama
Love=sarap isama at ikama now and forever...
LOL!!!!
Sino ba yang may Imperfection na yan @gasdude?pakilala mo naman samin.. LOL
Maghalungkat ka pa...ganito mga gusto kong topic..LOL
Ano yung makabase militar? lol Ala ako alam sa love kaya wala maicomment. hehehe. Inggit ako sa nuffnang. Yun lang. :D
Sagutin ko ang tanong na "nakakasawa ba ang Love?"
May mga tao na ang bilis magsawa. Siguro hindi pa dumating yong tao na talagang para sa kanya.
hahaha Panalo ung sinabi niPajay. :P
Pero bakit lahat kelngang idefine. Pag sa isang definitionba, maykulang na isa, ibig sabihin hindi na un yun?
Sa mundo, madaming indefinite. Ibaiba ang lebel at facet. Kayapati definition ng mga bagay bagaysa mundo hindi din nagiging definite. tulad ng pag-ibig. komplikadong pakshet. nakakbaliw idefine.
Pero panalo padin ung sinabi ni pajay. haha!
napaka interesting na mga question pero ang hirap naman bigyan ng kaukulang depinasyon, kasi pag nag define ako magiging subjective sa pananaw ng iba. So for the sake of comment and conversation about this interesting entry. Here's what I can say.
and admiration tsaka lust nasaloob yan ng ifatuation. Tatampalin kita pag pina define mo sakin ang infatuation.
While Love is Eternal. Pwede kang mag mahal ng madami no doubt about it pero desisyon ang mag mahal lang ng isa at mag stick ka dito at maging masaya dito.
Ang gulo ko din. Atleast nakisali...
gusto ko yung sabi ni sir pajay.
para sa akin:
admiration= kaya mong mabuhay kapag wala sya pero nais mong makasama sya
lust= buhay ang dugo mo pag kasama sya... lalo na sa kama
love= di ka mabubuhay kung wala sya.... kahit sa kama. :D
Di kaya ng aking isipan ipaliwanag ang iyong mga katanungan kasi ikaw lang ang makakasagot niyan.Tumawa lang ako sa comment ni akoni LOL
parang gusto ko gumawa ng blog para reply dito. ang daming tanong eh.
Kala mo virgin pa, tsaka hindi na inlove oh. hahaha
ang tunay na pag-ibig ang nagsisimula sa malisya. Kaya malisyahin muna bago ibigin
sabi mo wholesome ang blog mo?
eh yung kay katrina halili lust yun pare..wahhahaha
wag mo sabihing true love?? hehehe
lust lang ang alam ko
hehe
Post a Comment